CHAPTER 01

6 0 0
                                    

-

"Good morning anak! Oh kain na at maaga pa tayong aalis baka mahuli pa tayo sa admission test mo sa college," sabi ng napakabait kong Papa na nag-alaga sa akin mula noong bata pa ako. Kahit mag-isa lang niya akong inaalagaan ay hindi niya ako kailanman pinabayaan. Hindi katulad ng magaling kong ina na hindi na ako naalala pa at nasa bagong pamilya na ito.

"Good morning Papsie! I'm still undecided kung anong course ang kukunin ko maliban sa pangarap kong pumasok sa isang art schoo-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol ito ng Papa ko.

"Anak, alam mo naman kung bakit hindi ko gusto na doon ka pumasok diba? Wala kang makukuha diyan kundi pintura lang at marami pang magagandang kurso diyan at kahit ano pa iyan ay susuportahan kita wag lang ang kaartehan na iyan. " kahit masakit ay pinilit kong hindi nalang umimik dahil wala rin naman akong magagawa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw niya akong pumasok doon kahit naman isa siya sa pinakamagaling sa larangan ng pagpipinta at siya rin naman ang dahilan kung bakit ito ang gusto ko. Ito rin naman ang bumuhay sa pamilya namin dahil maraming sikat na pamilya ang kumukuha sa kanya ng mga paintings at bata palang ako mulat na ako sa pagpipinta dahil sa Papa ko at dahil na rin sa pinsan kong magaling sa drawing.

Walang imik akong pumasok sa sasakyan kasunod si Papa dahil siya ang maghahatid sa akin sa UWCSI or University of Western College of Samar Island. Tatlong oras pa ang biyahe mula dito sa San Mercedez hanggang sa Saint Nativity City kaya natulog muna ako dahil madilim pa rin naman ang kalangitan dahil madaling araw pa lamang.

Pagdating namin sa lungsod ay pumunta muna kami sa isang maliit na food court at kumain ng breakfast bago kami ni Papsie naghiwalay dahil may pupuntahan din siyang meeting sa Division Office. Isa siyang principal ngayon sa secondary high school sa lugar namin.

Ilang sandali pa ay nasa harapan na ako ng gate ng UWSCI na hanggang ngayon ay hindi pa rin bukas. Marami na ring naghihintay sa labas ng gate katulad ko at ang ilan ay mga naging kaklase ko pa noong High School ang mga narito. Ngunit para lang akong bula na dumadaan sa kanila dahil kahit pagngiti ay hindi nila magawa.

Pagkabukas ng gate ay bumungad sa akin agad ang napakahabang hallway na halos hindi ko na matanaw ang dulo nito. Sa gilid nito ay makikita ang isang malawak na palayan na berdeng-berde. Makikita rin ang napakagandang mga tanim ng iba't ibang bulaklak katulad ng sunflower, rose, lilac, at marami pang iba.

Mabuti nalang at sanay na sanay akong maglakad ng malalayo kaya hindi na ito mahirap para sa akin. Isang nakangiting guard ang sumalubong sa akin at saka ay bumati.

"Good morning, welcome to University of Western College!" bati nito.

"Good morning, Sir! Saan po rito ang building ng ITZCY?" kinuha ko na itong pagkakataon para magtanong kung saan gaganapin ang exam at ilang minuto nalang at magsisimula na.

"Ito ang map ng buong university, naku bilisan na po ninyo at baka mahuli ka na!" binigyan niya ako ng isang maliit na map ng buong university at ilang liko pa sa kaliwa at kanan pa ang lalakarin ko papunta roon. Kaya naman halos lakad at takbo na ang ginagawa ko para lang makarating sa building.

Pagdating ko sa ITZCY building ay pumasok ako agad sa building at pumunta sa examine room. Pagpasok ko sa room ay nasa loob na ang aming proctor at tinitigan niya lang ako habang naglalakad papunta sa vacant seat sa last row.

"Remain standing," paupo na sana ako ng matigilan ako dahil sa sobrang strikto ng boses na aking narinig.

"In college, you are not the one who is holding your time. The time is ticking like a bomb here so you have to be responsible enough for you to survive but for you, an irresponsible young lady you cannot take the admission test anymore." Sabi nito sa harapan habang hindi ko na namalayang tumutulo na ang luha ko. Labis ang pag-aalala ko dahil dito maaaring masira ang mga pangarap ko at saka wala pa naman akong back up plan o university na papasukan kung sakali hindi ako matanggap dito.

Respice FinemWhere stories live. Discover now