01

0 0 0
                                    

The goal is to survive college, at the same time—to heal...

Kaya ko kaya 'yon? 

May tumulong maliit na butil ng luha ko. Kaya ko 'yon, kaya ko 'to. Sa dami ng dinaanan kong pagsubok, ngayon ko pa ba susukuan 'to? Ni hindi nga ako kayang sukuan ng buhay e, kaya, kaya 'to.

Then dozed my self to sleep. Maaga pa ang pasok ko bukas. Fuck 7 am classes. Okay naman 'yon nung high school ah, ba't ngayon ang hirap hirap na? Tapos tig-3 hours pa, ah shet naman talaga oh.

Nagising naman agad ako ng maaga. Nauna pa ako sa alarm clock ko. Ganito na nga siguro ako every weekdays. Nasasanay na ang katawan kong gumising ng saktong alas quatro. 

Ang layo kasi ng school ko. Sobrang traffic pa! Minsan hindi na kaya ng oras kaya ang ending ko, nauuna na ako sa 4 am kong alarm. Basta hindi ma-late. 

To not think about the past is to distract yourself. 

Shet, ang hirap naman no'n. 

Natigil ako sa pag-iisip habang naglalakad papasok ng Katapatan Homes nang mapukaw ng pansin ko iyong kaklase ko. I removed my earphones.

"Hi, Marla!", bati niya sa akin. 

Ngumiti naman ako sakaniya. I shyly replied "Hello", cause we rarely talk to each other in class. Tatlong taon ko na 'tong kaklase, parang ngayon ko lang siya makakasabay papasok ng school. 

"May kasabay ka?", tanong niya.

"Saan?", i curiously asked. Anong sinasabi niya ba?

"Papasok sa school, 'Diba usually kasama mo sila Draze?", sabi niya.

"Ah, oo", naalala ko bigla. "Nauna na sila, anong oras na kasi eh", sabi ko. Nagkaroon kasi kami ng deal ng mga 'yon, pag 6:30 na, mauuna na sila. Naka e-bike kasi sila, sinasabay lang ako. Sure naman akong umalis na mga 'yon since 6:35 na. 

"Ano... Sabay na tayo?", bigla niyang sabi.

"Okay", sagot ko at pumila na kami sa tricycle-an. 

Nung turn na namin na sumakay ay pinauna niya ako sa loob bago niya ako tinabihan do'n. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. "Sorry", mahinang saad niya nang madanggi niya ako. 

"Okay lang", reply ko. Kinuha ko ang wallet ko para kumuha ng pamasahe, ang kaso wala na pala akong barya at puro isang daan na lang ang nasa wallet ko. Dahan dahan kong dinutdot ang bulsa ng slacks ko kaso wala na akong barya. "Barya bayad mo?", tanong ko sakaniya.

Tumingin siya sa akin. "Wait, tingnan ko", kinuha niya ang wallet niya at ganoon rin. Napasinghap ako. Nakita niya 'yon. "Ako na lang muna", aniya.

"Huh?"

"Ako muna magbabayad", ngumiti siya.

"Okay, babayaran kita mamaya promise", sabi ko. Natawa siya. "Huy seryoso ako", sabi ko dahil tinawanan niya lang ako.

"Alam ko, sige na", tumingin siya sa labas habang nakangiti. Parang tanga. Nababaliw na ata 'to.

Nang makababa kami ng tricycle ay hinintay ko siya. Nakakahiya namang mauna ako gayong sabi niya sabay kami at siya pa ang nagbayad sa pamasahe ko sa tricycle. "Kuya, dalawang estudyante po", aniya. Ang sigla naman niya. Ganito pala siya. Sabagay wala naman akong pakialam sakaniya noon. 

"Okay na... tara na?", aniya.

"Uy thank you ha, babayaran ko promise", seryosong sabi ko sakaniya. 

Tumawa na naman siya. "Oo na", sabi niya.

"Ba't ka kasi natawa? Ang weird mo naman", sabi ko.

"Hindi ba pwedeng masaya lang?", aniya.

"Ewan ko sa 'yo", sabi ko sabay maglalakad na papasok ng gate nang may malakas na bumusina kaya napatingin ako sa gulat. 

Nakita ko sina Draze. Napakunot ako ng noo. Hindi pala sila nauna?

"Ganyan ka na, Marla! Sige!", ani Draze na siyang nagdadrive at nagpark sa gilid ng gate. Puno na ata ang parking lot. 

"Wait lang ha", sabi ko sa kasama ko.

"Hi Errol!", sigaw ni Ann. Diko pinansin, kaya lumapit ako.

"Kaya naman pala, kaya pala! Marla, jusko!", OA na sabi ni Draze habang tinutulungan si Eyce na i-lock ang e-bike. Habang si Eyce naman ay ngiting ngiti sa akin. 

"Ha? Akala ko kasi nauna na kayo! 6:35 na nung nakababa ako ng jeep", sabi ko. 

"Sus! Gaga, kaka-6:40 pa lang. Sus, mga palusot mo, Marla kaya pala ha! Ganyan ka, sige!", 'Di pa rin siya tapos sa pagiging exagg niya. 

Napatingin ako sa relo ko, ay mali pala! "Sorry, naiba tingin ko", sabi ko.

"It's okay, we understand! Hays, nagdadalaga ka na ba?", inayos pa ni Ann ang buhok at uniform ko na parang nanay kung umasta.

"Ha?"

Malakas na tumawa si Eyce. "Hays, nauna si Marla. Kala ko sabay tayo?", aniya pa.

"Saan?", tanong ko.

"Huy kunwari pa", sabay kaway si Draze kay Errol.  

Agad ko silang sinamaan ng tingin. "Huy para kayong tanga! Parang nagkasabay lang e!", agap ko sa mga nasa isip nila ngayon. Ganyan 'yang mga 'yan. Kung anu-ano naiisip. 

"Sus!", sabay tawa si Draze. Ang ingay niya talaga, mula noon hanggang ngayon.

Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na sa loob. Kasabay namin si Errol na dinadaldal nila. 'Tong mga 'to talaga kahit kailan. E nakailang ship na sila sa akin sa mga kaklase namin, lahat kinabwisit ko. Feeling ko ito na sunod. 

Nang makapasok ng room, ang lakas ng boses ni Draze. Binabati niya pa sila Raine ng sobrang sigla. Loka talaga 'to, si Eyce naman ay ngiting ngiti. Habang si Ann ay ginagatungan si Draze. Napairap nalang ako. Bahala kayo d'yan, taon-taon na lang talaga!

When the cut stops bleedingWhere stories live. Discover now