CHAPTER 02

3 0 0
                                    

Dumating ang araw ng Sabado at umaga palang ay tumatagingting na ang aming group chat naming magkakaibigan.

Kaye: Ready na ba ang lahat?!

Briela: Kanina pa ako ready. Aba, ang tagal mo! Anak ka talaga ng nanay mo!

Carina: Make sure na wala ka na talagang nakalimutan at baka ako na naman ang abalahin mo @Briela

Mia: Ang ingay niyo!

Kaye: Lagot kayo, nagsalita na ang nonchalant sa grupo

Hindi ko na ito pinansin at inayos na ang aking mga gamit na dadalhin. Kanina pa ako nakaligo pagkagising ko lang dahil ayokong lumalabas ng kuwarto na hindi pa ako nakakaligo. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Kaye gamit ang kanyang sasakyan. Siya pala ang magiging driver namin sa trip na ito pero ilang oras pa kami bago nakaalis ng apartment dahil naglabas pa siya ng sama ng loob.

Dinaanan nalang namin sa labas ng subdivision sina Carina at Briela dahil hindi na kami puwedeng pumasok sa loob. Dala-dalawang maleta ang bitbit ni Briela at para bang ilang linggo kaming magbabaksyon.

“Anak ka talaga ng nanay mo Kaye! Alam mo naman na marami akong dala hindi mo man lang ako tinulungan,” hingal na sabi ni Briela pagkapasok ng sasakyan. Samantala si Carina naman ay tahimik lang itong pumasok at nakasalpak na ang kanyang earpuds sa kanyang mga tainga.

“Sino ba kasing may sabi na magdala ka ng dalawang maleta eh hanggang bukas lang naman tayo doon,” sabi ni Kaye at pinagpatuloy na ang pagmamaneho.

“Saan pala tayo pupunta?” tanong ko kay Briela na abala sa pagkuha ng video sa bawat dinadaanan namin.

“We are going to Carina's beach house sa Calicoan, Eastern Samar. Alam mo ba sobrang ganda doon na para bang 'yung mga nakikita mong mga pictures sa pinterest. Purong-puro at puting-puti ang buhangin. Sobrang asul naman ang napakalinis na dagat na may malalaking mga alon,” kuwento ni Briela at masayang kumikislap pa ang kanyang mga mata.

Napatango nalang ako sa kanya at hindi ko rin mapigilang maexcite. Halos tatlong oras din ang aming biyahe at sandali kaming huminto sa gilid ng kalsada para ipahinga ang mga kamay ni Kaye. Natulog lang din pareho sina Briela at Carina kaya ay bumili sila ngayon ng iced coffee samantala ay iced matcha nalang ang aking binili.

“Hey, Carina how are you feeling?” tanong ko kay Carina dahil kanina ko pang napapansin ang pananahimik nito.

“Period cramps kaya wala akong masyado sa mood ngayon,” sagot nito at pilit siyang ngumiti sa akin. Tinapik naman ako ni Briela at bumulong na wag nalang daw siyang pansinin dahil wasak ang puso ni Carina.
Napailing nalang din ako at inabala nalang ang sarili sa pagtanaw sa mga berdeng-berde na mga bundok sa paligid at mga malalaking puno.

Bago kami pumunta sa beach ay ilang kilometro pa ang layo ang aming pinuntahan na isang simbahan na dinarayo ng mga turista at ng mga tao dito sa Samar. Nagsimba muna kami at pagkatapos ay kumain kami ng lunch sa isang napakalawak na park. Iba't ibang mga pagkain ang mga narito katulad ng mga sea foods, root crops, kakanin, at prutas.

“Grabe busog na busog ang mga alaga ko sa tiyan,” sabi ni Briela habang hinihimas-himas pa ang tiyan nito.

“Ang liit ng katawan mo pero para kang patay-gutom kung kumain, dragon ata ang nasa loob ng tiyan mo,” natatawang sabi ni Kaye na ngayon ay nakatayo na at abala na sa pagkuha ng litrato sa paligid. Pinagpatuloy ko lang aking pagkain dahil ako na naman ang nahuli sa kanila dahil ang bibilis nilang kumain at hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila.

“Hey Carina, sure ka bang okay ka lang talaga? I'm sorry pero hindi ko talaga kayang hindi kita pansinin. If you want someone na makikinig sayo, you know that we are here for you and hindi ako sanay masyado kang tahimik.” pagkausap ko kay Carina ng kaming dalawa nalang ang natira sa table namin.

Respice FinemWhere stories live. Discover now