Romeo 1

16 2 0
                                    

My Romeo,

Asa ka na ba? Marunong ka ba talagang magmadali? Alam mo bang 20 yrs na akong naghihintay sa'yo? Para sa impormasyon mo, hindi ako patient! Kaya pwede ba? Bilisan mo naman!

Naiinggit na nga ako sa mga kaibigan ko kaya hindi ako sumasama sa mga galaan nila. Tsaka ano iyon? Third wheel na naman? Nakakahiya iyon noh. Bilisan mo na kasi. Bahala na kong sino ka pa basta ba mahalin mo lang ako ng totoo.

Alam mo bang sa sobrang hangad ko na sana nandito ka na ay nasasaktan ako ng mga leche at paasang mga lalaking iyon? Akala ko kasi ikaw na iyon. Eh hindi pa pala. Eh wala ka namang signs na binigay. Ang sakit pala talaga. Ang kapal talaga nila.

Alam mo iyong feeling na akala ko nandoon ka na pero mali pala? Ang sakit eh! Akala ko ikaw na iyon pero hindi pala. Langya! Paasa, eh wala naman palang kayang ibigay. Pakikiligin kalang tapos pag nakakita ng iba iiwan ka lang basta-basta. Lecheng mga lalaki iyon! Akala ba nila madali lang iyon? Pakikiligin ka tapos iiwan ka lang? Eh di sana kiniliti nalang para wala ng nasaktan! Damn them all.


Ikaw? Ganoon ka rin kaya? Kasi ang sakit eh. Pero hindi ko alam kong alin ang masakit, ang puso ko ba o ang ego ko lang. Pero langya ang sakit talaga. Please naman magparamdam ka na.

-your juliet

My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon