CHAPTER 2

206 5 2
                                    

Aiah's POV
Friend

“Ate Aiah?”

“Hmm”

“Wake up na po.” pag gising sakin ni Maloi

“5 more minutes, Loi” sagot ko dito na inaantok pa

“Wake up na, 5:30 na oh. Tagal mo nang tulog.” pangungulit ni Loi sakin.

“What?! Really?!” I was shocked and stood up immediately

“Oh kalma, mag bihis ka na dahil on the way na daw sila Shee” sabi nito sakin bago lumabas ng kwarto ko

That was a very long nap. Well, sobrang pagod ko rin naman the past few days. Nag hanap na ako ng susuotin ko don sa party na sinasabi ni Loi.

Simpleng damit lang naman ang sinuot ko, plain white shirt at khaki na baggy pants. Nagsuot narin ako ng beige cap dahil match naman sa outfit ko.

Paglabas ko ng kwarto ay nakabihis narin si Loi. May kausap siya sa phone kaya di niya napansin presensya ko.

“Ah oo tapos na, inaantay ko nalang si Ate Aiah” sabi nito

“Sure, antayin ka nalang namin sa lobby” huling saad nito bago ibaba ang phone

“You're done na pala, I'll just get my purse then baba na tayo sa lobby” - Maloi

“Loi, okay lang ba yung suot ko?”

“Oo naman, cool mo nga eh, bagay sayo” sabi nito sakin

“Baka kase ano, you know masyadong plain para sa party?” tanong ko ulit dito

“No, it's fine. Di naman maarte sila Shee pag dating sa mga ganyan. Tara na?” sagot nito sakin

“Ay teka pinakain mo na ba si Juyon?” I asked Maloi, kase baka di pa niya napapakain, kawawa naman if magutom si Juyon, aalis pa naman kami.

“Opo, nilagyan ko na din siya ng extra food sa bowl niya, for sure aabutin tayo ng kinabukasan don kila Shee. Btw nasa kama na siya, nakatulog na”

“Alright, let's go na?” I asked Maloi and opened the door for us.

Pagbaba namin ng lobby ay may tinawagan ulit si Maloi. Habng busy siya ay tinignan ko muna ang email ko kasi baka mamaya tanggap na pala ko sa trabaho. Pero sad to say na hanggang ngayon wala parin.

“Ate Aiah, tara na? Nasa tapat na sila.” Maloi asked me, and I nodded in response.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse ay may biglang yumakap na babae kay Maloi na sobrang excited at kulit.

“Maloi!!!, Namiss kita, Mwah” sabi nito sabay kindat kay Loi.

“Si oa” sagot naman ni Maloi dito.

“Oh, you're with someone pala, introduce me to her naman. Para ka namang others. Hi! You must be Aiah-” hindi nito natuloy ang kanyang sasabihin ng biglang magsalita si Maloi.

“Ah oo, Aiah, this is Sheena, my friend na sinasabi ko sayo. Sheena, this is Ate Aiah roommate and friend ko.”

“Hi Ate Aiah! Sheena Mae Catacutan” masiglang sabi nito sabay lahad ng kamay niya sakin.

“Hello Sheena! Aiah, Aiah Arceta” sagot ko dito.

“Tara na syug, naghihintay na ang iba sa bahay” sabi nito sabay lakad papuntang sasakyan.

“Kuya, let's go na po” tumango naman si kuya driver at nagsimulang magmaneho.

“Ate Aiah, kamusta naman si Maloi bilang roommate?” tanong ni Sheena

“Ayos lang, halos tatlong taon ko nang napagtitiisan.” pabirong sabi ko na ikinatawa naming dalawa pero si Maloi ay naka busangot habang mahinang hinampas yung braso ko.

“So, ate Aiah tell me about yourself naman” sabi nito na pumutol sa katahimikan.

“Wala naman masyadong ganap sa buhay ko. Actually, kakagraduate ko lang last month, so ang pinagkakabusyhan ko ay job hunt. How ‘bout you?” sagot ko dito.

“Oh I see, I'm fine naman, stable naman ang work ko. Kinakaya naman ang life” she answered my question.

Mahaba haba narin ang naging usapan namin ni Sheena masaya siya kasama medyo magkavibes rin sila ni Maloi, you can really tell they are friends.

“Hello? Nandito ako” sabi ni Maloi na nagpatigil sa usapan namin ni Sheena

“Maloi ang cheesy mo” natatawang sabi ni Sheena

“Ay sus naman, nagseselos ang bespren ko. Halika nga dito” sabi ko dito habang marahang hinila yung kamay niya papalapit sakin.

“Huh?! Anong nagseselos? Ano ka ba? Sinasabi ko lang na nandito ako kase parang invisible ako sa inyo eh, di niyo man lang ako sinasama sa usapan niyo, saglit pa lang kayo nag kakilala tas sobrang close niyo na. Pano naman ako” sabi nito na parang bata habang naka pout.

“I mean, it's okay but you know it's just that- ah never mind” di na nito tinuloy ang sasabihin niya kaya nag tinginan kami ni Sheena dahil parehas kaming naguguluhan sa sinabi ni Maloi.

Balak ko pa sanang itanong kung anong ibig niyang sabihin pero biglang nagsalita si kuya driver.

“Ma'am nandito na po tayo” sabi ng driver ni Sheena

“Alright, thank you, kuya. Girls tara baba na tayo” sabi ni Shee namin.

Tumango naman kaagad kami ni Maloi. Naunang bumaba ng sasakyan si Sheena, sunod naman ay pinagbuksan ako ng pinto ni Maloi.

“Thank you” mahinang sabi ko dito na ikinatango naman niya.

Pagbukas ni Shee ng pinto ng bahay nila ay matatanaw mo agad ang iba pa niyang mga bisita, mga pagkaing naka handa at mga other decorations pa.

“Pasok kayo, wag kayo mahiya” - Sheena

“Tara?” bulong ni Maloi sakin

“Yeah sure” hawak ko sa kamay nito.

“Umm guys, si Maloi nga pala childhood friend ko. This is Aiah naman friend ni Maloi ang friend ko na rin” sabi niya sabay kindat sakin, dahil dito ay napatawa ako ng mahina

Kumakain na ang iba, yung iba naman ay nag iinuman na. Puno ng tawanan at kulitan ang bahay ni Shee dahil sa mga tao na nandito. Obviously, party siya so talagang maingay at masaya.

“Aiah?”

“Yes, Loi?"

“Ayos ka lang?” tanong nito na naging dahilan upang tignan ko siya. Napansin siguro niya na tahimik ako at di nageenjoy sa party.

I usually go to parties naman, sometimes kapag mag isa ako pero madalas is kasama ko si Maloi. I'm not a fan of loud and crowded places. Mas prefer ko ang quiet and peaceful.

I think peace alone holds more wisdom than crowded places.

Tainted Love: Beast's Redemption Where stories live. Discover now