CHAPTER 1

25 3 0
                                    

Malakas na ulan ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng convenience store. Obvious naman na nandito ako para bumili, alangan naman kung maliligo ako dito diba?


Aabutan ako ng gabi 'pag hindi pa ako umalis ngayon, siguro susulungin ko nalang tong ulan, bahala na!


Handa na sana akong mabasa ng ulan nang may pumigil sa akin. "Miss!" Tumingin ako sa kabilang direksyon, nasa harap lang ng convenience store nagmula ang tinig.


"Ano yun?" Responde ko sa kanya. Baka rapist to putangina! Subukan lang nya nang matikman niya ang mabangis kong mga kamao.


His eyebrows form into an arc nang makita nya akong nagbabato ng kamao sa hangin. Hindi naman siguro ako nagmukhang baliw. SABIHIN NYO HINDI NAMAN DIBA?!?


Hindi sya umimik noong tinanong ko sya. Buang man diay ni siya. Kaya nagpatuloy na ako sa binabalak ko. Pero bago ko paman maramdaman ang lamig ng ulan ay nagsalita na naman sya.


"Miss!" Tawag nya na parang pinipigilan akong umalis. "ANO NGA!!" Malakas na yun ha, baka hindi nya narinig yung una kaya nilakasan ko na talaga. Papatayin ko na to pag hindi to umayos.


"Kanal!" Hindi ko sya marinig ng maayos. Kanal?!?? Putangina mukha akong kanal?


Inis na inis na talaga ako sa kanya kaya lumapit ako habang may baong kamao. Pero bago paman mangyari yun ay naramdaman ko ang mga paa kong nakababad sa malamig na tubig.


Yumuko ako at dun ko napagtanto lahat ng nangyari. Shit! Nakakahiya warahek!! Sinusubukan nya pala akong sabihan na may kanal sa harap ko. Putangina Chen!


Umahon na ako sa pinagbagsakan ng paa ko bago pa may iba pang makakita sa katangahan ko. Hindi ko magawang tignan ang lalaki dahil sobrang nakakahiya talaga. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.













A/N:
I will be updating every saturday or sunday, five chapters po kada update, and if sipagin po ako magsulat ay asahan nyo na mas marami akong maa-update na chapters. Pero tamad po ako kaya wag na kayong umasa.

Irresistible Mr. Linneus (UNO Series #1)Where stories live. Discover now