Chapter 2

1 0 0
                                    

*Third Person's Point Of View*


"Find my son right now or else, I will f*cking rip your heads!!".

Sa lakas ng sigaw ng isang galit na galit na lalaki, halos mag-unahan sa pag-takbo ang mga lalaking naka-itim, papalabas sa mansyon. Ang ilan pa sa kanila ay halos madapa dahil sa kanilang pag-mamadali.

Ang ilan naman sa mga katulong ay halos maihi na dahil sa takot na kanilang nararamdaman sa mga oras na iyon. Lalo na ang isang babae. Nanginginig ang mga kamay at tuhod nito. Pinag-papawisan rin ito ng malamig, at halos mahimatay na dahil sa takot na kanyang nararamdaman.

"You!!". Galit na galit na usal ng lalaki.

"Once na mapahamak ang anak ko, dahil sa kapabayaan mo. I will f*cking swear to heaven that you will no longer leave this house...alive!. Keep that in your empty mind. Stupid!!".

Nag-gagalaiting sabi nito sa babae, na mas lalo namang ikinangilig nito sa takot.

Nakahinga naman ng maluwag ang mga katulong na naroon, matapos umalis ng lalaki sa kanilang harap. At sa puntong iyon, tuluyan ng bumagsak sa sahig ang babae dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod.

Agad naman siyang dinaluhan ng kanyang mga kasama, at tinutulungang tumayo bago dalahin sa living room ng mansyon, upang pakalmahin.

Tuluyan na itong humikbi, habang binabanggit ang mga katagang ito...

"A-ayaw ko pang m-mamatay...".

Sa bawat bigkas ng mga katagang iyan, mas lalo lamang itong humahagulhol ng iyak.

Nakaramdam naman ng awa ang mga kasamahan nito. Samantala, marahang hinahagod naman ng matandang babae ang likuran nito upang kumalma.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan. Huwag mong isipin ang kanyang sinabi. Dala lamang iyon ng galit at takot dahil sa nawawala ang kanyang anak". Sabi nito.

"M-manang, kayang-kaya akong patayin ni sir sa oras na may mangyaring masama sa kanyang anak". Natatarantang sabi nito sa matanda.

"Ipag-dasal na lamang natin na mahanap na ang young master bago gumabi". Huling sabi ng matanda , bago namayani ang katahimikan sa pagitan nilang lahat.

"K-kung sana ay binantayan ko ng mabuti ang young master, h-hindi sana mangyayari ito. Napakawalang-silbi kong yaya!. P-paano kong mapahamak siya?. Paano kong saan siya makarating?. Masyado pa syang b-bata. Baka m-mapahamak siya sa lansangan. B-bakit kasi iniwan ko siya eh!. Kasalanan ko talaga ito!". Paninisi ng babae sa kanyang sarili.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Ang isipin mo ngayon ay sana mahanap na siya ng mga tauhan ni sir bago sumapit ang gabi".

"Ano ba kasi ang nangyari?. Paano siya nawala?". Tanong ng isa sa mga katulong.

"H-hindi ko alam. Basta saglit ko lang siyang iniwan doon sa park k-kasi ibibili ko siya ng icecream. Pero pag-balik ko doon sa kinauupuan niya...n-nawawala na siya". Sabi nito at muling umiyak.

Napaisip naman ang mga kasamahan nito at ipinag-dasal na sana ay makita na ang anak ng kanilang amo dahil sa oras na sumapit ang gabi, at hindi pa ito nakikita, siguradong lahat sila ay matatanggal sa kanilang mga trabaho.

*****

Sa kabilang banda naman, halos hindi na sumayad sa highway ang gulong ng sasakyan ng lalaki dahil sa bilis ng pag-mamaniho nito. Halos lahat rin ng mga kasalubong nitong sasakyan ay natatakot na humarang sa kanyang dinadaanan. Limang itim na kotse pa ang nakasunod sa sinasakyan ng lalaki. Halos lahat sila ay hindi narin mapakali dahil sa nangyari. Ilan pa sa mga tauhan nito ay umiba ng direksyon at nag-babakasakaling makita ang bata sa lansangan.

Lost And Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon