Cassandra's POV"Damn! Hindi na ba talaga mauubos ang trapik sa EDSA?" I hissed.
Halos kalahating oras na pero hindi pa din umuusad ang mga sasakyan sa harap ko. So frustrating. Next time talaga pipilitin ko na ang sarili ko na mag commute na lang. Ang aga-aga pero sira na ang mood ko.
Ang sanang thirty minutes na byahe ko, naging dalawang oras nang makarating ako sa bahay. Agad kong pinarada ang kotse ko at inabot sa nag hihintay na guard ang susi nito para siya na ang mag ayos sa garahe.
Sumilip ako sa shop at nakitang may ilang customers na kami para sa araw na to. Nasa tapat lang kasi ng bahay namin ang pastry shop ko at ng best friend kong si Sabrina. Hindi na ko tumuloy sa loob, gusto ko kasing makita muna si Yaya. I missed my old woman.
Sinalubong ako ng isang maid naman at kinuha ang basket of fruits na dala ko.
"Si Yaya?" I asked her.
"Nasa kusina po Seniorita, siguradong matutuwa yon pag nakita kayo."
I smiled. Miss na miss ko na din siya.
Dumeretso ako sa kusina at nakita siyang nag hihiwa nang kung ano sa lamesa. Agad akong tumakbo pa punta sa kanya at niyakap siya.
"I miss you Yaya!" sabi ko habang yakap siya.
"Ay nakong bata ka! Aatakihin ako sayo! Bakit ka ba nang gugulat! Hindi ka tumawag na uuwi ka!" sabi nito at humiwalay sakin.
Nag hugas naman agad siya ng kamay at nag punas sa apron na suot niya.
"Parang pumayat kayo Yaya, iniinom niyo bang gamot niyo?" tanong ko at hinila ang kamay niya para dun kami sa sala mag usap.
"Hindi ko nakakalimutan, ang tagal mo kasing hindi dumalaw kaya naman madalas wala akong kasabay kumain. Ay teka, ipag luluto kita mg paborito mo." sabi nito.
"Hayaan niyo na si Sally ang mag luto Yaya, parang hindi niyo naman ako na miss eh." ang isang maid namin ang tinutukoy ko.
"Ay sus namang bata ito, na miss kita ano ka ba! Na mimiss din kita ipag luto ksya hayaan mo na ko, mamaya tayo mag kwentuhan sa hapag. Mag palit ka muna ng damit mo. Sige na." pilit sakin nito at halos itulak pako sa hagdan.
Alam ko naman na hindi mag papatalo si Yaya kaya pinag bigyan ko na. Then I guess, pupunta muna ko sa shop para bisitahin sila doon.
Mabilis akong nag palit ng damit at tumawid na para makapunta sa shop. Sa back door na ko dumaan para maka deretso sa office namin ni Sabrina.
Pag bukas ko ng pinto ay boses agad ng galit kong best friend ang narinig ko.
Uh-oh. What did you do this time Alex?
Sabay pa kaming napangiwi ng Delivery boy ng hampasin ni Sabrina ang table niyo.
"Pano pag nalaman to ni Cass? Nakakahiya Alex! Na late yung cake ng customer dahil kung saan-saan kapa ata sumuot! Do your job well para wala tayong maging problema, o baka naman gusto mong mawalan na ng trabaho?! Answer me!" Sabrina yelled.
Nakatalikod sakin ito kaya naman hindi siguro napansin ang pag pasok ko. Nakatingin naman sakin si Alex na para bang humihiningi ng tulong. Opps, sorry boy, ayokong sakin mabaling ang init ng ulo niyan.
"Why are you keep looking at my back? Dib----Oh my God Cassandra!" mas lumakas pa ang boses ni Sabrina ng makita akong nakaupo na sa swivel chair ko.
BINABASA MO ANG
Permanent Marker (Under revision. Wag muna basahin)
RomanceIf love is a ruthless game. Will you gamble for it?