Sorry. Thank you. Grow Up.

5.8K 88 16
                                    

Dedicated sa ATE ko. Hi ATE :3 pft~ 

*****

Kath's POV

Hinga malalim. Andito ako ngayon sa labas ng bahay nila Troy, SInunod ko lang naman yung sinabi ni Vivien

*DING* *DONG*

Doorbell yan. Wag kayong magulo

"Oh? Kath? Bakit ka naparito?"

"Pwede bang papasukin mo muna ako? hehe" 

Oo na. Ako na ngang nanakit. Ang kapal pa ng mukha ko papasukin ang sarili ko. Mainit kaya sa labas. Ayaw ko namang magmukha akong baluga mamaya pag nakausap ko na si Dwane :3

( ~   ~ / ) 

"ahh sige. Pasok" 

"Ahm Troy. Gusto ko sanag magsorry" 

"Para saan?"

"Sa pagpapaasa ko sayo?" 

"Kath kasalanan ko yun, hinayaan kitang gawin mo yun. Kaya wala kang dapat ikasorry"

"Pero Troy. Pasensya talaga. Hindi ko naman sinasadyang paasahin ka or masaktan ka"

"Nagmamahal lang ako Kath, kaya masasaktan talaga ako. Hindi na yun big deal ngayon. Ang gusto ko lang naman palagi eh maging masaya ka"  

"Troy salamat. You don't know how much you mean to me"

The PLAYBOYS had FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon