Romeo 2

12 2 1
                                    


My Romeo,

I was talking along with my friends. They were giggling about a guy named 'hotty'. Iyon 'yung tawag nila. May transferee daw kasi. Nakikinig lang ako sa kanila. Malay ko ba sa 'hotty' na tinutukoy nila? Hindi ko pa naman nakita iyong pinag.uusapan nila. Pero kong ikaw iyon okay lang. Okay na okay.

Nasa gym kami ngayon, break namin kaya eto na naman walang humpay na talakan. Ang gwapo daw kasi ng transferee. Ewan pero na curious ako sa kaniya. Tsaka, sadyang naririnig ko iyon. Pati ata iyong ibang babad dito siya rin iyong pinag.uusapan. Ganoon na ba talaga iyon ka gwapo?

Natatawa akong nakikinig sa kanila ng tumayo iyong isa kong kaibigan. Si Lady. Tapos ayun na naman iyong tili ng mga kaibigan ko. Haaaayyy. Nakita kong pumunta si Lady sa boyfriend niya. Ang saya ng mukha niya.

Ikaw ba? Asan ka na? Hanggang kailan pa ako maghihintay sa'yo? Muling napuno ng tilian ang gym ng may lalaking pumasok sa entrance. Matangkad, maputi tsaka matangos ang ilong in short gwapo. Oo, gwapo siya. Nakita ko talaga iyong paglaglagan ng panga ng mga tao sa paligid. Hindi ko naman sila masisi kasi gwapo nga siya.

Pero sa di ko inaasahang pagkakataon bigla nalang siyang lumingon sa gawi namin at ngumiti kaya halos nahulog ako sa inuupuan ko kasi tinulak ako ni Kristine, isa kong kaibigan at siya ang katabi ko. Hindi ko nalang pinansin iyon. Akala ko nga ako ang nginitian niya pero imposible naman iyon. At tsaka sabi ng mga babae sa likod namin sila daw iyong nginitian noong lalaki kasi magkakilala daw sila.

Ngunit hindi pa man humupa ang tilian ay lumapit siya sa grupo namin at nagpakilala. Nico. Iyon ang pangalan niya. Tapos kinamayan niya ako. Natulala ang mga kaibigan ko maging ang mga tao sa paligid. Wala akong nagawa at kinamayan din siya. Ngumiti pa siya sakin kaya napangiti narin ako.

Bigla tuloy namula ang mukha ko sa hiya. Hindi ko akalain na dahil doon magkagusto ako sa kaniya kasabay ng sakit na naramdaman ko.




-your juliet

My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon