Myiel's POV
*ALARM
(RING, RING, RING, RING)
Unti unti nang ko nang naririnig ang aking alarm ng aking cellphone, agad ko namang minulat ang aking mga mata. umupo muna ako sa aking vanity table at kinuha ang aking planner note sabay tingin ng subject ngayong araw. nakaugalian ko na ito tuwing umaga na papasok ako.
Sa wakas ay makakapasok ako ng maaga ngayon at sana kahit na maaga ako ay wala akong mabangga na tao kahit na normal lang ang aking lakad. dahil malaking gulo at hindi ko na alam ang aking sasabihin sa aking professor. nag asikaso na ako ng aking sarili upang maakalis ng maaga
lumabas na ako ng aking kwarto. nag paalam na ako kay mama.
"MA, Alis na po ako" lakas tono kong sinabi para marinig
malamang nasa likod nanaman ng bahay iyon at nag tatanim ng halaman nya, binebenta nya nag mga ito sa kumare nya. kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang story ni jash may sinosoft launch sya pero wala pa syang na babanggit sakin tungkol dyan. pinag walang bahala ko nalang at sinimulan ko na nga ang paglalakad. aa
nakarating na ako ng school, nasalubong ko pa nga ang best professor sa lahat. si sir esperalta maraming nag sasabi na chickboy daw ito, pero diko naniniwala dahil matinong professor ito at kailan man di ako nag isip ng mga bagay na ganon sa kanya.
"Llanes di ka ata late ngayon?" nakikita ko ang saya sa kanyang mga ngiti habang binabati ako sa umaga.
"Sir naayos ko na po yung alarm ko" tugon ko at sabay pakita ng phone syempre di mawawala ang ngiti.
"E, kamusta ka naman sa daddy mo?" medyo nagulat ako sa tanong ni sir, kasi tungkol nanaman ito sa aking tatay.
"ganon parin sir, nung isang araw kausap ata ni mama yun e" tugon na parang walang gana.
"O yun naman pala, bakit di mo sinabing gusto mo syang kausapin" alam ko sa sarili ko na hindi ipapakausap sa akin ni mama ngunit nag dahilan nalang ako.
"wala sir busy din kasi ako nun" pero ang totoo ay gusto ko syang makausap
"ah ganun ba".
Naputol ang aming usapan. may paparating na babae sa likod namin, habang ito'y papalapit wala akong idea kung sino man sya, ngunit bigla itong umakbay sakin at na amoy ang malakas na amoy nang kanyang pabango nang ilinga ko ang aking mukha sa kanan nakita ko ang aking kaibigan na si jash, pagod at nag hahabol ng hininga sa sobrang hingal sa pag takbo, dahil third floor pa ang aming classroom kay Mr. Esperalta.
***
Inaantay ko si jashlyn sa CR dahil ako'y nanghihina na dahil wala nang lakas ang aking katawan at nagugutom na sa parehong oras. Hindi ko alam kung ano ba ang kanyang ginagawa sa loob ng CR at sa ilang minutong pag aantay at pag tataka ako'y pumasok sa loob at umihi narin, nang papalapit ako ng pinto sa banyo ay may naririnig akong boses na may kausap at kaboses nya ang kaibigan ko pero hindi ko ito pinansin. Pag labas ko ng comfort room at bumungad sakin ang aking kaibigan nag huhugas ito ng kamay.
"Ang tagal mo naman mag CR" medyo kumunot ang aking mukha at syempre sa sobrang inip napatanong narin ako.
"Ahh sumakit kasi tyan ko hindi ko din kasi kayang pigilan" tugon nya, ngunit may kausap ito.
"ikaw ba yung may kausap?" tinanong ko na kung sya nga ba o may iba pang tao dito.
"HA, hindi yung dyan sa tabi mo ang may kausap" tumingin ako sa aking tabi na cubicle
"ahh, akala ko kasi ikaw e"ngunit parang wala namang tao rito.
"kung ako man yon, sino naman kausap ko" pag dedepensa ng kanyang sarili.
"HMM.... Baka may tinatago ka sakin" sabay nag tawanan ang sabay na umalis.
humanap kami ng makakainan, habang kami ay nag lalakad patungo sa aming kakainan may kapansin-pansin kay jashlyn dahil ito'y nakatingin sa kayang cellphone at siging pagpindot nito. nakangisi pa at parang may nag bibigay ligaya, kung titignan nyo sya, sya ay parang kinikiliti sa bawat pag pindot nito sa kanyang telepono.
Parang ayaw mag pa istorbo sa kanyang ginagawa. nahinto kami ng saglit para tumawid dahil sa kabilang kanto pa ang kakainan namin. ngunit sya ay biglang nag lakad patawid pero hindi naka go sign ang stoplight.
sa sobrang walang pakielam nito sa paligid ay may isang motor na sobrang mabilis ang takbo, papalapit ito kay jashlyn. habang sya ay nag pipipindot sa kanyang cellphone ay kung sasamain sya ngayong araw baka sya ay kinuha na ni san pedro.
"HOOOYY... JASHLYN " sumigaw ako at tarantang hinablot ang braso at hinila pabalik sa aming kinatatayuan. "Nawawalan kana nang atensyon sa paligid mo?" galit kong sabi sa kanya.
"HA... ano nangyari" nalilito at wala alam sa paligid namin, na may pag tatakang mukha.
bumuntong hininga ako "Muntik kana masagasaan nung motor" at kalmado kong pinaliwanag sa kanya ang nangyari.
"saang motor, sorry diko napansin" at simula nung mga oras nayon tinago na ni nya ang kanyang cellphone "Pero thank you, you save my life" sabay ngisi nya na parang ayos na ang nangyari.
"alam mo kanina pa kita napapansin, sino ba kasi yang kausap mo" direkta kong sabi sa kanYA dahil nakakapag taka ang kanya kinikilos. "tsaka pansin ko kausap mo yan lagi, sino ba sya?".
pag tapos ay tumawid na kami dahil nag go sign na ang stoplight para sa mga tao na tatawid. sa awa ng diyos ay hindi nadigrasya ang aking kaibigan. marami beses ko na kasi syang nakikita na may kausap lagi sa kanyang cellphone, dahil noon naman nag sasabi naman sya sa mga nakakausap nya. pero ngayon hindi ko alam bakit hindi nya kayang sabihin sakin. may tinatago ito sa akin at ngayon ay may pag dududa na ako sa kanya.
***{AFTER WARDS}***
habang kami kumakain ay nakatingin parin ito sa kanyang cellphone nakangisi parin sya, parang may connection sa kanilang dalawa, parang sila na nga kung babase ako sa mga pinapakitang kilos nito.
"BFF... lalamig yang pagkain mo kumain kana" pag istorbo ko at sa kanyang attensyon upang kami ay makapag usap.
"HA... teka lang kasi tong pinsan ko makulit" habang nakatingin sa kanyang cellphone kaya nyang mag multi-task. kausapin ako habang may kausap sa cellphone.
"Eh mamaya nayan, lalamig na yung pagkain pinag hihintay mo" Medyo naiinis na ako sa puntong ito pero kaibigan ko sya ayokong dahil lang sa maliit na bagay ay mag aaway kami, kaya intindi at kumalma nalang ako.
nang matapos kaming kumain ay kami ay nag papababa muna ng saglit bago kami mag pasyang umalis. at hindi parin ito natigil sa kakachat nya sa kung sino man ang kausap nya ayoko syang masaktan bandang huli.
luminga linga ito na parang may hinahanap tingin sa kaliwa tingin sa kanan at tingin sa likod, wala akong idea kung sino man ang hinahanap nya. ngunit may nasilayan akong isang lalaki na may hawak ng bouquet, unti-unti itong papalapit sa amin na ang mga tao ay nakatingin sa kanya samantalang yung iba sa amin nakatingin.
mahihiya man ako sa mga oras na to pero hindi ko mapigilan ang matawa ng kahit onti. nang lumapit ang lalaki sa amin inabot na nito ang kanyang dala-dalang bouquet. habang sya ay nakangiti ay masaya sa kaganapan na ito. kita ko sa mga mata nya ang walang hanggan na ligaya ngunit sino nga ba itong lalaking ito. at siguro ito ang kausap nya sa mag-damag.

YOU ARE READING
QUESTION...
FanfictionWould you accept untrue love as a compromise?Perhaps she was unaware of the fact that will give her a severe blow to the head? The love that will not endure if it is based on deception, hope, instability, or a romantic relationship. something out...