Chapter 3

8 4 0
                                    

“Why is this happening to me?” hindi makapaniwalang sambit sa sarili ko.

“Miss tabi! Tumawid kana!!! Tumawid k–” naputol ang sigaw na 'yon. Nang dumaan na sa gilid ko ang malaking dump truck ng troso.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilang hindi mahirapan sa paghinga. Sumasabay sa luha ko ang malamig kong pawis patungo sa aking pisngi.

“Huwag kang magpadalos-dalos sa pagtawid kahit hindi mo pa oras miss.” sabi niya ng may pag-aalala.

Hindi ako dapat umiiyak subalit kusang umaagos 'tong luha ko. Hindi ko ma-control ito't parang walang tigil sa pag-agos sa aking mga mata.

Subalit pinilit ko pa rin na mag-salita upang liwanagin ang lahat.

“B-bakit...k-ka narito Burn?” hindi ko maiwasang maging emosyonal muli.

Nakahiga pa rin siya sa kalsada dahil sa pag-sagip niya sa akin kanina. Nasa ibabaw niya ako't nakapulupot pa rin ang kamay niya sa akin.

Marahan niya akong tinulak paalis sa posisyon ko. Bahagya naman akong tumingin sa maging reaksyon niya.

“Ah hindi napag-utusan lang ako.” nakangisi niya pang sabi.

Tumayo na siya't inilahad ang kamay upang patayuin na rin ako. Tiningnan ko lang ang kamay niya. Hindi pa rin ako tumayo at nanatili lang sa gano'ng posisyon.

Gusto kong marinig ang kasagutan subalit bakit tila ipinag-dadamot niya ito?

“Kung ayaw mo pa rin na tumayo. Iiwan ko na 'tong libro na ito.” tiningnan ko siya nang may pagka-dismaya.

“Hindi ko naman akalain na magkakatotoo ito. At kung totoo nga ba 'to. Kung totoo man bakit naman nagkatotoo?” Tumingala ako para tanungin siya.

Ang kaninang naka-tingin sa malayo niyang atensyon ay bumaling sa akin.  Dahan-dahan siyang yumuko at malapit na ang mukha namin sa isat-isa. Umatras naman ako dahil sa ginawa niyang iyon.

“Tanong mo sagot mo.” ngumisi siya pagkatapos na siyang ikina-inis ko naman.

Napa-hawak ako sa aking noo dahil sa pagka-irita. Mas lalo niyang kinuha ang inis ko. Nang sarkastiko siyang tumawa.

“The french” pag-iiba ko sa word na dapat ko sanang sabihin. Gusto ko siyang pag-mumurahin subalit kung totoong siya si Burn baka mapa-aga ang katapusan ko. Bad boy kaya ang isang 'yon.

Natataranta akong naghanap ng panyo sa bag ko. Subalit hindi ko pala ito nadala.

“Oh heto, napaka-lampa kasi.” tiningnan ko siya ng masama pero kinuha ko pa rin ang panyo niya. Ito ang ginawa kong pang-tali sa nagdurugo kong noo't nagmistulang bandana.

“Ako lampa? Kung lumpuhin kaya kita.” bulong ko sa aking sarili.

“Subukan mo nga.” Mas lalo niyang nilapit sa akin ang kaniyang mukha. Kaya naman nagmistulang hinog na kamatis ang mukha ko dahil sa sobrang pula nito.

“Pa'nong hindi magiging lampa eh prinotektahan na nga ang ulo niya, sumubsob pa.” dagdag nito na may halong pagtawa.

Tiningnan ko siyang maigi sa mukha. Iyan pala ang mukha ni Burn kapag makita in person. Ibang-iba pala sa Burn na nai-imagine ko no'ng nagbabasa pa ako ng Hunyango.

I want to thank him. For saving me, even labag siguro sa kalooban niya. But still he did to protect and catch me from the danger I've faced. But I can't...nahihiya ako sa sarili kong magpasalamat lalo na't alam niyang I'm rude and not that good.

Kaya naman umakto na lamang akong parang disappointed. At hindi tanggap na makita siya ngayon.

“Talagang nagsisisi ako kung bakit ko pa hiniling na magkita tayo dito. Na ibigay mo iyang libro na 'yan sa akin.”

Wala siyang naging tugon kung 'di ang ngitian lang ako ng nakaka-loko. At saka inilagay sa tabi ko ang librong hawak niya.

“At talagang tatalikuran mo lang ako ng ganito ang kalagayan ha? Alam mo sa totoo lang ay kung alam ko lang na mapupunta ka pala talaga dito sa mundo namin. Aba'y hindi ko gagawin ang pagsulat ng pangalan mo doon.” huminto siya sa paglakad at wala paring emosyon na nilingon ako.

Tiningnan niya ako sa mga mata ko't nanlulumo naman akong tugunan ang nagbabaga niyang mga titig. Nabalik na lamang ako sa realidad nang mapagtanto kong karga niya na pala ako.

“Talagang kakaiba nga ang mga tao kaysa karakter na nasa libro.” Kinarga niya ako na parang ikakasal. Todo pumiglas naman ako para ibaba niya ako.

“Kakaiba naman pala eh. Edi sagotin mo na ako nang malubayan mo na ako!” nagpupumiglas parin ako.

I don't know why he did this to me. But isa lang ang masasabi ko. Kailangan ko siyang mapa-sagot nang may ideya na rin ako sa mga nangyayari.

Ngunit patuloy lang ito sa paglalakad kaya nagsalita akong muli.

“At tsaka hoy, may hiniling iyong kaibigan ko diyan sa librong 'yan. Kayo din ba ang may kagagawan ng sunod-sunod na messages na iyon ha?” sigaw ko mula sa pagka-karga niya sa akin. Straight lang siyang nakatingin sa daan. Ni hindi man lang ito kumukurap.

“May pangalan ako huwag mo akong matawag-tawag na hoy.” diretso ngunit ma-awtoridad niyang sabi.

Tiningnan niya ako na kasalukuyan rin siyang tinititigan. Kaya agad akong umiwas ng tingin dahil sa nakakatakot nitong awra.

Talagang nakakatakot nga itong si Burn. Lalo na 'pag personalan kayong mag-usap at magka-dikit pa ang mga katawan. Talagang masasabi mong “Lord please help me, and guide me whatever it takes I'll trust you.”

Napansin niya siguro ang pag-tahimik ko kaya binasag niya ang katahimikang iyon. Sa  pamamagitan ng pag-tikhim bago magsalita.

“Ikaw, ang kaibigan mo, ang manunulat at ang main character lamang ng libro ang sangkot sa pangyayaring ito. Wala akong kinalaman, sadyang napag-utusan lang.” maigi ko siyang tiningnan. Walang halong biro ang reaksyon ng mukha niya. Talagang nagsasabi ito ng totoo dahil sa nararamdaman kong tensyon sa kalooban niya rin mismo.

“Naaawa ba siya kaya niya binigyan ng kaunting kasagutan ang loophole sa utak ko? Sana nga magtuloy -tuloy ang awa niyang iyan hahaha” napa-ngiti ako dahil sa aking naiisip.

“Kung hindi mo ba susundin ang utos na iyon...mapapahamak ka ba?” huminto siya sa paglakad at tiningnan ako ng ilang segundo. Pagkatapos ay dahan-dahan itong nagpakita ng ngiti sa akin. Ngunit wala man lamang sinasabi.

Ang ngiting ipinakita niya ngayon ay kakaiba sa ngiti niya kanina. Parang malungkot ito at pinilit niya lamang ngumiti upang maibsan ang kalungkutang ito.

Marahan niya akong ibinaba at naglakad na palayo sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dahil na rin siguro sa pagka-bigla.

“Susundin o hindi parehas lang iyon miss. Sa 'yo pa nga lang napahamak na ako eh hahaha.” bahagya akong natawa sa sinabi niya. Hindi niya ako nilingon subalit alam kong totoo ang pagtawa niyang iyon.

“Loko-loko” mahina akong tumawang muli na s'yang sapat para marinig niya.

Hindi ko akalain na may ganitong side pala si Burn. Pero hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang tunay niyang identity. Since nabuhay siya sa isang fictional world at real life ito. Kaya posibleng iba ang identity na maipakita niya rito kaysa tunay niyang identity na nakapaloob sa story na Hunyango.

Mahirap paniwalaan ang mga bagay na nakikita mo lang. Ngunit hindi mo nilalakipan ng pagsusuri.

Yumuko ako't binasa ang pamagat ng librong hawak ko na ngayon. Book of Magic mapait akong ngumiti dahil sa nabasa.

“Ngayon masasabi ko ng may magic ka nga talaga.” isinilid ko na ito sa bag. Nang tingnan kong muli ang direksyon na kinatatayuan ni Burn ay wala na siya rito.

Hindi na ako nag-abala pang hanapin siya ng mga mata ko. Dahil ako naman ang malalagot kapag ma-late ako sa klase.

Book of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon