@cafeteria
Nadito ako ngayon sa cafeteria at hulaan niyo anu ginagawa ko dito
Nandito kasi si ace my loves ko kaya nadito ako.
Nakita kong bumulong ung katabi ng aking my loves dito saka tumingin sa gawian ko. Kung hindi ako nagkakamali ay harold pangalan niya.
Ilang segundo lang ay binalik na niya ang paningin nito sa kinakain niya.
"uhm ace..." sabi ko nung lumapit ako sa kanila.
"puwede ba stop calling me ace. i'm not ace okay? aiden ang pangalan ko"
hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at saka ko inabot yung lunch box na gawa ko.
"oh, ginawa ko yan para sayo." ^___^ sabay abot ko nito.
"anu yan?" =_= hindi niya tinanggap alam ko na mangyayari ito
"lunch mo." nakangiti parin ako syempre.
"hindi mo ba nakikita may pagkain na ako?"
Oo nakikita ko may kinakain siya pero gusto ko siya lutuan eh. Kaya hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at saka ko nalang nilapag sa lamesa.
"ubusin mo yan huh ace." sabi ko na hindi parin nawawala ang sweet voice ko at ang aking smile ^____^.
"tss." yun lang ang sinabi niya at pinagpatuloy ang pagkain sa binili niyang pagkain kanina.
"sige alis na ako. bye." Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis
pagkatalikod ko sa kanila ay hindi parin nawawala ang smile ko.
oo tama kayo isa akong certified stalker ni ace ko o mas kilalang aiden.
kahit nga ipahiya niya ako sa madaming tao wala ang pakialam basta ang alam ko mahal ko siya.
narinig kong nagtanung ung isang kaibigan ni ace ko."pre anung gagawin mo jan kakainin mo ba?" narinig kong tanung nito.
"may kinakain na ako. kung gusto mo sayo nalang kung ayaw mo naman itapon mo nalang." sabi nito nawala ang ngiti sa labi ko.
binilisan ko nalang ang paglakad at hindi ko na narinig ang pinaguusapan nila.
oo laging akong pinapahiya ni ace at may times na gusto ko ng sumuko pero hindi eh mahal ko siya hindi lang basta infatuation ang nararamadaman ko sa kanya.
simula nung araw na sinabi ni sophie na 'bakit hindi nalang ao magtapat sa kanya?' naging officially stalker na ako ni ace ko kung nung hanggang malayuan lang ako ngayon ay malapitan na.
pinagtapat ko sakanya ang feelings ko pero ang sabi niya lang pero supalpal lang ako.
saka ko nalang ikukwento kung paano ako nagtapat tinatamad ako ngayon eh.
paglanbas ko ng cafeteria na iyon hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko pinahiran ko agad-agad ito.
----END flashback------