Chapter Nine

1.5K 18 3
                                    

Nang magkaroon ng malay si Mirabelle ay nakangising pagmumukha ng kamag-anakan niya ang kaagad na bumungad sa kanya. Nilukob siya ng makamundong takot. Eto na nga ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang lumabas. Kapag nakuha siya ng kamag-anakan niyang pinagkaitan ng mana ng kanyang abuelo ay siguradong hindi siya makakabalik sa hacienda ng buhay.

"A-anong gagawin ni'yo sa akin? Pakawalan ni'yo 'ko..." pakiusap ni Mirabelle habang sinusubukang makawala sa pagkakatali sa upuan. Subalit kahit ano'ng gawin niya ay hindi siya makawala dahil napakahigpit niyon at halos hindi na siya makahinga. "Tiyo..."

Halakhakan na puno ng pangungutya ang sagot na narinig ni Mirabelle. Ang tiyuhin niyang kapatid ng kanyang ama ang namumuno sa pagkaka-kidnap sa kanya. Ito ang nag-iisang tiyuhin niya na gahaman sa salapi. Ito rin ang ilang beses nang nagtangka sa buhay niya.

Walang alam si Mirabelle tungkol sa kanyang ina, wala ring sinasabi ang kanyang abuelo tungkol dito. Basta ang alam niya, itong tiyuhin niya at ang limang anak nito ang laging nanggugulo sa kanya tungkol sa pamamahala sa Hacienda.

"Mirabelle," tawag ni Jovito, ang kanyang pinsan, panganay na anak ni Tiyo Jovan. Tatlumpung taong gulang na ito pero wala pa ring trabaho dahil asa sa magulang. "Ibigay mo na kung ano ang gusto ni Daddy. Sign the agreement that you are transferring the ownership of the Hacienda over to us!"

Nakagat ni Mirabelle ang labi at tahimik na lumuha. Kahit ano'ng pakiusap ang gagawin niya sa mga ito ay hindi siya ng mga ito pakikinggan hangga't hindi niya naibibigay sa mga ito ang pamumuno sa Hacienda.

Hindi patitinag si Mirabelle. Pinangako niya sa abuelo na aalagaan niyang mabuti ang Hacienda at hindi ito mapapasakamay ng ganid niyang kamag-anak.

"Hindi puwede. Alam niyo kung ano ang mahigpit na habilin ni Lolo," matigas ang loob na turan niya. Matagal na niyang pinoprotektahan ang Hacienda kaya hindi siya magpapadala sa pananakot ng mga ito.

"C'mon, Mirabelle! Bakit ba napakadamot mo? Pamilya mo kami. May karapatan kami sa kung anuman ang kikitain ng Hacienda!"

"You are right, Maylin!" sang-ayon ng pangatlong pinsan niya na babae rin, si Joana. Bumaling ito sa ama. "Daddy, ano pang hinihintay mo? Ituloy mo na ang pagpapahirap sa kanya kung patuloy pa rin siya sa pagmamatigas!" utos nito sa ama.

Sa lahat ng magkakapatid, itong si Joanna ang kontrabida. Mirabelle was even thinking that she was the instigator of all this threatening her.

Nangalit ang ngipin ni Mirabelle. Sa totoo lang, hindi siya marunong magalit at ayaw niyang manakit ng tao, pero sa patuloy na pangha-harrass sa kanya ng kamag-anak niya hindi niya mapigilang kasuklaman ang mga ito.

"Ilang beses ko ba sabihin sa inyo na hindi puwede ang gusto— arghh!!!" Matinis na napasigaw si Mirabelle nang bigla siyang kinuryente ng kanyang tiyuhin.

"Tumigil ka na, Mirabelle! Kung ayaw mong masaktan pa, pirmahan mo na ang dokumento!" galit na sigaw ng kanyang tiyuhin. Madilim ang mukha nitong tila demonyo na nakahanda siyang lapangin.

Patuloy sa pagluha si Mirabelle habang nanginginig ang katawan sa patuloy na pangunguryente ng kanyang tiyuhin.

"Sige, patayin niyo na lang ako kung iyon ang gusto niyo. Sa tingin niyo makukuha niyo sa akin ang pamamalakad ng Hacienda kung papatayin niyo ako?" Patuloy sa pagmamatigas si Mirabelle. Tuluyan nang nawala ang takot niya kung ano pang klaseng pananakit ang gagawin sa kanya ng Tiyuhin.

Lumapit ang asawa nito na kinasusuklaman niya rin. Wala itong katiting na relasyon sa Hacienda pero ito ang nangunguna na kunin iyon kay Mirabelle. She held Mirabelle's face and squeezed it hard.

"Sa tingin mo hindi ka namin kayang patayin para wala nang problema ang pagkuha ng Hacienda sa 'yo? Nagkakamali ka kung iniisip mo 'yun, iha. We are just letting you out easily out of pity dahil pamangkin ka ng asawa ko."

Ang Engkantong Malibog (Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon