Prologue

13 0 0
                                    

"Mom,punta lang po ako sa RNB" pagpapaalam ko kay Mom na nagb-bake ng cookies.

"Okay sweetie basta isama mo si kuya Jared mo" aniya.

"But-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita muli si Mom.

"Hindi kita papayagan hangga't wala kang kasama"

"Fine" pagkatapos kong sabihin iyon ay pumunta na ako sa kwarto ni kuya Jared.

"Kuya Jared" tawag ko mula sa labas ng pintuan na agad namang bumukas.

"Yes princess?" tanong niya.

"Samahan mo po ako sa RNB,please?" sambit ko.

"Okay,just wait me here" at isinara niya ang pinto.

Umupo ako sa malapit na upuan sa pwesto ko at inilabas ang aking cellphone para mag facebook.Pagka log-in ko ay siya namang pagbukas ng pinto.

"Let's go princess" nakaakbay siya sa akin hanggang makarating kami sa kotse niya na kulay red.

--

Finally, nakarating rin kami.Inilibot ko ang aking  paningin  pagkalabas namin sa kotse.Kitang kita ang malaking gusali na may nakalagay na RNB o Red National Bookstore sa gitna.Favorite color ata nung may ari ay red kaya yun ang ipinangalan hihi.

Pumasok na kami sa loob ni kuya at naghanap-hanap ng mabibili.

"Kuya,may bibilhin ka po ba dito?" tanong ko habang naghahanap ng Wattpad Books.

"Yes" sagot naman nito.

"Oh,maghiwalay na muna po tayo tas magkita na lang tayo sa labas" sambit ko.

"Okay princess,take care of yourself" wika niya at umalis na.

Napahinga ako ng maluwag at ngumiti dahil makakapaglibot libot ako ng walang kasama.

Nagsimula na akong maghanap ng magandang babasihing Wattpad Books.Nasa one hundred plus na siguro yung mga libro ko sa library ng kwarto,at ang ibig sabihin nun marami na rin akong asawa kagaya ni Calix,Juanito,Sevi,Ace and 99+ others.

Nang may mga matipuhan ako ay kinuha ko agad yun at inilagay sa cart.Ang gaganda ng mga libro dito sa RNB at halos ng mga libro ko ay dito ko binibili.I really love reading books,it  helps me escape from the reality.

"Tama na siguro to" sambit ko ng mapansin kong puno na ng libro yung cart ko.Bukas ulit ako mamimili hihi.

Pumunta na ako sa counter para mag bayad ng mga binili ko.Halos limang malalaking paper bags yung bitbit ko.

Itinext ko naman si kuya Jared na puntahan ako para tulungan akong magbitbit ng mga dala ko.Alam ko namang wala yung bibilhin,reason niya lang yun para makita yung girl na gusto niya HAHAHA.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si kuya at tinulungan akong magbitbit ng mga paperbags.

"Andami mo namang binili princess tas ang bigat pa,ano bang laman nito?" tanong niya at itinaas ang paperbags na dala.

"Books po" sagot ko.

"Diba marami kang books sa library ng kwarto mo?" tanong niya habang naglalakad palabas.

"Yes po pero nabasa ko na yung lahat" sagot ko muli.

Ang bilis namang maglakad ni kuya hindi tuloy ako makahabol.

"Saglit lang naman po kuya!" sigaw ko habang tumatakbo.

At hindi sinasadyang nabunggo ako kung saan.Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko dito.Napahimas naman ako sa noo ko dahil sumakit iyon.

"Oh f*ck" reklamo ng kung sino.

Napatingin naman ako sa harapan ko at nakita kong napaatras ito at nakahawak sa dibdib na may natapong kape.Masama ang tingin nito sa akin.Super pogi niya pala but I don't care,masama siguro ugali niya.

"You will pay for this,woman" oh my gosh!

Quadro Series #1: Tristan Rafael Vasquez (ON-GOING)Where stories live. Discover now