Chapter One

30 1 0
                                    

Pumasok na ako sa bahay at napatingin ako sa altar namin. "Lord?sana magkaroon ako ng love life ngayong taon."

Kinaumagahan.

Nagising ako sa kaliwanagan ng araw na bumabalot sa haggard kong pagmumukha. Kinuha ko yung cellphone ko para mag coc. Ang mood ko ay galit syempre ayon may umatake sa akin, I dont have any choice. Di ko namalayan ang oras na late na pala ako.

Hindi na ako naligo nagtoothbrush na lang at naglagay ng ever bilena lipstick. Nagspray ng mumurahin kong pabango. Actually di naman halata sa akin na hindi nakaligo.

Dumating ako sa store I'm late for almost thirty five minutes and fifteen seconds. Nagmamadali akong pumasok di ako nakangiti at halata sa mukha ko na nagmamadali. "Why you are late?" Huminto ako sa paglakad at humarap sa boses. Si sir Ivan pala. Ang pawis ko parang lalabas na sa sobrang takot at ang mga buto ko parang matutunaw. "You are opening and then you are late?" Galit siya. Di ako makasagot ng deretso. Nakatitig siya sa akin. "Uhm sir. Sorry if im late." "Wag mong sabihin na traffic??" Yes may reason na ako. "Yes sir traffic po kasi." Parang sasabog na ako. "At kelan naging traffic ang boxing ni manny at mayweather?" Ay oo nga pala. Walang lusot dumeretso ako sa crew room at huminga ng malalim at humarap sa salamin. "Flor ang tanga mo kasi inuuna mo kasi ang coc edi wow"

Lumipas ang tatlong oras konti lang ang tao sa store dahil talo si Manny. Sekretong napasilip ang mata ko kay sir. Grabe yung lips nya parang .... basta hindi ko maexplain. Single ba siya?married?? But single father? Byudo?? Hayy naku ano na pumapasok sa isip ko. Ilang taon na kaya siya? Im so curious anout his personal life. "Girl. Are you okey?" Tanong sa akin ni Rona habang siya ay nag bibilang ng pera. "Alam mo ba yung feeling na inlove ka na pala!?" Nakatingin si Rona sa akin parang di makapaniwala"bakit?" Natawa si Rona sa akin. Ang weird ko today.

Ala singko na ng hapon at out ko na. Maglalakad lang ako dadaan sa simbahan para mag tirik ng kandila.

...

Nasa simbahan na ako. At ang sarap ng hangin na humahaplos sa mula porselana kong balat. I feel that the angels are pulling me to be with them. Minsan lang ako makapasok ng simbahan kaya susulitin ko na.

Nanalangin ako ng taimtim. Nakatingin ako sa altar ng simbahan at nagsimula humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan. "Panginoon nais ko magkaroon ng boyfriend nais kong maranasan na mainlove. Sana po kung sinong lalake ang una kong makita paglabas ko ng simbahan ay siya na."

Tumayo ako. At naglakad palabas. May mga lalake nga pero yung iba may girlfriend, may kapansanan at bading. Oops di ko hiniling na bading ang magiging boyfriend ko hah. Nakatayo ako sa labas ng simbahan. "Hey." May isang lalake na bumulong sa mge tenga ko parang ang lambing naman. Humarap ako at laking gulat ko na si sir Ivan ang nasa likod ko.

"Why you are here?" Oh! Im so speechless again ilang beses na to. Pero ayoko mag assume ng sobra sobra. Ayoko magpakita sa kanya ng motibo at baka layuan nya ako. "Opening kasi ako sir kaya naisipan ko na dumalaw dito." Napansin ko may dala siyang mga rosas. "wow flowers."I will give this to my special woman in my life." Parang nadisappoint ako. Akala ko pa naman Lord si sir Ivan na hindi pala. Meron na pala siya,. Taken na. No chance for us. Sayang talaga. Im so hopeless parang walang forever.

"Sige sir I have to go. May pupuntahan pa kami ni mama na importanteng tao." Mabilis akong lumayo sa kanya at siya naman ay nakasakay na din sa kanyang motor. Ang hirap,masakit ang masaktan at ayoko ng umasa pa. Ako naman kasi. Wala namang nag utos para ibigin sya diba? Assumera ko talaga.

...

"Flor anak. Magbihis ka na at mapuntahan natin si Ginang Artates sa ospital. Alam mo naman mabait yun sa atin." Ang mama ko may mabuting puso talaga hanggang ngayon. "Dinig ko nga dumating na daw ang anak niya na kakatapos lang mag training bilang manager sa Cebu." Manager nanaman? Sinusundan ba talaga ako ng salitang yan.

Nakarating na kami ng ospital. Di ako concious sa suot kong t.shirt na may sulat na. Single ako eh, eh ikaw? Pumunta kami ni mama sa information area ng ospital. Umikot ang mga mata ko sa paligid. Ang weird ang daming pasiente yung iba lalabas na pero may papasok naman. Kakaiba talaga ang mundo.

Nasa third floor ng ospital. Bitbit ko pa ang mga prutas na naka basket. Narating namin ang kwarto ni Ginang Artates. Mag-isa lang siya. Mabilis siyang niyakap ni mama. "Mare,akalain mo may highblood pala ako. Tumatanda na talaga tayo." Ang biro ng ginang. "Sino ang kasama mo, si Flor na ba iyan??" Nakangiti lang ako sa kanya. Ito pala ang ospital. Ayoko talaga mag nursing before buti na lang. "Oo mare, kakagraduate lang yan last march." "Well experience ka muna iha, apply ka agad managerial position. Ang anak kong si Ban-ban manager na." Nakangiti pa rin ako. At napansin ko ang mga rosas sa mesa. Lumapit ako sa mga rosas at binasa ko ang nakasulat sa card. "To my special woman in my life" napaka sweet naman ng taong nagbigay nito kay ginang Artates. Ako kaya kelan makakatanggap ng ganito? Wag naman sa ospital, in a romantic place na lang. "Mare asan na ba ang inaanak ko?" Ako naman ay pumunta sa sulok at nag update ng coc ko. Nakayuko ako at natatabunan ng bangs ang mga mata ko na parang kamukha ko na si Sadaku "lumabas saglit may binili lang. Ang anak ko sobra akong mahal nun. I really appreciate the way he treated me like a princess. My son is single and until now wala siyang pinakikilala na babae sa akin." Natawa ako palihim. "Alam mo mare itong si Flor eh,parang tatandang dalaga walang boyfriend. Maganda naman at matalino. Ewan ko sa batang to." Nagtawanan sila. Samantala ako mapipikon na. Bakit ba pag single parang big deal? I hate being single kung alam lang nila.

May bumukas ng pinto. At ako ay di humarap. Deadma lang. Di ko inalam kung sino ang pumasok. "Ban-ban youre here. Taman-tama we have visitors a very good friends of mine. Meet mrs. Milagros and her daughter." Ako naman ay busy sa kaka update ng coc ko. At napansin ko may malaking kamay sa harap ko na gusto makipagkamay. Humarap ako at.......?

Watch out for my next story..
-Melo Chris Pagayon

I Fall to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon