02

0 0 0
                                    



Halos maubos ang buong lakas ko nang matapos ang tatlong oras naming klase. Sa buong klase ay may naintindihan naman ako, kaso hindi gano'n karami dahil sinasapawan 'yon ng antok ko.

Napabulagta nalang ako sa arm chair ng upuan ko. Hays, may mamaya pang klase nakakaurat. Pagod na ako sa mga pa-tatlong oras kong klase. Mula nung first year ako hanggang ngayon, nag-e-exceed pa 'yan kada grade level. sa isa namin kasing subject ay apat na oras!

"Tara bili us food!", parang hindi nawalan ng enerhiyang ani Draze. Si Draze kahit noong first year kami, yung energy niya mas tumataas ata kada grade level namin e. Hindi nawawalan, laging may energy.

"Tangina talaga ng subject na 't—", mabilis na nahataw ni Mei ang bunganga ni Ann.

"Bibig mo talaga, Ann! Andito pa si sir!", tiim bagang ani Mei. Napairap na lang ako at 'di ko na lang pinansin.

"Edi suri, suri", mahinang saad ni Ann.

"Sama ako, Draze!", rinig kong sabi ni Eyce.

Hindi muna ako bibili dahil wala akong energy, 'saka na muna. Nagiipon kasi ako para may pang unwind ako, hindi ko kasi feel lately ang pagaaral, napapagod ako at the same time, hindi dapat kasi third year na ako.

Sobrang daming importante na subjects na dapat kong tutukan ng maigi, kaso nga—hindi ko talaga feel. Hindi ko rin bet na ganito ako. Hindi ko naman kasi talaga ginusto na ganito parin ako.

Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako magiging ganito e. Ilang taon na rin naman ang lumipas nang matapos ang lahat ng iyon, wala na ako sa lugar na 'yon pero hanggang ngayon pakiramdam ko naroon pa rin ako—iba nga lang ang mga kasama ko.

Mga kasama ko ngayon? Masaya. Masaya silang kasama lahat, pero pili lang ang makakasama ko sa lungkot—hindi lahat. Minsan pa nga ay umiiwas sa kalungkutan ko kaya minsan—magisa ko na lang iniinda. Ako naman ang may problema nito e, hindi sila. Kaya naiintindihan ko sila.

"Marla, ikaw ba? Bibili ka rin?", tanong sa akin ni Erin.

Hindi ko siya tiningnan o ano. Umiling lang ako habang nakayuko lang. Wala kasi talaga akong lakas na magsalita o makipagsalamuha manlang.

"Okay, pahinga ka lang muna or kung may gusto kang ipabili?", aniya pa. Para akong nangsusumamo nang iangat ko ang ulo ko at tumingin sakaniya. Pagod ang mga mata'ng tinignan siya.

Nag pout ako kasi may naiisip akong pagkain kaso sa dating subdivision na tinirhan namin noon lang nabibili 'yon. "Gusto ko ng cinnamon rolls", pagpapaawa ko.

"Ay sige, yumuko ka nalang pala d'yan", biro niya.

Nalungkot naman ako. Iyong pagod ko siguro mafifeed 'yon ng cinnamon rolls. Umayos kaagad ako nang mahagip ng peripheral vision ko si Errol na nakatingin sa 'kin, tuloy napatingin din ako.

Ngumiti siya at nag sign pa nang "okay" sign sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Napatingin din tuloy si Erin at weirdo'ng tumingin sa 'kin.

Tinanguan lang din ako ni Errol at lumabas na ng room kasama ang mga kaibigan niya. "Kakahiya may nakakita pa ng kaartehan ko", sabi ko nalang kay Erin.

"Kakahiya ka nga teh", aniya at sabay kaming natawa. "Ano d'yan ka nalang talaga? Naiwan na ako", sabi niya pa.

"Ay sorry, kasalanan ko pa pala", sabi ko. "Sige na nga bibili na ako", napilitan kong sabi dahil kakahiya namang iniinclude niya ako at naiwan pa siya nila Draze na akala mo naman mauubusan ng pagkain sa canteen.

Kinuha ko ang cellphone at wallet sa bag at sumama na sakaniya. Nakakapit pa ako sakaniya dahil tinatamad akong maglakad.

"Oks ka ba? Parang gusto kita dalhin sa clinic kesa sa canteen e", tumawa siya, natawa rin ako.

"Gago. Nakakatamad lang talaga, aminin mo", sabi ko.

"Sabagay", napasinghap siya.

"Tara unwind?", biglang sabi ko. Wala talaga akong balak na mag-aya pero alam ko pag si Erin, go agad 'to.

