Prologue

22 0 0
                                    

"Congrats, Sophia."

"Congratulations, Sophia."

"Sophia! Hindi na kita icocongrats kasi una palang naman alam na ng lahat na ikaw nanaman ang Valedictorian."

"Sophia, free ka ba later? Hangout naman tayo to celebrate you!"


Here they are again. Pretending as if they really like me, but the truth is they just wanted to befriend me because I am always the top of our class.


"EXCUSE MEEE!! DADAAN ANG MGA POGI! HINDI SIYA FREE MAMAYA SO ALIS NA KAYO." buti naman dumating na sila. Our classmates are pestering me again to hangout with them.


"Madam Sophia! Smile ka naman dyan! Aba, may valedictorian bang nakasimangot. Alam mo suko na talaga ako na habulin grades mo. Okay na ako sa top 2." ang ingay ni Lucas buti nalang he bought me lunch.


"Oliver, let's eat na." hinarap ko nalang ang upuan ko kay Oliver kasi ang ingay ni Lucas.


"OMG! MAS GUSTO NIYA NA AKO KASABAY KESA SAYO, LUCAS!" ay, mas oa pala.


"Whatever." I rolled my eyes.


As we're eating, puro lang payabangan 'tong dalawang to, kaya nung tumawag si Kuya ay lumabas muna ako ng room to answer him.


[Hey, anong oras dismissal niyo? I'll pick you up later since I'm around the area.]


"3 pm kuya, early dismissal po." I looked around the hallway and saw Nico walking towards me.


[Okay, sa gate na kayo maghintay. Sabihan mo sila Lucas, for sure sasabay din yang dalawang body guards mo.Sige na, love you.]


"Okay, bye. I love you too." after mag-end ang call. Nico grabbed my wrist so I quickly pulled it away from him. Problema nito?


"Boyfriend mo?" nakakunot na noo siyang nagtanong.


"Pake mo?" pagtalikod ko ay saktong nandon si Oliver at Lucas. Niyaya ko nalang sila sa loob at baka magkagulo pa sila sa labas.


"Kelan ba titigil yung mokong na yon? He got rejected for who knows how many times pero ayaw pa tumigil. Babangasan ko na 'yon talaga!" umiling nalang ako kay Lucas.


Well he has a point. I keep on rejecting Nico in a nice way pero sinusubukan talaga ako. I don't like guys who don't take acads seriously. Kahit sa friends, ayoko yung hindi nag-aaral buti nalang talaga si Oliver and Lucas ay seryoso sa acads kahit siraulo.


"Tsaka pangit naman yon. 'Wag ka don, dapat mas pogi samin tsaka talunin niya muna tayong tatlo sa acads." kahit kelan ang hangin ni Oliver.


"Kuya will pick us up later." nilagay ko na sa paper bag yung pinagkainan ko para isang tapunan nalang kami.


After kong makipaglaro sa dalawang to ng mobile games, natulog nalang muna ako. Buti nalang nag-alarm ako kasi wala pala silang balak gisingin ako. I left them sa the room kaya naman nagmadali silang tumakbo para humabol sakin. While waiting for Kuya they just keep on teasing each other.

Anatomy of Love : Hearts in ScrubsWhere stories live. Discover now