A/N: yie, inedit
____________________________________________________________________________________________
"Oh, Zeus! Bakit naman sobrang sakit ng ulo ko? Hindi naman siguro gano'n karami ang nainom ko, ano? Nag-water naman ako after. Bakit? Bakit?" Inis na reklamo ni Jeric habang minamasahe ang sentido niya.
Hindi siya makapaglakad ng straight dahil nga nakapikit siya. Parang lasing pa rin siya kung titingnan, pero sa bagay, ganiyan naman talaga 'yan siya.
Nakita kung paano nakangising sumalin si Caleb ng inumin sa baso. Yung dahon ng ampalaya na piniga lang namin kanina. Hindi ko talaga alam ano purpose niyan pero ngayon bakikita ko na.
"Maganda 'to sa hangover, boy. Na-try namin 'yan, tingnan mo okay kami. Ikaw naman nanghihingi ng tulong kay Zeus." Pangu-uto niya sa kaibigan.
Mukhang nag-aalangan pa si Jeric na tanggapin 'yon dahil paniguradong nananawa na siya sa mga trip na ginagawa ni Caleb. "Tangina mo talaga. Kapag ito prank."
Lumapit pa siya nang kaunti para ituro ang mukha pero tinawanan lang siya.
"Totoo nga. Paano mo malalamang nagsasabi ako ng totoo kung hindi mo naman tina-try? Huwag kang mag-alala. Matcha lang 'yan." Pangungumbinsi pa niya.
Napaka-siraulo.
'Yan talaga ang tatakbo sa isip mo kapag nakikita mo way ng bonding nila. Hindi ba uso sa kanila yung hug time, 'good morning, dude' or 'I really need you, bro'?
"Pigilan mo 'yan," narinig ko ang natatawang bulong sa 'kin ni Lueese. Mayroon siyang hawak na tinidor na mayroong sausage habang tinuturo sina Jeric.
Agad akong napa-iling. "Bakit ako? Be for real, bruh! Boyfriend mo 'yan, ikaw ang magpigil. Puwede ring si Mik, dahil pakana naman 'to ng boyfriend niya." I laughed about with her.
Kumuha ako ng separate plate to eat some Siomai. Grabe, Siomai sa outing. Kami lang naka-isip nito, ah.
Nang bumalik ang tingin kina Jeric, nakita kong unti-unti na siyang pumapayag sa pressure na pinaparamdam sa kaniya ng kaibigan.
Tinungga niya 'yon. It took him few seconda before coughing and searching for a water to drink dahil siguro sa tapang ng pagkapait ng nainom.
"Caleb Yoriko! Tangina ka talaga! Hindi hangover ko ang mawawala rito, panlasa," he paused to drink the water Jarenn handed him. "Fuck you! Sasabihin ko kay Mikayla na huwag kang kausapin for the whole week."
Mikayla shrugged, focusing on her black forest flavored ice cream. "Huwag niyo akong i-damay. Kayo ang nagkaka-pikunan."
"Dude, your boyfriend wants to kill me." Jeric tried to convince her again, pero mas malakas pa ang pinaghalong tawa nina Jarenn at Caleb kesa sa boses niya.
Nag-L finger pa talaga ang mga loko.
"Enrico," Mikayla called her nonchalantly. "You have to apologize."
Tumigil sa pagtawa si Caleb nang marinig ang utos ng girlfriend niya. "We're just playing, mahal. You know me nam—"
"Say sorry." She cut him off, trying to really show who is the dominant one in their relationship.
He cleared his throat before looking down a little. "Okay po. Jeric, I'm sorry. I mean it when I said nakakatulong sa hangover pero feel ko mahihirapan kang makatulog."
Jeric just smirked. "Under ka pala, eh,"
Pagkatapos magluto ni Renzo, kumain na kami ng almusal. Ang daming masasarap na pagkaing nakahain. Nakakagutom! Pancit na maraming gulay, barbecue na halatang very grilled but not burnt then lots of ulam na nakakatakam. Mayroon kaming bicol express, sinigang, dinuguan, bangus, caldereta and of course, shanghai. Yung siomai, na-Sharon ko na. Yung sausage siguro nai-Sharon na rin ni Lueese.
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Trilogy #1) [Under Revision]
Mystery / ThrillerStarted: December 28, 2023 Ended: April 9, 2024 At University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? T...
![Unsolved Mystery (Nilacabb Trilogy #1) [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/365969870-64-k207606.jpg)