Habang naglalakad pauwi ay hindi ko parin maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Huhuhu akala ko pa naman matino sya!
Sa galaw, aura, itsura, at ugali nya ay hindi mo talaga aakalain na magagawa nya pala ang bagay na iyon.
This serves as a lesson to us that we should first get to know a person well before we like, love, hate or judge. Kasi may mga bagay na hindi nila ipinapakita, it may be their preference or something they can't refuse.
I can't help but to think that he is a deceitful man, pff he got me to believe that he's a sober one. What's his reason to do that kind of thing? Is it intentional or he's just like longing for someone's love?
Argh! Hindi ko alam! Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Pero bakit ako affected! BAKA GIRLFRIEND NYA YUN! Putangina talaga eh! Hayst kung maka overthink akala mo may papel sa buhay nya.
Pagkarating ko sa bahay ay sa kwarto kaagad ang punta ko. "Oh anak, nandiyan ka na pala! Magbihis kana at kakain na tayo!" Tumigil ako sa paglalakad at pumunta kay mama.
Niyakap ko sya at hindi ko mapigilang maiyak. Hindi ko akalain na iiyak ako sa ganitong sitwasyon.
Issabell's POV (Chen's mother)
Nabigla ako noong biglang umiyak si Chen habang kayakap ako. Bakit? Anong problema nito?
"Anak? May problema kaba? Bakit ka umiiyak? Sabihin mo lang kay mama, pakikinggan kita." Sabi ko habang hinihimas ang likod nya.
"W-wala ma, mood swings lang yata 'to." Pilit syang tumawa. Nako talaga tong bata nato!
Simula noong nawala ang ama niya dahil sa isang aksidente ay todo-kayod na ako sa paghahanap-buhay para makapagpatuloy siya sa pag-aaral. Hindi naman niya ako binibigo dahil nakikita kong nagsusumikap din syang makapagtapos.
Kaya ang makita syang umiiyak ay masakit din para sa akin bilang ina niya. Ramdam ko parin ang sakit na nararamdaman kahit alam kong kasinungalingan lamang ang nga rason nya kanina. Hindi ko man alam kong anong dahilan ng pagluha niya ay hindi na ako nagtanong.
"Ayos lang yan anak, kung ano man ang bumabagabag sa 'yo ay iiyak mo lang yan para mabawas-bawasan ang bigat na nararamdaman mo." Payo ko sa kanya.
"Opo ma." Hindi na nga niya napigilan ang sarili at umiyak na siya ng umiyak. Pagkatapos ko syang i-comfort ay niyaya ko na syang kumain.
Chen's Pov
Hulog talaga ng langit si mama. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para bigyan ng isang inang mapagmahal.
Inilabas ko na yata lahat ng hinanakit ko sa mundo kanina. Akala ko ay si Cad talaga ang dahilan kung bakit ako napa hagulhol kanina pero parang hindi naman.
Masakit nga pero bakit ko naman iiyakan diba? Sabi ko nga, I know my worth, and is he a good guy? Girl, I don't know!
Napagod lang siguro ako, isama mo pa ang stress. Gusto ko nalang makapagtapos agad at mag trabaho para makapagpahinga na si mama.
Ano ba naman yan! Naging sad girl tuloy ang peg ko ngayon!
*ENGG ENGG*
Napatingin ako sa cellphone ko noong nag vibrate ito. Kinuha ko ito at tiningnan. Kakatapos ko lang umiyak pero gusto ko na namang mag wala dahil sa inis.
Asher Einn Linneus sent you a friend request .
Bakit nga ba ako naiinis?! Ewan ko basta gusto kong mainis!! Naiinis ba ako dahil nakakairita sya o dahil sa hindi ko gusto ang pakiramdam na parang natutuwa ako?
Wala akong balak na i-comfirm sya no, ano akala nya basta basta lang akong maging friend sa fb? Kaya inis-stalk ko nalang sya.
Una kong tinignan ang profile picture nya. Naka long sleeves sya na white tapos ay naka side view. Ang background naman nya ay para syang nasa isang restaurant yata? Hindi ko sya magawang tawanan sa picture nya dahil ang gwapo ng engot. Sus, babae siguro nya nag picture nyan.
Habang nag s-scroll ako sa kanyang account ay nagulat ako sa nag notify sa screen ko.
Asher
Done stalking? Can we have our baby time now?
YOU ARE READING
Irresistible Mr. Linneus (UNO Series #1)
Short StoryIf the climate is changing, magbabago rin ba kaya ang mga babaero?