Nagtinginan kami, sabay tumawa. "Joke lang", bawi ko. Baka kasi ayaw niya this time.

"Daming schoolworks, depungal hirap mag unwind", aniya. Buti na lang binawi ko kaagad.

Pagdating namin sa canteen, narinig ko kaagad kung nasaan sina Draze dahil rinig na rinig namin sa pintuan palang ang tawa niya. Napailing na lang ako.

Dumeretso kami ni Erin sa mga drinks, iinom ko lang muna ito keribels pa naman hanggang mamaya kahit yung pagod na nararamdaman ko e pang one week.

Bumili ako nang blue lemonade, hindi ko gaano hilig pero ito lang matino sa lahat. Gulaman sana, kaso lately lasang kape siya para sa 'kin, e hindi naman ako mahilig do'n kaya tinigil ko.
While si Erin, cucumber juice ang binili niya. Ewan ko rin sakaniya, ngayon ko lang siya nakitang bumili no'n.

"Marla!", halos magtago ako nang marinig kong isinigaw ni Draze ang pangalan ko at kumawaykaway pa! "Dito!", sabi niya pa. Ay shet naman talaga, Draze!

Napailing si Mei ay Iza dahil alam nilang nahihiya ako sa pagtawag sa 'kin ni Draze. Hays, Draze. Kaya sunshine talaga siya ng grupo e.

Nang makalapit kami sa table nila, nakita kong tumatawa si Elle. "Kakahiya ka talaga, Draze", Si Eyce at tumawa pa.

"Mahal ko kayong lahat, kaya kong ipagsigawan 'yon!", ani Draze.

"Ge nga", hamon ni Ann.

"Name mo isisigaw ko? Tingnan ko lang kung 'di bumalik sa chats mo 'yang mga ghinost mo dito sa school"

"Pakyu, Draze! Kailan kaya kayo magb-break ni Owen?", ganti ni Ann.

"Never! Kasi mahal niya ako", nagasaran na sila dito at tumatawa lang kami. Silang dalawa talaga kahit kailan!

"Sure! Bare minimum enjoyer ka e!", malakas na tawa ni Ann at nag apir-an pa sila ni Iza.

"Aba nagkampihan! Tayo din, Elle", tumingin lang sakaniya si Elle at natawa ng mahina lang. "Ganyan ka, Elle", nagtatampong ani Draze at tumingin na lang sa pagkain niya.

"Akala mo talaga may kakampi sakaniya eh!", tawa pa ni Iza.

Nanahimik na lang si Draze ag inuubos ang pagkain niya. Matapos 'yon ay sabay sabay kaming bumalik sa room. Kausap ko si Iza at Mei at naglolokohan kami. Kapag talaga silang dalawa, wala akong kawala. Kahit ubos ang energy ko, dapat go parin sa tawanan.

May 30 minutes pang vacant. Nang maramdaman kong maiihi ako ay lumabas kaagad ako. Ayaw kasi nung susunod naming prof na palabas labas kami dahil lang iihi, kaya iihi ko na 'to.

Pag labas ko ng room, nakasalubong ko si Errol. May dalang helmet at supot. Nagulat siyang ako ang nasa harapan niya kaya nagsorry ako dahil hindi ko siya napansin.

"Ay hindi, okay lang", sabi niya.

"Okay", mahina kong sabi. Lalagpasan ko na sana siya nang tawagin niya ako.

"Gusto mo?", tanong niya sa 'kin sabay taas ng supot na hawak niya.

"Ha? Ano 'yan?", tanong ko.

Napakamot pa muna siya. "Cinnamon rolls", at dahil sobra ang cravings ko sa cinnamon rolls, nagulat ako. Napatakip pa ako sa bunganga ko dahil halatang gustong gusto kong angkinin sakaniya lahat 'yon kung laman talaga no'n at cinnamon rolls. Ganito ako ka-OA.

"Huy? Saan mo naman nabili 'yan? Legit bang cinnamon rolls 'yan?", sabi ko. Naexcite ako kaya mas pinili kong makipagusap sakaniya tungkol sa cinnamon rolls kesa atupagin ko ang pantog ko.

Tumango ako. "Nagcrave ako sa ensaymada, kaso wala—cinnamon rolls nalang, meron naman e", ngumiti siya.

Kaso parang sinandya ng pantog kong mapuno agad kaya ilabas ko muna ito. "Teka ha, babanyo lang ako. Pasok ka na", sabi ko at pinagbuksan pa siya ng pinto.

Excited na ako sa cinnamon rolls! Sana libre 'yan.

When the cut stops bleedingWhere stories live. Discover now