tinanggap niya ito at saka sila lumakad muli.
natuwa ako dahil tinanggap niya ang binigay ko.
tinignan ko sila palayo pero biglang tumigil si ace.
pakiramdam ko binagsakan ng malaking bato ang puso ko sa kanyang ginawa.
dahil tinapon nito ang aking binigay sa basurahan.
'ayos lang yan natalie wag kang iiyak malay mo hindi talaga siya mahilig sa chocolate diba?' kumbinsi ko sa sarili ko.
sigh.
kinabukasan nagtungo si natalie sa gym para tignan ang laro ni ace ng basketball may dala din siyang maiinom nito sakaling uhawin.
pagdating niya doon ay lalapit sana siya pero napatigil siya dahil may babaeng lumapit dito at inabutan si ace ng towel at tubig.
at ang babaeng iyon ay si janna.
nararamdaman nanaman niya ung sakit naiyon sa kanyang dibdib kasi sumisikip nanaman ito.
tumalikod nalang ako.
"oh natalie kala ko ba pupunta ka sa gym" tanung ni yan-yan nakasalubong ko kasi siya sa hallway.
"ah eh. m-may nakalimutan lang ako." saka ngumiti ng pilit.
saka ako tumakbo paalis