Aiah's POV
Sadness"Aiah?"
"Yes, Loi?
"Ayos ka lang?" tanong nito na naging dahilan upang tignan ko siya. Napansin siguro niya na tahimik ako at di nageenjoy sa party.
"Yes, of course, walang namang problema" sagot ko dito.
"Aiah you can't lie to me. I know you, tara labas muna tayo? Pahangin lang" sabi nito sakin
You do, Loi. You really do know me
"Sure"
Lumabas muna kami ni Maloi at nagpahangin gaya ng sabi niya kanina. Nilagay ni Loi yung jacket niya sa may damuhan sabay tingin sakin.
"Upo ka, mangangalay ka niyan" sabi nito
"Loi, your jacket will get dumi na."
"Ang conyo ah, wag mo na problemahin yon pwede naman labahan nalang, dali na upo na tayo" she said while pouting at me.
"Fine, you're so kulit." i replied.
"Ang ganda ng moon no?" tanong ko dito habang nakatingin sa buwan.
"Ang ganda nga" sagot ni Maloi, pero ramdam ko yung titig niya sakin.
"Baka matunaw ako niyan" sabi ko na ikinatawa namin.
Inabot rin kami ng halos kalahating oras dito sa labas. Nagkkwentuhan at nagtatawanan kami. Di ko alam pero ang comfy talaga pag kasama ko si Loi. Sobrang grateful ko na kaibigan ko siya. She really knows me.
Naguusap kami ni Maloi nang may biglang tumawag samin.
"Maloi! Aiah! Nandyan lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap" sigaw na sabi samin ni Sheena dahil medyo malayo kami.
Agad naman kaming tumayo ni Loi at pumunta kay Shee
"Nagpahangin lang kami saglit ni Aiah." sabi ni Maloi kay Shee
"Tara pasok na ulit kayo, inom tayo"
Tinignan ako ni Loi sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok ng bahay. Sinundan ko lang sila ni Shee kung san sila pupunta. Pansin ko rin na medyo nabawasan ang tao sa loob, dahil na rin siguro gabi na.
"Umuwi na yung iba since may mga pasok pa bukas. Ikaw ba Mals?"
"Ah wala naman akong pasok tomorrow" sagot ni Loi na ikinatango ni Shee.
Kumuha ni Maloi ng dalawang cans ng beer at binuksan yung isa sabay abot sakin.
"Umm Aiah, If okay lang itanong kung bakit nahihirapan ka mag hanap ng job?" tanong ni Shee
"Ah ganto yon, maayos naman yung mga records ko ang problema kase-"
"Lagi siyang late" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil kay Maloi.
"Ohh, that's why." - shee
"Yeah, yung last interview ko ay wala parin response or update hanggang ngayon. Ikaw ba kamusta? Sabi mo stable naman job mo right? Share mo naman" sabi ko dito
"Ayos lang naman, and yes maayos naman job ko, na promote ako kahit papano"
"That's good to hear"
"Shee, Didn't you tell me earlier that you were going to say something to Aiah?" singit ni Maloi sa usapan
"Ah oo nga pala, May open na position sa company kung san ako nag tatrabaho, if ever di ka natanggap don sa sinasabi mong interview baka gusto mo mag apply. I'm sure qualified ka."
"Thank you Shee, pagisipan ko muna. Tsaka hintayin ko na nalang din muna yung update nung company. Sabihan nalang kita if ever" sagot ko dito
"Yeah sure, send ko nalang sayo yung mga requirements tsaka ibang infos"
"Bakit pala lagi kang late sa mga interviews?" tanong ulit nito.
"Lagi kasi siyang nagpupuyat kakanuod ng mga movies or series sa Netflix. Kaya ayon late nagigising." si Maloi na sumagot para sakin.
"Loi, lagi mo nalang akong nilalaglag" nag tatampong saad ko dito.
Tinawanan lang ako nito at uminom ulit nung beer niya.
"Hay nako, ewan ko sayo, lagi mo nalang ako inaasar" inis na sabi ko dito at inirapan siya.
"Pikon ka naman" pang aasar ulit nito.
"Uy tama na yan, kung di lang kayo kilala baka pagkamalan ko pa kayong mag jowa niyan" putol ni Sheena sa alitan namin ni Maloi.
"HUH?"
Sabay naming sabi ni Maloi at bigla kaming nagkatitigan tas biglang tumawa.
"Si Maloi? Jowa ko? Ang funny ah" natatawang sabi ko
"True, di kami talo noh" dugtong ni Maloi sa sinabi ko.
"Okay, okay" taas kamay nito na para bang sumuko na sa kulitan.
"So defensive ah, anyways watch tayo movie?"
"G lang" - Maloi
"Sure" - Aiah
"Ano gusto niyo?" tanong ni Shee
"How about horror? Tingin mo Loi?" I answered her questions.
"Kung ano gusto mo, dun ako" sagot nito hanggang ngayon ay busy parin sa kakainom ng beer.
"Shee, may beer pa? paubos na tong iniinom ko" tanong ni Loi kay Shee.
"Loi, nakakarami ka na, tama na yan"
"Oo marami pa, alis muna ako saglit kukuha lang ako ng beers at mga snacks, balik ako agad, kayo na pumili ng movie" sabi ni Shee bago pumunta sa kitchen.
"Loi anong maganda?" tanong ko dito habang nag sscroll sa Netflix.
"Ikaw"
"Ha?" nagtatakang tanong ko dito.
"Uh, I mean i-ikaw bahala." nauutal na saad niya.
"Alright, sure kang okay lang sayo ang horror?"
"Ah, oo a-ayos lang" tumatango na saad nito.
"Hellaur, I'm back. Oh ito more beers at mga snacks. Start niyo na yung movie."
Habang nanunuod kami ay pansin kong tahimik si Maloi. Tinignan ko siya at nagulat ako dahil pawisan siya.
"Loi ayos ka lang? Pawisan ka na oh, may sakit ka ba?" tanong ko dito sabay hinawakan ang noo nito para tignna kung may lagnat ito.
"Oo a-ayos l-lang. Medyo mainit kasi." nauutal na sagot nito habang kunwaring nagpapaypay gamit kamay niya.
"Maiinit? Eh anlakas-lakas nga ng aircon" nagtatakang tanong ko dito.
"True ka dyan sissy ko, nilakasan ko siya kanina" dagdag ni Shee.
"Wala to, ano ba kayo, ayos lang ako" palit pa ni Maloi.
"Okay. If you say so" sabi ko dito dahil kahit anong gawin ko ay di mag papatalo yan.
Alam niyo minsan ay hindi ko rin magets ni Maloi, like kunwari ansaya niya kanina tas bigla biglang magbabago yung mood niya. Di ko din talaga alam ganap ng mga emotions na utak nito eh, bigla atang napindot si sadness.
Sometimes, we just have to try to understand the things we don't understand.
YOU ARE READING
Tainted Love: Beast's Redemption
Fanfiction"You can be the beauty, and I could be the Monster" Maraiah Queen Arceta - Aiah Secretary Mikhaela Janna Lim - Mikha CEO