II
DAVID'S POV
-The Birthday Party-Matapos ang pagtalikod ng babaeng iyon, agad akong bumalik sa lounge area namin kanina dala ang pagkaasar. Doon naman ay bumungad ang mga nagbubungisngisang mga kaibigan ko. Sinundo pa ako ng isa sa mga loko para badtripin.
"Hey! The great womanizer of the week. Damn, man, what was that? Sa'n napunta ang kamandag mo't 'di 'yon tinablahan?"Ethan teased me. As usual, they're having fun seeing me in an embarrassing situation.
Pati sila ay hindi makapaniwalang tinanggihan at binastos ako. Siguro kung dinaan ko ito sa paraang paspasan, posibleng bibigay din iyon. Ganon naman sila, kunwari aayaw sa una pero sa huli ay bibigay din. Bakit ko nga ba pinalagpas pa?
I deeply regretted not succeeding in my plan to seduce her and satiate the burning desire that flared within me upon seeing her. Badtrip!
"Hey, maybe you've lost your touch, man," Kirk chimed in, adding to the chorus of mockery. "I've never seen you get shot down so fast. What happened to that legendary charm?"
Tinanggihan ba talaga n'ya ako o gusto n'ya lang magpa-hard to get? Gusto n'yang habulin ko s'ya dahil gusto n'ya ng may thrill?
Aaaaahhhh! Fuck it! Fuck that! Fuck them all! Kaasar.
I glared at them, feeling the sting of their words. "It's just one girl. She wasn't worth the effort," I shot back, trying to salvage some dignity. Kahit pa alam ko sa sarili kong natapakan n'ya ang ego ko.
"So, bakit hindi mo nakuha?" pang-aasar pa ni Kirk.
Kailangan ko ba talagang mag-explain? Isa-isahin ang detalye kung paano at bakit? Ako ba makakasagot ng lintik na tanong nila, huh? Ako ba yung badtrip na babae para malaman at magsabi ng rason kung bakit ako tinanggihan?
"Shut up," pananaway ko na lang.
"HAHAHHA! Wala ka pala eh. How's the ego, bro?" matalas kong pinuntohan ng tingin si Jacob.
"Eto durog na durog. Apak na apak," biro naman ni Damon.
"Shut up or I'll cut your throat," banta ko, pero wala silang pakialam, basta tuwang-tuwa sila dahil na-reject lang naman ang pinaka-malupit, magaling, at matalinong leader nila. Sino ba namang mag-aakala, diba? Wala!
Bullshit!
"Tsk! Di moko madadaan sa banta mo, Buenavalde, kahit isa ka pa sa pinaka mataas na tao. Hindi iyon mababago na tinanggihan ka," ani Damon.
Hanggang matapos ang oras namin sa bar, nilamon ako ng pag-iisip. I need to see her again, and next time, I'll do what I want by any means necessary- by hook or by crook, I don't care, or better yet, ipapahanap ko na lang s'ya sa private investigator ko. Malamang, mahahanap ka agad iyon kahit hindi ko pa nakuha ang pangalan n'ya. Sapat na ang mabigay ko lahat ng deskripsyon ng itsura n'ya.
Fuck! Para akong nababaliw, iyon ang epekto n'ya sa akin. Sa isang tingin, kahit para akong binabaon sa impyerno ng paraan n'ya ng pagtingin sa akin ay para akong hinihigop papunta sa kanya. Tuloy ay nakalimutan ko na ang pangunahing rason kung bakit ako nasa bar. Panandaliang nawala sa isip ko si Sophie. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganito. Kapag naiinis ako sa babae, pinapadispatcha ko lalo na kapag hindi ko natipuhan- mga nitong nagdaang araw. Bakit ngayon ay iba? Ni hindi ko man lang hinabol?
News flash, David!
Lumipas ang gabi pero hindi ko namalayang gano'n na pala katagal ang itinakbo ng oras. Tayo rito, bangon doon. Iyon lang ang paulit-ulit kong ginagawa. Alas otso ng gabi nang mahiga ako, pero inabot ako ng alas s'yeteng dilat na dilat ang mga mata. Paano ba naman? Hindi mawala-wala ang itsura n'ya sa utak ko. Pagkabangon ko ay kaagad kong pinasadahan ang mukha ko sa salamin.
BINABASA MO ANG
UNDER HIS POSSESSION 1: David Buenavalde
Romance[SLOW UPDATE] Love ruins the mind, as it does the soul. Love heals wounds, as it does the heart. But can love defy itself to protect the ego? Two hearts, different people. Same love, but different ways. One inflicts pain, And the other gains fr...