Hayts!. Wala na naman ako kasamang mag-lakad. Hirap talaga kapag nag-iisa, huhuhu.
Medyo may kalayuan yung inuupahan kong apartment dito sa workplace ko. Pero kaya ko namang lakarin, dahil madalas ko narin naman itong ginagawa. Exercises narin sa umaga.
Habang nag-lalakad at habang kumakanta, nakarinig ako ng mga mahihinang hikbi sa malapit lamang sa pwesto ko. Nag-palinga-linga ako sa paligid, hanggang sa matuon ang aking attention sa isang eskinita.
I was about to ignore it dahil kailangan ko na talagang unuwi, dahi baka ano mang oras ay tutumba na lamang ako dahil sa sobrang antok. Pero dahil may pagka-tsismosa ako, at may sariling utak ang mga paa ko. Mabilis akong nag-lakad patungo doon, dahil mas lalo lamang lumalakas ang iyak na naririnig ko.
"Jusko!. Sana hindi multo ang naririnig kong umiiyak". Mahinang usal ko sa aking sarili.
Sa pag-tapat ko sa maliit na eskinita, doon ko nakita ang isang duwende na pinalilibutan ng mga kapre.
"Hoy mga bata!. Anong ginagawa n'yo sa duwende na iyan, huh?!". Tanong ko sa mga malalaking bata na pinapalibutan ang isang kutong-lupa.
Takte!. Lima laban sa isa?. Galing.
Lumapit ako sa kanila, ngunit ang mga bata ay tumakbo na ng makitang papalapit ako sa kanila. Naiwan naman ang kutong-lupa na nakaupo lamang sa maduming sahig, habang malakas na umiiyak.
Pinaka-titigan ko ng husto yung bata. Ngunit agad akong napangiwi ng makita ko ang mukha nito nang bigla siyang mag-angat ng mukha.
Tumutulo ang kanyang luha, at ganoon narin ang kanyang sipon. At higit sa lahat, sobrang dungis niya na tila ba ay nahulog sa kanal.
Eww!.
"Hoy bat--".
Nabitin sa hangin, at tuluyang nanlaki ang aking mga mata ng bigla itong tumayo at yumakap sa mga hita ko habang ang kanyang mukha naman ay nakabaon na sa aking tiyan.
Hindi ako nakalagaw sa kinatatayuan ko ng mga oras na iyon. Halos ilang minuto, hanggang sa tuluyang mabalik ako sa ulirat.
I was about to push him away from me, ngunit ang lumabas sa kanyang bibig ang siyang dahilan kung bakit tuluyang tumakbo papalayo sa aking katawan ang sarili kong kaluluwa.
"Mommy....".
#InstantMommy
BINABASA MO ANG
Lost And Found
Mystery / ThrillerLost And Found is a story about a family who got separated because an unexpected thing happened. ORIGINALLY WRITTEN BY MSA-BARROS. PLAGIARISM IS A CRIME!!!!.