Cassandra's POV
Nasa treadmill ako nang lumapit sakin si Yaya hawak ang telepono. Tinanggal ko ang headphone na suot ko at tumigil sa pag takbo.
"Anak si Sab, kanina pa daw siya tumatawag sa phone mo." sabi ni Yaya at inabot ang telepono sakin.
"Thanks Ya." sagot ko at nilapit sa tenga ko ang phone.
"Yes Sab? Sorry na iwan ko sa room yung phone, nag eexercise ako eh." sabi ko habang pinipunasan ang pawis ko.
"Kaya naman pala, by the way, I can't go sa shop today. May trangkaso kasi si Ronnie kaya nandito ako ngayon sa condo niya." sabi nito.
"It's okay, ako ng bahala sa shop. Baka na miss ka lang nyan kaya nag papalambing sayo ngayon." biro ko.
"Nag lalandi kamo." she chuckled.
"Sige na, ayokong makarinig ng unwanted noise. Bye, ingat kayo. Say hi to Ronnie for me." sabi ko at kinuha ang fresh milk na dala din ni Yaya kanina.
"I will. Bye best!" sigaw niya sa kabilang linya.
Nawalan na ko mg ganang bumalik sa pag eexercise. Pinakuha ko na lang sa katulong ang Ipad ko sa kwarto para dito na lang ako mag trabaho.
Ilang emails na ang nasagot ko nang biglang may ring naman ang phone ko.
Cloe's calling...
"Hello be?"
"A-ate Casi..." kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Cloe.
"Are you crying Cloe? Why? Anong nangyari?" I asked.
"Ate I'm on my way to your condo, p-please. I need you n-now. " What the?
"Wala ako sa condo baby, where are you? Exactly please. Nag da-drive ka ba?" bigla akong kinabahan.
Ilang beses na namin siyang pinag bawalan mag drive dahil hindi pa niya napapasa ang driving lessons niya. I sighed.
"Y-yeah. Josh broke up with me. Can you believe that?! That jerk! Siya pa ang may ganang magalit! I hate him! I really hat-----Ahh! Shit!" napatayo ako nang makarinig ako ng malakas ng pag bangga sa kabilang linya..
Oh my God.
"Jesus! Cloe are you okay? Cloe!? Hello?" sigaw ako ng sigaw pero wala ng sumasagot sa kabilang linya.
Tumakbo na ko papasok ng bahay at sinabihan si Yaya na tawagan ang Mommy ni Cloe. Nag mamadali naman akong nag bihis sa kwarto. My hands are trembling. Damn! My whole body is trembling! Alam kong hindi dapat mag panic pero hindi na sumasagot si Cloe. Oh God please! Wala naman sanang nangyari.
Pag baba ko ay sinalubong ako ni Yaya na ngayon ay nag papanic na din.
"Anak hindi sumasagot ang Tita Lyra mo. Jusko, napano ba ang batang yon? Saan ka pupunta?" tanong niya nang makitang lalabas na ako ng bahay.
"I will find Cloe, nasan si Mang Simon? I need a driver now!" I don't think that I can drive right now.
Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Shit!
Nag mamadali akong pumasok sa kotse at sinabihan si Mang Simon na pumunta sa condo ko. As far as I remember, Cloe said that she's on her way to my condo. Siguro maaabutan ko pa siya sa daan. Fvck! I need to fvcking relax!
BINABASA MO ANG
Permanent Marker (Under revision. Wag muna basahin)
RomantikIf love is a ruthless game. Will you gamble for it?