Previous words:
"Why are you dragging my son?!"Inis akong lumingon pabalik sa lalaki. Galit itong nag-lalakad papalapit sa amin. Matapos makarating sa harap, agad niyang hinila ang kanyang anak papalayo sa akin, na tila ay may nakakahawa akong sakit.
Muling nag-alab ang galit sa aking loob ng muling makita ang mukha nito.
"I'm not dragging him, okay?!. Hindi ko naman alam na hawak-hawak ko pala yang anak mo. Akala mo naman talaga ginusto kong hawakan yang anak mo. Tsk!". Inis na singhal ko sa kanya.
Ngumisi lamang ang hinayupāk sa aking sinabi.
"Umuwi na nga kayo!. Dahil sa inyong dalawa nasira ang araw ko. Nong una yang anak mo. Bakit ba kasi sa dami-dami ng lugar bakit dito pa napunta at binully yang anak mo?. Sana talaga hindi ko nalang siya tinutulungan kong alam ko lang na ang ama pala nito ay may ugaling demonyø!. Tapos dumagdag ka pa?. Sa halip na pasalamatan mo ako, nagawa mo pa akong insultuhin at ipamukha na pera lang ang habol ko!".
Bwēsit!. Kainis!.
Balak ko na sanang mag-patuloy na lumakad papalayo sa kanila. Ngunit muli akong tinawag ng bata kaya bahagya akong tumigil upang lingunin siya.
"Ano?".
"Can I come with you... m-mommy?".
Argh!!. Ito na naman siya sa kaka-mommy niya sa akin!.
"Can you please stop calling me mommy?. Nakakainis pakinggan!. Tsaka ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga ako ang mommy mo!. Kung wala kang nanay humingi ka dyan sa ama mo, o kaya naman ay humanap ka ng iba. Huwag ako!".
Dahil sa galit ko sa kanyang ama, hindi ko sinasadyang taasan siya ng boses. Huli ko na iyong narealise ng marinig ko na ang mga hikbi nito.
"You have no right to raise your voice on him!". Tiim bagang sabi ng lalaki.
Saglit akong tumingin sa tatay nito, bago ko tingnan ang bata. Agad na lumambot ang ekspresyon ng aking mukha ng makitang patuloy ito sa pag-iyak. Humakbang ako papalapit rito para hawakan sana. Ngunit ang demonyø, agad siyang hinila papalapit sa kanya. Wala naman akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.
"Look, I'm sorry okay?. Hindi ko sinasadyang taasan ka ng boses. I-it just... I'm not your mother, okay?. Maybe nag-kakamali ka lang bata. Hindi ako ang nanay mo". Marahang sabi ko sa kanya habang bahagya pang nakayuko.
Saglit itong tumigil sa pag-iyak bago ako tingnan.
"B-but, you are my m-mommy". Pamimilit pa nitong sabi.
Muli akong napabuntong hininga, bago tumayo ng tuwid. Yung pasensya ko ay malapit na talagang maubos. Kapag ipinag-pilitan pa talaga niyang ako yung 'nanay' niya, baka hindi ko na siya matansya pa.
Binalingan ko muli ng tingin yung ama nong bata. Ngunit ang loko, sa halip na patahimikin yung anak niyang kakatawag sa akin ng 'mommy', nakangisi lamang ito sa akin.
"*sigh*. How sure are you, na ako nga ang nanay mo?". Tanong ko sa bata.
Saglit itong nag-isip, bago kinuha yung maliit niyang bag na nakasakbit sa kanyang likuran.
Tang.na. Kanina ko pa sya kasama pero ngayon ko lang napansin yung bag niya.
Binuksan nito ang zipper ng bag, bago may kinuha na kung ano man doon. Nakatutok lamang ako sa ginagawa niya, hanggang sa iniharap niya sa akin ang isang litrato.
BINABASA MO ANG
Lost And Found
Mystery / ThrillerLost And Found is a story about a family who got separated because an unexpected thing happened. ORIGINALLY WRITTEN BY MSA-BARROS. PLAGIARISM IS A CRIME!!!!.