Red'𝐬 𝐏𝐎𝐕.
Isang linggo na rin ang nakalipas at mabuti dahil hindi ko nakakasalubong ang lalaking aksidente kong nabunggo.May pa 'you will pay for this, woman' pa siyang nalalaman eh nag sorry na nga ako at saka aksidente naman yun.
"Ma'am kakain na raw po kayo" narinig kong tawag ni Manang Helena sa labas ng kwarto ko.
"Sige po!" sagot ko at nag ayos na para kumain ng lunch.
Pagkadating ko sa dining room ay nakaupo na sila Mom.Sumenyas sa akin si kuya Ace na maupo na para makakain na kami.Umupo ako sa may tabi ni kuya Jared at tumikhim.
"Let's pray po" sambit ko.
Tumango naman sina Dad at tiningnan si kuya Jared.
"Ba't ako?" reklamo ni kuya.Mag p-pray na nga lang ayaw niya pa.
"I will lead the prayer nalang po" at nagtaas ako ng kamay.
"Yan ang gusto ko sayo princess eh,mabait" sinamaan ko lang siya ng tingin at nagsimula na mag pray.
--
Nandito ako ngayon sa library ko nagbabasa ng Chasing the Sun by inksteady,this is my favorite story!
"Princess?" narinig kong tawag ni kuya Ace.
"I'm here in the library!" sigaw ko.
Narinig ko namang bumukas ang pinto ng library kaya napatingin ako don.
"What brings you here po kuya?" takang tanong ko dahil minsan lang siya pumunta sa kwarto ko,kapag kailangan lang.
"We're going to a business trip, princess" aniya saka umupo sa kaharap ng inuupuan ko.
"And?"
"Kayong dalawa lang ng kuya Jared mo ang maiiwan dito,tatlong araw kami roon kaya magpakabait ka sa kuya mo ha?" wika niya.
"What do you mean kaming dalawa lang dito ni kuya,aalis rin ba sila manang at ang ibang maids po dito?" tanong ko.
"Tsh,of course not" aniya at natatawang umiling.
Okay,gets ko na HAHAHA
"Sige lang po basta bigyan niyo ako ng pambiling books ha" nakangiting sambit ko.
"Of course,ikaw pa" at ginulo niya ang buhok ko.
Kakaayos ko lang nyan kuya Ace,maawa ka naman sa buhok ko!
"Kailan ang alis niyo po?" tanong ko habang nakatingin sa binabasang libro.
"Ngayong araw" grabe ang tipid magsalita.
"Alis na ako princess,kailan ko pang maghanda ng dadalhin" paalam niya.
Tumango naman ako at bumalik ang tingin sa binabasa.Malapit na pala akong matapos eh,isang page na lang.Isusunod ko na yung Hell University by KnightInBlack.Nakailang read na ako ng mga to pero di pa rin ako nagsasawa.
Nang matapos kong basahin ang libro ay pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko.Pagkabukas ko ng aking fb account ay may napansin akong picture na nasa newsfeed ko.
Familiar siya!
Picture ito ng isang gwapong lalaki na nakatayo at nakatingin sa camera.Grabe hindi man lang ngumiti si kuyang pogi.Napatigil ako ng na itsurahan ko na ito, siya nga!
Siya pala yung aksidente kong nabunggo nung nakaraang linggo! Sikat pala siya.
Pinindot ko yung picture at tinitigan ito ng maigi.Hmm,mukhang suplado si kuya.
The Youngest Billionaire in the world: Mr.Tristan Rafael Vasquez
OMG bigatin yung nabunggo ko! Billionaire pala siya,lagot ako nito.
Tristan pala pangalan niya,nice name.I sinearch ko naman ang account niya sa Facebook and boom mas famous pa sakin.
Ang unti ng post niya,nasa 20+ lang.May nakita akong post na nakatag siya,pinindot ko naman iyon.The Owner of the famous Red National Bookstore: Mr. Tristan Rafael Vasquez.
Siya pala ang may-ari nun?!
YOU ARE READING
Quadro Series #1: Tristan Rafael Vasquez (ON-GOING)
RomanceQuadro Series 1:Tristan Rafael Vasquez "𝐍𝐮𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐠 𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐨𝐤𝐬𝐭𝐨𝐫𝐞,𝐈 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐲𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐞!"-Red Alezandra Forester 𝐓𝐫𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧 𝐑𝐚𝐟𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐚𝐬𝐪𝐮𝐞𝐳-a very handsome you...