Noong Araw, ang mundo'y nababalot ng kasakiman, kasinungalingan at kasamaan.
Kung saa'y ang ating mundo'y nag simulang mabalot ng kadiliman at nag simulang bumuo ng iba't-ibang elementong umatake at pumatay sa iilang mga ninuno ng iilang mga bayan.
Ito'y bumubuo ng iba't-ibang nilalang, na kung saan ay nag bubunga ng kasamaan at kasakiman sa mundo.
Kaya nama'y ang mga diyos, diyosa at ang mga anito'y hindi nag atubiling bigyang kapangyarihan ang mga piling sangkatauhan upang mapuksa at maibalik ang mga elemento na ito sa kanilang pinagmulan.
Dito nag simula ang kwento ng mga semidei, ang lahing biniyayaan mismo ni Bathala pati na rin ang taga-pagbantay ng “clavis.” Ang Clavis ay ang nag sisilbing gabay para mapuksa at maikulong ang kasamaan.
Ang mga Semidei ay mayroong Susi na kung saan ay ang pinaka malakas nilang sandata laban sa kasamaan, ngunit mayroong kapalit ang pag gamit nito. Maaring kayamanan, parte ng katawan, masayang alaala o 'di kaya'y buhay ng isa o maraming tao.
Sa labanan sa pagitan ng liwanag at kadiliman, ang pwersa ng kasamaan ay napuksa at ang mga masasamang elemento'y tuluyang naikulong sa isang kulong, liblib, tahimik at madilim na lugar.
Sa nasirang Nayon ng Kumintang, sa kagubata'y mayroong naninirahang pamilya na sinasabing ang babaeng babaylan doon ay ang taga-pag mana at huling lahi ng mga Clavis.
Masaya silang namumuhay sa nayon.
Ang babaeng halagi ng tahanan ang sinasabing kasama sa lahi ng mga Clavis dahil sa kaniyang mala-pilak na kulay na buhok na siya lamang nasasabi sa mga kwentong-bayan. Ngunit ito'y hindi pinaniniwalaan ng ilan dahil ang isnag Clavis sa alamat ay mayroong Bughaw na mga mata na kagaya ng kalangitan.
"Agustin, aking minamahal manganganak na ako't mag bubunyi ng isang magandang anak na babae." Sambit ng isang babae sa kaniyang minamahal na asawa habang kumikilos at inihahanda ang almusal nila para sa umagang iyon.
"Kaya nga dapat maupo ka na diyan at ako na ang siyang kikilos. Hindi ba't dapat ika'y namamahinga muna? nalalapit na ang araw ng kapanganakan ng ating minamahal na anak aking asawa." Sambit ni Agustin sa kaniyang asawa, si Clementine. Si Clementine na lamang ang siyang kahuli-hulihang lahi ng mga Clavis at ang kahuli-hulihang taga-pag mana ng susi ngunit, hindi ito alam ng kaniyang asawa.
"Alam ko, ngunit kahit ako'y buntis ay malakas parin ako. Nakalilimutan mo yatang ako ang pinaka huling lahi ng mga Clavis." Sambit ni Clementine sa asawang si Agustin 'saka nag tawanan ang dalawa. Si Agustin ay isang mortal na lalaki. Umibig siya kay Clementine matapos itong makitang nakahiga sa malamig na damuhan ng sirang Nayon ng Kumintang.
Noong makita niya ang dalaga ay kapansin-pansin ang gandang taglay nito at siya'y natutulog sa isang putol na malaking puno.
Inalagaan niya ang natutulog na si Clementine, noong siya'y tulog ng mahigit tatlong taon at noong magising siya, ang tanging ala-ala niya lamang ay isa siyang taga-pag ligtas ng sanlibutan laban sa mga sakuna.
Iniisip na lamang ni Agustin na baka may saltik o 'di kaya'y naapektuhan lamang ang utak ng asawa gawa ng matagal na pag kakatulog nito ng matagal noong dalaga pa ito.
Sa dako paroon kung na saan ang bundok ay napatingin si Clementine at siya'y nagulat sa nakita.
"ANG GALAMAY NG UOD!" Sigaw niyang sambit at pumunta sa bundok at kumaripas ng takbo. bagamat nahihirapan siya'y mabilis na sumunod ang asawa sakaniya.
BINABASA MO ANG
Clavis: Where a "New" Legend has just Begun.
FantastikNoong Araw, ang mundo'y nababalot ng kasakiman, kasinungalingan at kasamaan. Kung saa'y ang ating mundo'y nag simulang mabalot ng kadiliman at nag simulang bumuo ng iba't-ibang elementong umatake at pumatay sa iilang mga ninuno ng iilang mga bayan...