Noong unang panahon sa Nayon ng Kumintang, isang magandang lugar sa gitna ng kagubatan. Dito naninirahan at nag kakaisa ang mortal at mga mga dyos, dyosa at ang mga anito.
Dito'y nabubuhay at nag babantay ang iba't ibang elemento ng kagubatan para sa kasayahan at kapayapaan. Ang bawat araw ay naglalakad ang mga tao sa ilalim ng mapapaganda at maalindog na puno habang nakikipag-usap sa mga diwata, diyosa, hayop at mga espiritu na nagbibigay liwanag at pagkakaunawaan.
"Magandang umaga, Lalahon!" Ang Dyosa naman ng kasaganaan at ani ay tumango at yumuko sakaniya.
Si Lalahon ay madalas pag kamalang dyosa ng bulkan ng mga semedei na naninirahan sa kumintang dahil sa pula at kahel nitong kasuotan na nag mimistulang apoy.
Ang mga Clavis naman ay ang mga taong biniyayaan ng dyos. Sila ang siyang pumoprotekta sa mga mortal.
"Magandang umaga, Apolake!" Sambit ng babae sa dyos ng araw. Agad naman itong yumuko sakaniya at nag patuloy siyang mag lakad.
"Clementine, anak!" Tawag sakaniya. Pag lingon ni Clementine ay nakita niya ang kaniyang ama sa likuran. Si Abel, ang nag sisilbing pinuno ng mga Semedei.
Sa Kumintang naninirahan ang iba't-ibang klase ng Clavis. Ang Clavis ay ang mga taong biniyayaan ng iba't-ibang dyos. Mayroong marunong gumamit ng mahika, makipag-usap sa mga hayop, gumamit ng kapangyarihan ng mga elemento at marami pang iba. Ngunit ang pinaka tinitingalang lahi ay ang mga Semidei. Sila, ang may kakayahang kumausap at makita ang mga dyos.
Sinasabing ang mga Semidei ang siyang biniyayaan mismo ni Bathala gamit ang dugo nito kaya sa lahat ng Clavis, sila lamang ang may kakayahang kumausap sa mga ito.
Sa kabilang banda, ang Ina naman ni Clemetine ay nasa pag titipon kasama ang mga representatibo ng mga lahi at ang dyos na nag bibiya sakanila.
Sa gitna ng Kumintang, naroroon nakatayo ang pinaka malaking puno ng Narra. Kung saan naninirahan ang mga diwata, engkanto at mga espiritu.
Doon din ginanap ang pag titipon.
"Kamusta sa inyong lahat! Anong magagandang balita ang inyong dala ngayon? bakit, nagkaroon ng biglaang pag titipon?" Sambit ng ina ni Clementine, Si Lucille. Hindi ganoon kadalas ang pag titipon ng mga pinuno, maliban sa kung mayroong kinahaharap ang nayon ng Kumintang.
"Ako'y lubos na nagagalak sa ating pagtitipon, Lucille. Subalit mayroon akong nakuhang impormasyon galing sa isa sa mga espiritu. Ito'y tungkol sa isang kadiliman na paparating sa ating nayon." Sambit ni Mattheo, ang pinuno ng mga may kakayahang kumausap at gumamit ng elemento ng mga anito at espiritu. Ang lahing biniyayaan ni Mariang Sinukuan.
"Kadiliman, iyan ba ay isang malaking panganib para sa ating lahat?" Dagdag naman ni Eleanor. "Hindi ba't dapat tayong hindi mabahala dahil may kakayahan na tayong pigilan sila? hindi na tayo papayag na muli pang magapi!" Sambit ni Eleanor. Pinuno ng mga may kakayahang kumausap sa mga hayop at biniyayaan ni Mariang Cacao, ang dyosa at diwata ng kabundukan.
"Tunay, marahil ang kasamang kadiliman ay hindi magandang tanda para sa ating nayon. Ngunit dapat ba tayong magambala? Ano ang ating dapat gawin upang maprotektahan ang ating mga sarili?" Tanong ni Elias sakanila. Si Elias ay ang pinuno ng mga may kakayahang magawa ang kanilang ninanais na bagay gamit ang kanilang kamay. Sila'y biniyayaan ni Idiyanale, ang dyosa ng mabubuting gawa at paggawa.
BINABASA MO ANG
Clavis: Where a "New" Legend has just Begun.
FantasyNoong Araw, ang mundo'y nababalot ng kasakiman, kasinungalingan at kasamaan. Kung saa'y ang ating mundo'y nag simulang mabalot ng kadiliman at nag simulang bumuo ng iba't-ibang elementong umatake at pumatay sa iilang mga ninuno ng iilang mga bayan...