Romeo 3

8 1 0
                                    


My Romeo,

Ikaw na ba siya? Tinutupad mo na ba ang hiling ko? Sana naman Nico ikaw na ang Romeo ko. Nagkakagusto na kasi ako. Pagkatapos kasi akong lapitan ni Nico naging close na kami. Palagi siyang sumasama sakin. Maghihiwalay lang kami kung may klase ako o siya o di kaya ay pagkatapos niya akong ihatid. Ang saya nga eh. Sobrang kilig. Palagi siyang nagbibigay sakin ng ferrero. Iyon pa man din ang gusto kong chocolate. Hindi ko nga alam kong saan niya nalaman iyon.


Tsaka everytime na titingin ako sa kaniya nakatingin din siya sakin. Alam mo iyon? Iyong ang lakas ng tibok ng puso mo at halos hindi ka na makahinga ng maayos? Ganun iyong na fe-feel ko pagkasama ko siya. Kulang na nga lang himatayin ako eh. Siguro naman hindi ako assumera no? Siguro naman may gusto talaga siya sakin.


At tsaka alam ma ba 'yung mga schoolmates namin iba kong makatingin. Alam ko na dahil iyon kay Nico na parating lumalapit sakin. Hindi ko  nalang pinapansin kasi alam ko namang wala akong ginagawang masama. And Nico was always there for me. Ang sweet niya talaga.


Hinahatid niya din ako sa bahay every after class. Nakakahiya nga eh. Sasakyan kasi yung gamit niya. At tsaka alam mo iyong hindi muna niya pa.aandarin iyong sasakyan kong hindi pa ako nakakapasok? Ang saya. Gusto ko nalang mahimatay sa kilig!


He invited me once in their house. Pinakilala niya ako sa family niya. Iyon talaga yung pinakasweet na ginawa niya. Nakakatouch. First time ko kasi iyon. Nakakakilig. Nakikita ko kasi na proud siya sakin. Na kahit simple lang ako nagawa niya akong ipakilala sa parents niya. Hindi ko nga alam kong nanliligaw na ba siya. Sana. Sana talaga. Kasi aminin ko man o hindi, nahuhulog na ako sa kaniya.


Sana Nico ikaw na ang Romeo ko. Ang ideal mo kasi. Parang ang sarap mong mahalin. Sana walang magbago. Sana ikaw na nga.



-your juliet

My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon