Chapter 1

15.5K 141 22
                                    

Cassandra's POV

Nakita kong palapit sakin si Cloe kaya naman binaba ko muna ang paper bag na hawak ko para salubungin siya.

 
"Ate Cass ! I saw my cake kanina. It's so beautiful talaga. I love it. Thank you ate." sabi niya sabay yakap sakin.
 
"Sus. Ikaw pa. You look pretty. Bagay sayo gown mo." sabi ko sa kanya.
 
18th birthday kasi niya at ako ang gumawa ng 5 layered cake niya.
 
"Thanks ! Tara mag pa make up kana din ate. Malapit na mag start yung party ko." sabi niya.
 
"Susunod na lang ako. Aayusin ko lang mga gamit ko sa car." sabi ko at kinuha na ang mga ibang gamit ko sa pag bi-bake.
 
"Mga maids na bahala jan Ate." sabi niya.
 
"Ako na. Alam mo naman na organize ako sa gamit ko." ngumiti ako sa kanya.
 
"Hmm. Okay. Basta sunod ka agad ha. Gusto ka makilala ng ibang male friends ko." sabi niya sabay kindat sakin.
 
"You know me Cloe. Wala akong panahon para jan. Sige na. I'll fix my things first." sabi ko at binuhat na ang gamit ko .
 
"Are you sure you don't need help ate?" tanong pa niya bago ko lumabas ng pinto.
 
"Yup. I can manage." sagot ko at lumabas na.
 
Pumunta ko ng parking lot at hinanap ang kotse ko. Sa guard ko lang kasi pinapark yun eh.
 
Nang makita ko ang black mazda 3 ko pinuntahan ko agad yun at pinasok ang mga gamit ko. Kinuha ko ang paper bag na may lamang dress at shoes ko for the party.
 
Papasok na ulit ako sa venue ng makasabay ko si Auntie Lyra, ang Mommy ni Cloe.
 
"Hija!" tawag niya sakin.
 
Lumapit naman ako at nakipag beso sa kanya.
 
"Hi Auntie. How are you?" Tanong ko.
 
"I'm good. Ikaw kamusta ka na hija? You look very pretty as ever." sabi pa niya.
 
"Okay lang po ako. Thank you po Auntie."
 
"Ang ganda ng cake mo Hija. Kanina pa nag tatanong ang nga kumare ko kung sinong gumawa. non. And I'm so proud na sabihin sa kanila na niece ko si Cassandra Sanchez. The best pastry chef in Asia." nakangiting sabi niya.

 
"Kayo talaga Auntie. Pinapalaki niyo ulo ko. Thank you po." sagot ko na lang.
 
"Oh bat hindi ka pa nakabihis? 30 minutes na lang mag uumpisa na ang party." sabi niya.
 
"Ahmm,oo nga po. sige po, mag papalit na ko. See you around Auntie." sabi ko at umalis na.
 
Pag katapos kong mag bihis pumunta na ko sa table namin. Kaya Auntie Lyra na ko tumabi.
 
Wala naman akong balak mag tagal sa party. Chloe is my favorite cousin. Siya din ang pinaka close ko kaya naman parang nakanabatang kapatid na ang turing ko sa kanya.
 
 
Tinapos ko lang ang 18 roses bago ako mag paalam na uuwi na. As much as wanted to stay longer, I don't think kaya pa ng katawan ko, I'm so tired at hindi din maganda ang pakiramdam ko ngayon. Natawa na lang ako nang halos itali na ko ni Chloe para lang mag stay ako. Hindi pa daw kasi niya ko napapakilala sa mga kaibigan niya. Specially guys. I shook my head.

 Natakasan ko naman agad siya ng lumapit sa kanya ang parents ng boyfriend niya.

Pag dating ko naman sa parking lot ay nakita ko agad na nag hihintay sakin si Mang Elemer.
 
Siya yung driver na pinahiram sakin nila Cloe.

Kapag kasi ginagabi ako sa kanila, hindi pumapayag ang mag Mommy na yon na mag drive ako pauwi.

Usually kasi kapag may kliyente ako, kasama sa contract na pinipirmahan ko ang driver, hotel accommodation at allowance kapag dito lang sa Pilipinas. Kapag naman sa abroad pa syempre sagot nila ang plane ticket ko.

Wala naman problema sa kanila ang mga terms ko. Kadalasan kasi pulitiko o nasa showbiz ang mga client ko.
 

 
"Salamat po Manong Elmer. " sabi ko nang pag buksan niya ko ng pinto.
 

"Wala po yun Ma'am. Sa condo niyo po ba tayo?" tanong niya.
 

Sa dalas akong ipag maneho ni Mang Elmer mukhang alam niya kung kelan ako sa condo o sa family house namin ihahatid.

"Yes po." nakangiti kong sagot.

 
 
Kinuha ko agad ang Ipad ko at nag check ng emails sakin. I sighed.

Ang daming inquires at invitations galing sa mga customers ko. I'm dead tired and I want to sleep but I need to answer the emails. I need to hired a new secretary. Hindi ako tatagal ng isang linggo sa schedule ko na to.

Nawala na ang balak kong umidlip habang nasa daan kami nang tumigil ang kotse. I looked outside. Damn, hindi ko manlang natapos sagutin ang mga emails ko at nandito na pala kami sa labas ng condo building ko.

"It's okay Mang Elmer, dito na po ako bababa. Bukas niyo na lang po ibalik ang kotse ko, baka mahirapan na kayong makahanap ng masasakyan pabalik." sabi ko habang kumukuha ng pera sa wallet ko.

"Ay hindi na po Ma'am, mag ji-jeep na lang po ako, nakakahiya naman po kung iuuwi ko pa itong kotse niyo." sagot nito at bumaba na para pag buksan ako ng pinto.

"Hindi na po, okay lang sakin, here." sabi ko sabay abot ng pera sa kanya. "Thank you po sa pag hatid, wag na kayong tumangi, hindi kayo mananalo sakin." nakangiting sabi ko at sinenyasan ang guard na lumapit samin.

"Sige na nga po Ma'am, salamat po dito." sabi niya at tinulungan na kong mag baba ng gamit ko sa kotse.

Hindi na ko nag pahatid kay Mang Elmer sa unit ko, alam kong pagod na din siya at may ilang guest pa na ihahatid pauwi kaya ang guard na lang ang pinaki usapan ko.

Mas inuna kong iligpit ang mga gamit na dala ko bago mag alis ng make up at dress. Actually, this is my routine tuwing gagabihin ako ng uwi at hindi ko kasama ang assistant ko. Wala kasing maiiwan na kasama sa shop ang best friend ko. I looked at my wrist watch. 12:30 na ng umaga. Balak ko sanang tawagan siya para kamustahin ang shop pero siguro mas mabuting mamaya na lang.

Nang matapos ako sa mga gagawin ko ay ang bath tub naman ang hinanda ko. I think I deserve a good bath after all.

Dala ko ang Ipad ko hanggang banyo. Binuksan ko agad ang planner application ko pag katapos kong isandal ang likod ko sa tub. Oh, it's feels good.

Sa Thursday na pala ang birthday ng anak ni Mayor Robles. I sighed. Ako ang gagawa ng cake at cupcakes para sa 7th birthday nito. At hindi biro ang project ko na ito. Halos ata isang bayan ang imbitado dahil nalalapit na din ang eleksyon at well, nag papalakas na siguro ang mayor sa taong bayan.

Mukhang hindi ko makukuha ang pahingang matagal na sakin inuungot ni Yaya. Damn!

But hey! I love my work. I love my busy schedule, kahit papano nababawasan ang mga oras sa pag iisip ko sa ka-----------

I stopped myself. Come on Cassandra, hindi ito ang oras para mag isip ng mga walang kwentang bagay.

 I sighed.

I think a bottle of cold wine will take away this sadness.

Well I hope.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------- 
 
Copyright © 2013 by LittleMissPauu

Permanent Marker (Under revision. Wag muna basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon