03

0 0 0
                                    

Pagbalik ko sa classroom, nagulat ako nang punatahan ako ni Errol sa tapat ng upuan ko, hindi pa man ako nakakaupo ay inabot niya na yung cinnamon rolls sa akin.

"Uy! Seryoso ka talaga? Thank you!", sabi ko sakaniya.

"Muntik ka ng maubusan", tumawa siya.

"Thanks for reservations! May bayad ba ito?", tanong ko.

"Wala, free lang", aniya sa 'kin.

May narinig ako kunwari umubo. Draze talaga. "Luh! Ba't pag samin may bayad! Five pesos?", narinig kong sabi sa kabilang side. Napatingin naman ako.

"Hala totoo ba? Maybabayad nalang ako", sabi ko at kinuha agad ang wallet sa bulsa.

"Hala hindi na, in-offer ko sa 'yo 'to. Next time na lang", ngumiti siya at umalis na sa harap ko.

I giggled. "Thankies", masaya kong sabi.

Naupo na ako pero napatigil agad. "Ano?", inis kong sabi sa mga mapangmatyag na mata ng mga kaibigan ko.

"Pakagat sa cinnamon rolls mo, mi", mapangasar na sabi ni Eyce. Si Eyce talaga, kung mangasar mabait pero nakakapikon yung asar.

"Ayoko nga", tinalikuran ko silang lahat.

Saan niya kaya nabili 'to? Tagal na akong naghahanap nito e! Naenjoy ko, and though it's not the same as the one i was craving for, yung taste may similarities pa rin! Perfect! Hahanap hanapin ko na 'to!

For the next days, pinilit ko talagang maging busy kasi kailangan. Wala akong panahon para unahin ang nararamdaman ko. Lalo na ngayon, sunod-sunod ang pasok ng deadline for submission ng mga activities namin. Na-cram ko na nga yung iba e.

Pero iyong iba, hindi keri na i-cram lang dahil maproseso. Shit talaga. Kahit gaano na ako kapagod, iniisip ko na lang ganoon rin naman mga kaibigan ko. Mas malala pa nga sila magaral kesa sa akin. 'Saka, parepareho lang din kaming may problema na kinahaharap.

Bwiset kasi, sa 'kin na nangyari, ako pa dehado, ako pa miserable! shet. Hanggang kailan ba ako ganito? Pinipilit ko namang maging maayos, pero wala.

It was like, it keeps on ruining me. Para bang—ako mismo ang gumawa no'n sa sarili ko, ang kaso hindi ko lang matanggap. Hindi ko talaga kayang tanggapin! I was 15! For fuck's sake!

Ano naman ang alam ko noon? Ang alam ko lang magaral! Ang alam ko lang gusto kong maging masaya. Mahirap bang makamit 'yon? Mahirap bang ibigay sa 'kin 'yon?

Do i really need to... go through all that shit?

Tangina, heto na naman ako. Nagooverthink. Shet, mali 'to.

Halos magulat ako nang makita ko si Errol sa harapan ko. Shet!

"Sorry", biglang sabi niya. Agad kong naitago ang gamit ko. Kanina pa pala ako nagsusulat ng pabilog bilog sa notebook ko hanggang sa kumapal na iyon at mapunit, hindi man lang ako aware?

"Ah", umiling ako. Ewan ko ba't ako nailing. "Ah, hindi okay lang!", napangiti ako.

Napalinga ako sa paligid namin. Kami lang nasa room? Hala! ano ba ang ganap? Tulog ba ako?

"Uwian na—napansin ko, nandito ka parin pala", naiilang aniya.

"Hala totoo ba?", agad akong tumayo para ayusin ang gamit ko. "Shit, naiwan ako", pagmamadali ko.

"Samahan na kita", aya niya.

Umiling agad ako. "Hindi na, hinihintay naman ako ng mga 'yon", sabi ko sakaniya at binitbit ang bag ko nang maisara ko na.

"Sabay na tayo", sabi niya at sinabayan akong maglakad palabas ng room. Mabuti na lang walang sunod na magkaklase rito kundi, ay talaga naman! Masyado ako nilamon ng isip ko, wala manlang akong napansin na wala na ang lahat sa room! Mali na talaga 'to, mukha na akong nawalan ng bait sa sarili!

Paglabas namin ng room ay nakasalubong namin si Mei at Iza. "Hoy! Gaga ka! Nandyan ka pala!", ani Mei.

"Kanina pa kami nagaantay sa 'yo sa labas! Inip na 'yung mga 'yon!", sabi naman ni Iza.

"Sorry, ang lutang ko na", sabi ko na lang.

I'm getting worse. That's what i knew, hindi tama na gano'n ako. Nakakahiya, nasaksihan ni Errol 'yon.

Pagdating sa bahay, i did the chores. Masyadong na-occupy ng thoughts ko ang isip ko, to the point na hindi ko manlang naisip na uwian na namin.

What's happening to me?

Nauulit na naman. I've been here, last year. Nung second year ako, ganitong ganito ang scenario. Akala ko tapos na ako sa phase na 'yon, ba't hanggang ngayon meron pa ring sakit?

Ang hirap. Ang hirap hirap magheal.

Napatakbo ako sa kwarto. Pag talaga dumating mga kapatid ko, makikita nilang nagb-breakdown ako rito.

For all people, ako talaga? Ako talaga napiling dumanas no'n? Ay wait, balik ako. Ako may gusto no'n diba? Deserve? Pero bakit deserve ko?

Tangina naman! Marla! Wala ka na do'n, tatlong taon na akong wala do'n!

Hindi ko 'yon deserve! They manipulate me, kasi alam nilang susunod lang ako dahil para sakanila... bata lang ako. Kinse anyos, na dapat may utang na loob kaya hindi ako pwedeng tumanggi. But how was it my fault? How does it became my fault?

Bakit ako? Tangina, bakit kasalanan ko? At bakit parang wala na lang sakanila ang lahat? Bakit parang ako na lang ang miserable hanggang ngayon? Bakit ako lang ang ganito?!

In the midst of breaking down, tumunog ang cellphone ko. Sign na may nagchat sa akin. Kaya gin-rab ko 'yon as an opportunity to get myself out of breaking down. Hindi tama na magtuloy tuloy ako sa ganito.

Baka dumating magulang ko. Baka manisi ako. Hindi naman nila kasalanan 'yon, pero sana nando'n sila, sana nakinig sila. Pero ayoko na. Kasi sawa na akong manisi lang nang manisi.

Natigil ang luha ko nang makita ko kung sino ang nagchat sa akin. Kinuha ko na ng tuluyan ang cellphone ko at naupo sa higaan. Pinunasan ang luha 'saka binasa kung ano ang chat niya.

Errol Maraguinot:

Hello
Hello, Marla!
free ka tom?
:))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the cut stops bleedingWhere stories live. Discover now