Prologue

29 15 0
                                    

"Oh, mga anito't dyos at dyosa ng kalangitan, pakinggan ninyo ang aking panalangin. Itaboy ang kadiliman, itanghal ang inyong liwanag gamit ang kapangyarihan." Sambit ni Leo. Siya'y humihingi sa mga may gawa ng tulong upang magamit ang kapangyarihang ipinag kaloob sakaniya ng mga ito.

"Mga anito, kayo'y aming taga-pag tanggol. Dyos at dyosa, kayo ang aming gabay at patnubayan kami na pabalikin ang kasamaan sa kung saan sila'y nag mula." Ang kanina'y itim na mata ng binata ay nag simulang mag kulay bughaw na siyang ikinagulat ni Pia.

"Ang iyong mga mata! nag ku-kulay asul ang mga ito." Bagama't namamahang siya sa kaniyang nakita ay hindi na niya nagawang manahimik at tumingin na lamang. Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa binata.

"Sa lakas ng aking dasal at sa tulong ng mga pangarap, isinilang muli ang liwanag at iwaksi ang kadiliman." Pabulong na sambit ni Leo at maya-maya'y humuhulma na sa pinto ang isang doorknob. Ito'y nababalutan at pinalilibutan ng kulay bughaw na ilaw na siyang pumapalibot sa buong pinto.

"NGAYON NA!" Sigaw ni Leo.

"Bumalik sa kung saan ka nag mula!" Sigaw ng dalawa at sabay na ipinasok ang susi. Isang malakas na hangin ang umihip sa paligid kasabay ng pag higop ng mga usok pabalik papunta sa loob ng pinto na.may aakibat na pagsabog.

Ang kalangita'y umulan ng may araw, kasabay ng pag ka panalo nila Leo sa pwersa ng kasamaan.

Nakangiti ang dalaga habang pinag mamasdan ang paligid at ang namuong bahaghari sa kalangitan.

"Dito pa lamang nag sisimula ang iyong kabanata, Pia. Ito pa lamang ang simula."

Clavis: Where a "New" Legend has just Begun. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon