Simula

106 9 6
                                    

Krizha

"Anak, bakit nakasimangot ka d'yan? May problema ba?"

Ngumuso ako. "Ma, kanina pa kayo d'yan?" I asked.

Nandito ako ngayon nakatayo sa harap ng bintana namin nang bigla kong narinig ang boses ni Mama. Kaya, dali- dali kong binaling ang tingin ko sa kanya Ng may ngiti sa aking labi.

She nodded. "Kanina pa kita, pinagmamasdan, at halatang may iniisip ka. Ang lalim e." She replied.

I shook my head and smiled. "Wala po, naisip ko lang, paano kaya kung subukan ko pong lumuwas ng Maynila? Para, alam niyo na po, mag trabaho. Papayag kaya si Papa?

Tipid siyang ngumiti bilang sagot sa akin. " 'Yon ba talaga ang gusto mo? O gusto mo lang siyang kalimutan? Tell me, hija?

I paused. Hindi agad ako naka imik. Ano nga ba talaga ang gusto ko? Hindi ko alam. Pero, she's right, my Mother is right. Habang nandito ako sa Islang 'to. Palagi kong maalala ang nakaraan na hindi ko na dapat maalala pa. Nakakapagod ng masaktan, lalo na kung paulit- ulit na lang ang sakit, parang wala nang katapusan. Pero, ano pa nga ba ang magagawa ko? E, minahal ko naman talaga siya. Yon nga lang, kahit anong pilit ko, hindi talaga kami ang itinadhana.

"Bes, ano? Seryoso ka na ba talaga dito? Ayaw mo talagang mag exam sa Ateneo? Puwede naman 'yon diba? Payag naman sila Tita sa gagawin mo diba?" Nakasimangot na tanong ni Lucie sa akin. Ang kababata ko, na naging best friend ko na kalaunan.

I smiled. "I'm sorry." I muttered.

She pouted. "Kung bakit ba kasi kailangan mo manatili sa islang 'to. E, simula bata pa lang tayo nandito na tayo ah. Come on Krizha, hindi ka ba nagsasawa?"

I shook my head. "My life, is here. Gusto ko man mag explore, hindi ko rin yan puwede gawin. Alam mo yan." I seriously said.

She sighed.

"Fine, talo na ako, pero, kung saan ka, edi, go, doon tayo. Ayoko naman na iwan ka na lang sa ere 'no. Tsaka, hindi ko kayang hindi tayo magkasama. So, go. Sa Kitanglad University na rin tayo, para happy." Aniya na nagpangiti sa akin.

Noon pa man, palagi na kaming magkasama ni Lucie sa kahit anong gawin namin, kaya masaya akong malaman na kahit sa pag- aaral ko ng college, handa niya pa rin akong samahan at suportahan.

"So, tara na? Baka, ma- late pa tayo. Mahirap na, hindi pa tayo magka pag exam." Aniya.

I nodded. "Let's go."

Sabay kaming pumasok sa University kung saan, pagdating na pagdating namin doon ay ang mataas na linya ng mga students ang bumungad sa amin.

"Mukhang late na ata tayo." I said.

She nodded. "Hindi lang mukha, late na talaga tayo bes, anong oras kaya tayo makaka exam nito? Anyway, dito ka na muna. Kukuha lang ako ng test permit natin sa loob."

Nagkibit- balikat ako. "Sigurado ka? Gusto mo samahan na kita?" I asked.

Umiling siya. "No, need. Dito ka na lang, tsaka, mabalis lang naman ako." Sagot niya. Bago, tuluyan pumunta sa office para kumuha ng permit namin.

At dahil, mahaba pa nga ang linya ng mga students at nakakapagod na tumayo ay napagpadesisyonan ko munang umupo sa Isang bakanteng upuan na nasa tabi lang ng linya ng mga students.

Akmang uupo na sana ako nang biglang matanaw ko ang isang lalaking pamilyar sa akin. Ang lalaking kinaiinisan ko, noon pa man.

Tss, pati pa ba naman dito? Makikita ko siya.

Hindi ko na sana siya pag- aaksayahan ng oras ng biglang umagaw sa atensyon ko ang babaeng nakasunod sa kanya. May dala itong cake na mukhang para sa kanya.

"Xavier, ginawa ko nga pala, para sa'yo." I heard what the girl said. Dahil hindi naman sila kalayuan sa pwesto ko. Ay walang nagging hadlang sa akin na marinig ang usapan nila.

"Throw it!" Xaiver replied coldly.

Mapang- asar siyang tao, kaya sobra akong naiinis sa kanya. Pero, bakit ngayon bigla siyang naging yelo?

Mangiyak- ngiyak ang babaeng tumitig kay Xavier. Maliban sa akin, marami na rin ang nakatingin sa kanila, pero, tila lahat sila walang pakialam sa nangyayari. Para bang sanay na sanay na sila na makita ang ganoong eksena.

"But, I made it, for you. Please accept it, masarap naman 'to." Hindi pa rin sumusuko ang babae.

Akmang iaabot na nang babae kay Xavier ang cake na hawak niya. Nang walang pag- alinlangan na tinanggap ito ni Xavier, at binigay sa lalaking dumaan sa harap niya. Na dahilan ng pag- iyak ng babae. Tatalikod na sana si Xavier sa babae ng walang pagdadalawang- isip na naglakad ako papalapit sa kanya. Para harangan siya sa pag- alis.

He raised his brow. "Ikaw na naman pandak? Ano? May ibibigay ka rin sa akin ha?!" Mapang- asar na tanong niya.

Kunot noo akong tumitig sa kanya. "Alam mo? Ang kapal mo talaga! Ang feeling mo! Anong karapatan mo na ipamigay 'yong cake na ginawa niya? Sana naman diba? Tinikman mo naman. Ginawa niya 'yon para sa'yo at hindi para sa iba." Singhal ko sa kanya.

He smiled. Umigting ang panga niya. "Kung Ikaw, ang gumawa ng cake, malamang kakainin ko pa. And the heck, stop telling me na ang feeling ko, kasi may ibubuga naman talaga ako. Ang gwapo ko kaya. Crush mo nga ako diba?"

I raised my brow. "Excuse me, grade 7 lang ako noon, hindi na ngayon, noon, mabait ka pa, pero, hindi na ngayon. Sa tutuusin nga mas gwapo pa si Xander sa'yo." He cut me off.

His jaw clenched. Kunot noo siyang tumitig sa akin.

"Wag na wag mong ipasok sa usapan ang kapatid ko, tuwing nag- uusap tayo Krizha. Wala siyang kinalaman sa atin." He said coldly.

Umirap ako. "Mas lalong wala akong kinalaman sa'yo. Maldito." Sagot ko sa kanya. Sabay walk- out ko sa harap niya.

Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga students, kaya minabuti ko na lang na umatras na sa kanya. Knowing him? Hindi siya magpapatalo sa akin. At baka, mas humaba pa ang usapan namin kung hindi pa ako umalis. Ayoko pa naman na binabalikan ang nakaraan ko.

Oo, crush ko siya noon, noon, pero hindi na ngayon. Ang kapal niya para sabihin na crush ko pa rin siya, hanggang ngayon.

Ang kapal mo! Xavier! Ang kapal!

Good morning.

Isasabay ko 'to sa update sa My Yesterday's Sunshine. Sana, kayanin.

Happy reading everyone. Xoxo.

Angie

ALWAYS (KITANGLAD#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon