Chapter 02

3 1 0
                                    

Red's POV.

Siya pala ang may-ari nun?!

Billionaire+may national bookstore=pwede ko nang asawahin.

Sana napatawad niya na ako dun sa ka clumsy-han ko.Nag ooverthink tuloy ako.

What if bigla ka niyang kidnapin tas pahirapan dahil hindi ka niya napatawad?

Hindi naman siguro,kahit mukhang suplado ay parang mabait naman.

"Pero what if nga?" wala sa sarili kong sambit.Para na akong ewan dito eh.

"Tinatakot ko lang ang sarili k-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may nag pop sa utak ko.

You will pay for this,woman

Lagot na talaga ako neto,pinaalala pa eh

You will pay for this, woman

Papansin lang?

You will pay for this, woman

Paulit-ulit?Ayaw ko ng marinig!

Napasabunot na lang ako sa sariling buhok dahil sa frustration.Kabwiset naman kase eh!

"Princess? Ba't ka sumisigaw dyan,may nangyari bang masama?!" luh si oa.

"Anong ginagawa mo dito kuya Jared?" tanong ko.

"Narinig kase kitang sumigaw akala ko kung napano kana,lampa ka pa naman" sinamaan ko ito ng tingin dahil sa huli nitong sinabi.Edi ako na yung lampa,tsh.

Dapat sa isip lang yung sigaw na yun eh,napalakas ata HAHAHA.

"Masyado kang oa,kuya" natatawang sambit ko.Minsan lang ako mag po at opo kay kuya Jared,pag trip ko lang.

"Hindi ako oa!" sigaw niya.Para namang nasa kapitbahay yung kausap.

"Oh ba't ka nasigaw?! Nasa harap lang yung kausap mo oh!" sigaw ko pabalik,akala niya ha.

"Sorry ha!" sigaw na naman niya at lumakad na pabalik sa pinto.

"Bakit ko ba to naging kuya? Mas isip bata pa to sakin eh" medyo mahina kong sabi.

"Narinig kita!" bahala siya,tsh.

Tiningnan ko ulit yung post,save ko pala yung pictures niya hehe.Akala ko sa Wattpad lang nage-exist yung ganto,sa totoong buhay rin pala.Na love at first sight na yata ako sa kaniya!

"Princess?" andyan na naman siya.

"Oh?" sagot ko.

"Samahan mo naman ako sa RNB oh" pagpapa cute niya.

"Tigilan mo nga yang pagpapa cute mo kuya,hindi bagay sayo" natatawang sabi ko.

"Basta samahan mo ako ha?" gusto mo lang makita yung babae dun eh.

"Kahit hindi mo na sabihin,sasama ako kuya basta libre mo" napa yes naman siya.

"Nag paalam ka na ba kila Mom,kuya?"

"Of course naman,maalis na rin daw sila pagbalik natin" eh?

"Tara na!" dinala ko lang yung shoulder bag ko na may lamang cellphone at wallet.Handang handa na em!

"Bilis mo naman,tara na!" una unang bumaba si kuya sa hagdan,hindi halatang excited.Mamaya mahulog yan dya-

"Ouch!" angyare dun?

Tiningnan ko kung napano si kuya at nakita kong nakahiga na sa lapag.

Ano ka ngayon,bilis bilis ka masyado eh

"Jared sweetie? Oh napano ka? Ba't ka nakahiga dyan?" tanong ni Mom na kararating lang galing sa kitchen.

"Ayos lang ako Mom,ayos lang talaga,hindi naman masakit eh" wika ni kuya at dahan dahang tumayo.

"Hindi raw,pero yung itsura mukhang naiiyak HAHAHA" pang aasar ko kay kuya.Buti at pinicturan ko siya kanina habang nakahiga sa sahig.

Sinamaan niya ako ng tingin at nagsimula na siyang maglakad palabas.Ayy ba't ko ba siya inasar? Baka bawiin ni kuya yung libre niya!

"Una na kami Mom!" paalam ko at hinalikan siya sa pisnge.

"Take care of yourself" tumango na laang ako at dali-daling sumunod kay kuya.

Sana makita ko siya!

"Dalian mo dyan!"

Quadro Series #1: Tristan Rafael Vasquez (ON-GOING)Where stories live. Discover now