Nakangiting pumasok ako ng restaurant at agad na nakita ang aking mga trabaho na abala sa kanilang mga ginagawa.
"Yow Janelle!. Musta ang buhay?". Maingay na tanong ng isa sa mga katrabaho ko.
"Ayos pa naman. Humihinga parin". Natatawang sagot ko namab rito na tinawanan lang rin niya.
"Maganda yan. Sige na, mag-simula kana". Sabi nito kaya naman tumango na lamang ako sa kanya.
Bago mag-simula, pumunta muna ako sa locker namin upang isuot ang uniform ko at para narin ilagay ang dala kong bag.
6 pm na ng gabi.
Saturday ngayon kaya naman hindi ako mapupuyat dahil wala namang pasok kinabukasan, dahil Sunday.
Working student ako. Mag-mula ng mamatay ang mga magulang ko, mag-isa ko na lamang binubuhay ang sarili ko. Lahat ng mga pangangailangan ko sa pang-araw-araw at gastusin sa school ay galing sa sarili kong pagod at kamay.Mahirap man, ngunit pilit kong kinakaya para lang mabuhay at makapag-tapos ng pag-aaral tulad ng pangako ko sa mga magulang ko.
Saludo nga ako sa mga working student na tulad ko eh. Kahit sobrang hirap, at kahit na gusto na lamang nilang sumuko ay hindi nila ginagawa, dahil itinatatak nila sa kanilang isip na hangga't nabubuhay sila ay hindi sila basta na lamang susuko sa hamon ng buhay. At ganon rin ang ginagawa ko. Iniisip ko, matatapos rin naman ang pag-hihirap kong ito at masusuklian ng magandang buhay once na makapag-tapos ako ng pag-aaral.
Oo nga pala, daldal ako ng daldal sa inyo hindi pa pala ako nakakapag-pakilala.
Ako nga pala si Janelle Almira Miller, 23 years old na at kasalukuyang nasa third year college.
Maayos naman ang takbo ng buhay ko, ngunit madalas ay napapaisip ako kung ano kaya ang magiging reaksyon ni mama at papa, kapag nalaman nilang ginagawa ko ang lahat para makapag-tapos, tulad ng pangako ko sa kanina.
Walang lumilipas na mga araw na hindi ko tinatanong sa sarili kong proud ba sila sa akin. Kung masaya ba sila dahil nauutay-uutay ko ng maabot ang mga pangarap ko.
Ilang beses ko ring naitatanong sa sarili ko kung bakit ang aga nila akong iniwan na dalawa.That time, nong araw na tuluyan silang nawala ay nasa school ako non. Exam namin para sa mga studyante na papalarin na makakuha ng full scholarship. At nang araw na iyon, masaya ko dapat ibabalita na ako ang kauna-unahang nakakuha ng scholarship, ngunit ng araw rin na iyon, pareho na nila akong iniwang dalawa.
Aksidente ang ikinamatay nilang dalawa. Galing silang province ng mga araw na iyon dahil ipinag-bili nila yung lupa namin. Pabalik na sila sa Manila, ngunit sa kasamaang palad, nabangga ng malaking truck ang sinasakyan nilang kotse.
At dapat yung pera na iyon ay gagamitin namin, para mag-patayo ng sariling bahay dito sa Manila, ngunit dahil sa aksidenteng iyon. Ang perang nakalaan sana sa bahay namin, ay sa kanila ginamit.
Masakit sobra. Akala ko non hindi ko kakayaning mabuhay ng mag-isa. Ngunit naalala ko na nangako ako sa kanilang dalawa na mag-tatapos ako ng pag-aaral.
Kaya naman kahit gaano kahirap para sa akin, gagawin ko parin ang lahat makapag-tapos lang ng pag-aaral at matupad ang mga pangarap ko.
*Sigh*
Ano ba yan!. Nagiging madrama na ako.
Sige na, maya nalang uli ako mag-kukwento tungkol sa malungkot kong buhay. Baka kasi malate ako sa work ko eh.
Matapos mag-drama sa loob ng locker area namin, agad narin akong lumabas upang simulan ang trabaho ko.
Mula lunes hanggang huwebes, pag-tapos ng klase ko, uuwi lang ako sa bahay para mag-palit ng damit, then deretso na sa restaurant. 3 pm ng hapon ang labas ko sa school, then mga around 4:30 pm ako nag-sisimulang mag-trabaho. 4:30 pm hanggang 12:30 pm naman, out ko na iyon. Then kapag byernes naman, 7 pm ako pumapasok sa trabaho, then 7 am ng umaga na ang labas ko non, ganon rin sa sabado. Then sa linggo naman, pasok ako ng 12 pm then ang labas ko na non ay 9 pm, dahil kinabukasan ay Monday na.
BINABASA MO ANG
Lost And Found
Mystery / ThrillerLost And Found is a story about a family who got separated because an unexpected thing happened. ORIGINALLY WRITTEN BY MSA-BARROS. PLAGIARISM IS A CRIME!!!!.