Kabanata 1

80 8 2
                                    

"Bakit naman parang dala mo ang problema ng mundo sa mukha mong yan?"

Nakasimangot akong tumitig kay Alden. Isa sa mga kaibigan ko sa High School. Papunta na siya ng Manila bukas, kaya naisipan niya muna daw akong ilibre, bago siya umalis.

"Wala, nakakainis lang talaga 'yong Xavier na 'yon. You know him right? Ang sarap niyang tirisin ng pinong- pino. Alam mo ba 'yon. Akala mo kung sinong gwapo, e, hindi naman siya gwapo." Irita kong sabi sa kanya.

He chuckled. "High School pa lang tayo inis na inis ka na sa kanya, diba? College na tayo ngayon, hindi pa rin nagbago?" Natatawang tanong niya..

Umirap ako. "Hindi magbabago, at walang magbabago." I replied.

He raised his brow. "Baka kasi crush ka." Aniya.

Kunot noo akong tumitig dahil sa sinabi niya. Parang, gusto ko iluwa ang milk na iniinom ko ngayon dahil sa sinabi niya.

"Tss, 'Yon? Magkakagusto? No, way! Sa mukha pa lang ng lalaking 'yon, hindi 'yon marunong magmahal, for sure. Kung si Xander, 'yong kapatid niya maniniwala pa ako. Pero, siya? I don't think so."

I heard him sigh. "Hindi ka sigurado d'yan. Alam mo ba? Minsan, 'yong mga lalaking katulad ni Xavier, sila 'yong mga lalaking handang gawin at ibigay ang lahat para sa pag- ibig. Oras na dumating na 'yong babaeng mamahalin nila."

Nagtaas ako ng kilay. "Alam mo? Mag mamaynila ka lang, ang dami mo ng say." Biro ko sa kanya.

He laughed. "Bakit nga ba? Ayaw mo sa Manila mag- aral? Ang daming opportunity na makukuha mo sa Maynila. Especially you, puwedeng- puwede ka mag freelance model doon, if ever." He said.

I smiled. "Hindi ko lang feel iwan ang Isla, Den. Alam mo yan. Lalo na ang mga magulang ko. Buhay ko sila, at Isa pa, gusto ko, kung sakaling mainlove man ako at magkaroon ng pamilya, gusto ko 'yong taga dito rin sa atin. Gusto ko bumuo ng pamilya, kung saan ako pinanganak at nagkaroon ng isip." Sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Sabagay, noon pa man, yan na palagi mong sinasabi. Anyway, mauna na ako. Baka ma- late pa ako sa flight ko. Pero, if ever na mapadpad ka sa Manila, don't forget to call me okay. I got you there. Ako ang bahala sa'yo." Paalala niya.

I nodded. "Promise."

Pagkaalis na pagkaalis ni Alden ay umuwi na ako sa amin para magpahinga sana nang biglang  tumawag si Lucie sa akin. Kaya sinagot ko na muna ito saglit.

"Hello."

"Bes, nasaan ka? Punta ka dito sa plaza, may sayawan." Aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig.

Rinig na rinig ko ang ingay sa kabilang linya. Tatanggi na sana ako, dahil mas gusto kong magpahinga ng marinig ko ang boses ng boyfriend niya. At dahil wala akong tiwala sa lalaking 'yon, imbes na umuwi ay pumunta na ako sa plaza para sunduin si Lucie.

Nang nasa plaza na ako, ay do'n ka lang binaba ang tawag. Dali- dali ko siyang hinanahap, hanggang makita ko siya kasama ng boyfriend niya at kaibigan ng boyfriend niyang si Xavier sa pinaka- dulo ng plaza.

"Bes, finally, akala ko, hindi ka na pupunta." Salubong sa akin ni Lucie na halatang nakainom na.

Ngumuso ako. Sinusundo lang kita. Let's go." I said.

Umiling- iling siya. "Bes, ang KJ mo talaga, hindi tayo minor, puwede na tayo sa mga ganito." Aniya.

I sighed. "Puwede o hindi. Gabi na, ihahatid na kita." Sagot ko sa kanya. Sabay, hawak ko sana sa kamay niya nang biglang may humila sa akin para ilayo kay Lucie.

Nagtaas ako ng kilay. "What the heck?! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw ko kay Xavier na hinila ako palayo sa kaibigan ko at sa kaibigan niyang walang modo katulad niya.

Umigting ang panga niya. "E, Ikaw? What are you doing? Ihahatid mo si Lucie? E, ano tingin mo sa kaibigan ko? Hindi niya kayang ihatid si Lucie ha?!" Malamig na tanong niya sa akin.

Umirap ako. "Malamang, ano sa tingin mo? Pupuntahan ko dito si Lucie, kung may tiwala akong makakauwi ng walang bawas ang kaibigan ko habang kasama niya kayo ng kaibigan mo?!" Inis kong tanong sa kanya.

Buti na lang talaga, walang masyadong tao sa pwesto namin ngayon, kasi kung meron pa, malamang na tsismis na kaming dalawa.

Nagtaas siya ng kilay. Kunot noo siyang tumitig sa akin. Halata ang pagdidilim ng mga mata niya. Para, bang nainis ko talaga siya sa sinabi ko.

"So, sa tingin mo? Hindi kami magpapagkatiwalaan ni Bruce? Bakit? Sinong magpapagkatiwalaan mo? Ang kapatid ko ha? Si Xander?" He asked coldly.

Tumango ako. Walang pagdadalawang- isip.

"You're right, mas may tiwala pa ako sa kapatid mo, kesa sa'yo. Ikaw na walang ibang gustong gawin, kundi inisin ako. I hate you. You know. Mas gusto ko pa si.... Xan---"

"Hmmm." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa labi ko. Pilit. Pwersahan. Ramdam ko ang galit at inis sa paraan ng paghalik niya sa akin. Kaya bago pa umabot sa kung saan ang ginawa niya. Walang pag- alinlangan na sinampal ko siya. Na dahilan ng pag- atras niya sa akin.

"What's wrong with you?!" Galit niyang tanong sa akin habang hawak- hawak ang kanang bahagi ng pisngi niyang sinampal ko.

"What's wrong with me?! Sa'yo anong problema mo? Ang bastos mo!" Sigaw ko sa kanya.

His jaw clenched. Imbes na lumayo na sa akin. Ay dahan- dahan pa siyang humakbang papalapit sa akin.

"Don't you dare!" Banta ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Hindi lang yan ang makukuha mo sa susunod. Oras na banggitin mo pa ang kapatid ko.  Twing nag- uusap tayo, lady. At anong sabi mo? Bastos?" He asked. "Tss, ulitin mo pang ipamukha sa akin na mas gusto mo ang kapatid ko. Makikita mo ang totoong bastos. And I'm not joking, baby."

I shook my head. "Walang- hiya ka talaga, Xavier! First kiss ko 'yon. Walang hiya ka! Bwisit! " I said.

Pero, mukhang wrong move ata ako sa pag- amin sa kanya na first kiss ko 'yon. Dahil mas lumapad pa ang ngiti niya habang nakatitig sa akin..

"First? Really? Huminga siya ng malalim.  "If yes, then, I'll make sure na ako rin ang huli. First and last. My lady. I swear."


Hanggang saan ako aabot sa inyong dalawa? Xavier at Krizzha?

Happy reading everyone....

Angie

ALWAYS (KITANGLAD#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon