Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ko sa cellphone. Gising na ako pero hindi pa rin ako bumabangon sa higaan dahil napaka-bigat nitong nararamdaman ko. Tila ba may kung ano akong pasan sa ulo ko dahil sa sakit at pagka-hilo.
Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa table na nasa ulohan ko. Subalit tumigil rin nang mapagtanto kong nasa ilalim ng unan ko pala ito nilagay.
Humikab ako't dahan-dahang iminulat ang mata. Sa wakas Biyernes na naman. Makapag-pahinga na naman ako bukas.
Maliksi akong bumangon at naka-ngiting bumaba patungong kusina. Magaan na ang pakiramdam ko nang maisip kong sabado na bukas.
Mas lalo pa akong ginaganahan nang maamoy ko ang luto ni mama na tocino sa baba. Ngunit agad ko ring iwinaksi ang ngiting iyon nang malapit na ako sa gitnang bahagi ng hagdanan.
“Parang ang ganda ng gising natin ngayon ah.” nakangiti niyang bungad sa 'kin.
Tipid lang akong ngumiti at agad ring lumapit sa mesa upang mag-sandok ng kanin. Pasimple akong tumingin sa gawi niya't abala pa rin siya sa paghahain ng iba pang putahe ng ulam.
“Uy, uy tiran mo 'yong kapatid mo niyan.” sita niya sa akin nang makitang halos ubusin ko na ang paborito kong ulam, ang tocino.
“Sarap eh” tipid kong sabi. Puno pa ang bunganga ko ng kanin no'n, kaya sinabihan naman niya ako.
“Fine, I'm sorry.” walang gana kong sabi. Hindi ako naka-tingin sa kaniya kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya.
“Sige na. Ang dami mong arte. Ma-late kana niyan sa kaartehan mo.” tiningnan niya pa ako na tila binabantaan sa maaari kong gawin.
Napa-ngiwi ako sa sinabi niya't agad na kinain 'yong pagkain.
Ilang minuto ang lumipas...
“Oh heto ang baon mo. Siguraduhin mong hindi puro kaligayahan mo lang ang pag-gagamitan mo sa perang iyan ha.” tiningnan ko muna ang kulay dilaw na perang papel. Bago ko ito ilagay sa aking wallet.
“Thanks Ma.” hindi ko man lang nasabi ang huling kataga na dapat niyang marinig.
Sabihin na lang natin na hindi pa ngayon ang tamang panahon. Upang marinig niya mula sa akin ang katagang iyon.
Marami na ang nagawa ni mama na kabayanihan para sa aming magkakapatid. Ngunit hanggang ngayo'y sariwa pa rin ang ginawa niyang pag-tanggi na anak niya kami.
Ano man ang rason ng pagtanggi niya sa amin. Ay hindi pa rin tama na gawin niya ito sa harap ng maraming tao. Maging ang mga taong makakaalam na itinanggi niya kami'y madi-disappoint dito.
“Oh bakit parang hindi ka naman kuntento diyan? May kailangan ka bang bilhin? Projects o babayaran ha?” seryoso nitong sabi sa akin.
Hinarap ko siya't walang emosyon na sinagot.
“Wala naman. Sige alis na 'ko, bye.” tuluyan na akong tumalikod at umalis sa bahay.
Hindi kami mayaman. Pero hindi nauubusan ng pera ang mama ko. Dahil sa tila negosyo niya ng pang ha-hunting ng mga mapera na mga lalaki online.
At isa na iyong lalaki na naka-harap niya sa Plaza ang na-perahan niya na. Isa itong foreigner at tinanong siya nito kung may anak na ba siya. Kung anak niya ba daw ang kasama niya. Which is mag-kasama kasi kami no'n.
FLASHBACK
“Hey Lily, hi! Is this what you said your friend?” naka-ngiti nitong tanong.
“Literally!” mama said without hesitations.
Kahit na hindi pa masyadong nag-sink sa utak ko ang daloy ng conversation nila. Ay isa lang ang malinaw sa akin ngayon. Itinanggi ako ni mama...sa harap ng mga taong ito.
“Wait, you look like to each other. It seems she's your daughter.” kunot-noong saad nito kay mama.
“Of course not! She's just my friend. My long time friend and I just wanted to introduce her with your friend too.” nagulat ako sa kaniyang sinabi.
“For real? Gagawin niya akong isa sa mga pagkaka-kitaan niya para lang hindi mawalan ng pera?” I utter in my mind angrily.
Kaya pala gano'n na lamang ang kaniyang reaksyon ng mamataan ng foreigner na magkamukha kami. Dahil gusto niyang mapaniwala ang lahat na dalaga siya't wala pang mga anak.
I think it's not right to tolerate this kind of manner. She's the mother, but this day I don't see any good intentions anymore. She did nothing else but deceive and take advantage of those he met.
I smiled widely as wide as I can. As I stare them closely one by one. And then look straight forward to the woman who betrayed me. The woman who wanted to have better lives. In terms of deceiving people.
“I'm sorry. To tell you frankly I didn't expect you're doing this to me. I thought you're my friend, but no you aren't. You just proved to yourself that you're not a good friend nor a mother.” she gives me the biggest regret stare.
Gusto pa sana niyang magsalita pero huli na dahil umalis na ako sa lugar na iyon. Ang lugar na pinaka-gusto kong mapuntahan kasama siya.
Ngunit hindi ko akalain na ang lugar din palang iyon. Ang magtatatak ng masamang ala-ala na kasama si mama.
END OF FLASHBACK
Pinahid ko ang luhang kanina pa pala umaagos sa aking pisngi.
“Napaka-sakit mabuhay at tumira sa isang mundong maraming mananakit sa 'yo.” mahina ko na lamang na banggit sa aking sarili.
Hindi ko akalain na nandito na pala ako malapit sa school namin. Naglalakad lang kasi ako. Ganito talaga ang gagawin ko kapag medyo wala sa mood.
Lumapit na 'ko sa poste ng stop light. Naka-red light pa at ilang seconds pa para makatawid na 'ko sa kabilang kalsada. Kaya tiningnan ko muna ang sling bag ko para kunin ang cellphone ko.
Sakto at nag-alarm naman ang huling oras na ini-set ko kanina. Seven thirty (ante meridiem) a.m.
“Seven thirty na pala.” agad kong pinatay ang alarm.
Tumingin na 'kong muli sa kabilang kalsada. Ngunit laking gulat ko nang may nakita akong isang lalaki.
May suot na black hoodie jacket. Naka-ngiti habang iwinawagayway ang kaniyang hawak na libro. At may earphones na naka-sabit sa kanyang leeg.
Kahit may kalayuan siya. Subalit alam kong ako ang tinatanaw niya. Ako ang nginitian niya't ako kinakawayan niya ng libro na iyon.
Dahil siya ang isinulat ko doon sa librong 'yon. Alam ko na siya iyan. Si Burn na isa sa character ng paborito kong story ni Serialsleeper, ang Hunyango.
BINABASA MO ANG
Book of Magic
FantasyEve, is a mischievous woman. It has a unique personality that other people will not like. One day they went to the Bookstore, with her friend. They will see a book lying on the floor. It's empty and because they made jokes in the said book. What the...