Prologue

12 0 0
                                    

"For better and for worse, for sickness and health, till death do as part," the newlyweds said in front of their family and close friends with the sound of the waves and the blue sky is performing a golden scenery.

"You may now call-"  naputol ang sasabihin ng pastor dahil bigla akong nagising mula sa pagkakatulog. Hindi ko nga maintindihan kung bakit paulit-ulit ko na itong napapanaginipan at pakiramdam ko ay totoo. Para bang ako ang ikinakasal sa hindi ko makilalang tao dahil hindi ko ito makita ng malinaw.

I woke up again before my alarm clock rang. Today is Wednesday at ilang araw nang nagsimula ang klase. Unfortunately, 7:30 until 5:00 noon ang class schedule ko for today.

"You're late again Lousiana Marie," turan ng isa sa aking kaklase na ngayon ay pawis na pawis dahil sa paulit-ulit na practice ng sayaw sa PE. Pagkatapos ng halos tatlong oras na klase mula kaninang umaga ay dumiretso ako rito sa aming oval kung saan napakalawak ng bermuda grass at dito nagkalat ang ilang mga estudyante na may kanya-kanyang ginagawa. May natutulog, naglalaro, kumakain, at mga sumasayaw. Wala na kami halos pahinga dahil palagi kaming binibigyan ng mga activitieslalo na ng aming PE instructor na feeling major.

"Puwedeng magsorry? Alam niyo naman na ang layo-layo ng room ko" singhal ko naman habang ibinababa ko ang aking mga gamit.

Nagsimula na ulit ang practice dahil ilang minuto nalang at sasayaw na kami sa harapan ni Ms. Correso ang aming PE instructor. Nang matapos naming magsayaw ay maaga kaming kumain ng lunch and as usual I ate lunch alone. Hindi sa loner ako at walang kaibigan kundi dahil tinatamad ako makipagkapwa tao ngayon. Marami rin akong mga kaibigan at naiintindihan naman nila ako na minsan ay kailangan kong mapag-isa. Isa pa ay mas gusto kong mag-isa kaysa makisama sa ibang tao na hindi ka naman sigurado kung totoo o hindi ang pakikisama nila. Habang tahimik na kumakain hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ng aming instructor kanina matapos naming sumayaw. She was disappointed on our performance at hindi niya raw makita ang aming effort sa sayaw kaya walang awa niya kaming binigyan ng mababang marka.

Makalipas ang ilang oras ay lihim akong naeexcite dahil sa susunod naming klase ang Art Appreciation. Ito ang subject kung saan gagawa kami ng mga artworks. I really love arts since I was on my childhood at dala na rin sa impluwensiya ng pinsan ko at ng Papa ko dahil isa itong artist noon.

"Good afternoon, we will just have our class for a few minutes because I have a surprise to you and I know that you will be happy for this," masiglang sabi ni Ms. Hermaños habang halos hinihingal pagkapasok sa room.

Mabilis ding umingay ang klase at tila naeexcite rin sa sasabihin ni Ms. Hermaños habang ako ay tahimik lang at lihim na ngumingiti.

"We will have an activity for our Art Appreciation subject. We will have a trip for 4 days and 1 night in Vigan City and Intramuros Manila. But you don't have to worry about the expences for this trip from transportation to food supply and everything because the President of this university will be the one to handle it. So all you have to do now is to prepare because at exactly tomorrow morning we have to be here in school dahil bukas din ang alis natin.

Hindi ko maiwasang matuwa dahil kilala ang Vigan sa napakagandang lugar dahil sa mga infrastracture doon na makaluma at sikat din ito dahil sa kanilang museum na punong-puno ng mga magagandang mga paintings, sculpture, at kung ano pang artworks.

Kaya pinauwi kami agad ng aming instructor para makapaghanda pa kami ng mga gamit namin. I really make sure na wala akong makakalimutan at hindi puwedeng mawala ang aking sketch pad and art materials na ngayon ko lang ulit magagamit. I'm super happy dahil I'm really interested if it is about arts dahil ito ang pinakagusto ko pero hindi ito alam ng karamihan. My parents do not support about arts lalo na si Papa dahil for them wala naman itong maitutulong sa akin kahit na isa ito sa bumuhay sa pamilya namin. Isa na rin ito sa dahilan kung bakit itinigil ko ang pagpinta.

Kaya pagdating ko sa apartment ko ay agad akong naghanda ng aking mga gamit na dadalhin ko sa trip namin. Kinabukasan ay ako na naman ang nahuli dahil pagdating ko nasa sasakyan na ang karamihan at pati na rin ang aming mga professor.

Pagdating namin sa Vigan ay agad kaming pumunta sa isang art gallery kung saan meron itong art exhibit. Kumintab agad ang aking mga mata ng makita ko ang mga magagandang paintings. Kitang-kita ko rin ang aking mga kaklase na ginagawang katatawanan ang isang painting ng isang aso.

Hindi ko na sila pinansin at nagtingin-tingin nalang ako hanggang sa mabaling ang aking paningin sa isang napakagandang painting ng sunset. I take a picture to the painting dahil mahilig talaga ako sa mga sunset, sunrise, at kahit nga paglubog at ang paglitaw ng buwan kaya hindi ko na ito palalagpasin pa.

"You like it that much?" tanong ng kung sino na hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala. Isa itong napakagandang babae na aakalain mong modelo sa unang tingin dahil halos mas matangkad ito sa akin.

"Y-Yes, napakaganda kasi," hindi ko maintindihan kung bakit ako nautal.

"This painting was inspired by a beautiful golden sunset in Samar before the big storm came," maikli nitong turan habang ang mga kamay nito ay nasa mga bulsa nito. Naalala ko tuloy ang isa sa pinakamatinding bagyo na dumaan sa Pilipinas at bumawi ng maraming buhay sa iba't ibang lugar lalo na sa Samar. Bigla naman akong nalungkot dahil sa likod pala ng napakagandang painting na ito ay may masalimuot palang pangyayari.

"Why are you sad na?" bigla nitong tanong at humarap ito sa akin.

"W-Wala, bakit mo pala alam ang tungkol diyan sa painting?" tanong ko sa kanya.

"Well, I think you really don't know who the painter of this. Isa sa pinakasikat na painter ang may gawa niyan at maraming humahanga rito sa kanya at isa na ako doon dahil sa dami ng pinagdaanan niyang hindi maganda ay nalagpasan niya sa pamamagitan ng pagpinta at nagagawa pa niyang tumulong sa ibang taong nangangailangan." paliwanag nito sa akin kaya nacurious tuloy ako kung sino ang painter na iyon.

"Sino ba ang painter nito?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung sino ang may gawa nito ngunit ngumiti lang siya at binigyan niya ako ng isang maliit na card.

"Let's talk about that some other time and somewhere, see you around!" sagot lang niya at umalis na ito.

Naiwan naman ako na nagtataka dahil sa kanyang ginawa. Tiningnan ko ang card nito at tanging number lang niya ang nakasulat doon at wala man lang pangalan o kahit email ang nandoon.

Matapos kung magtingin-tingin ng mga paintings ay pumunta na kami sa Villa Hotel resort na tutuluyan namin. Habang tinitingnan ko ang aking mga pictures ay napansin ko ang nakasulat sa ilalim ng painting. Biglang pumintig naman ang kung ano sa utak ko ng mabasa ko ito at bago ako tuluyang lamunin ng dilim ay mahina ko itong sinambit.

"Kaia"

Erasme🥀



















Respice FinemWhere stories live. Discover now