"HANGGANG SA HULING SANDALI"
.
.
.
Sa aking pagninilay-nilay
Sa lilim ng punong akasya
D'on ko lamang napagtanto
Na ako'y hindi nag-iisa
Dahil kasama kita
Nang mga sandaling iyonSa mga pangakong binitawan natin para sa isa't-isa
Ako'y nangangarap at umaasang mangyayari iyon sa hinaharap
Hanggang sa huling sandali
Na merong ikaw at ako lamang
Ang s'yang minimithi at pinapangarap kong mangyari
Hanggang sa huling sandali
Sa kabanata ng buhay koLumipas man ang panahon
Kung tumigil man
Sa pagtibok ang puso ko
Hanggang sa huling sandali
Pangako sa'yo
Ikaw pa rin ang umpisa
Hanggang sa dulo ko
Ikaw pa rin ang nag-iisang mamahalin ko
Sa'yo lamang akoKahit na nakalaan man o nakatadhana na tayo sa iba
Hindi ko kailanma'y pinagsisisihan
Na ika'y dumating sa aking tabi
Na ika'y magiging dahilan ng lahat sa akin
Nang dahil lamang sa kaunting sandali na ating pinagsaluhan
Ako'y naging maligaya at masaya sa piling moKung lilisanin ko man ang mundong ito
Gusto ko sanang makasama ka muli
Kahit saglit lang
Sana'y pagbigyan mo ang aking munting hinihiling
Hanggang sa huling sandali
Muli kong maramdaman ang init
Ng iyong yakap at mga halik
Na bumubuhay sa aking mga ugat
Patungo sa aking puso't-kaluluwaIkaw pa rin ang minamahal
At patuloy kong mamahalin
Hanggang sa huling sandali
Magpakailanman
At mapawalang hanggan.
.
.
.
.
"ANG
MGA
NAISULAT KONG
"TULA"
PARA LAMANG
SA'YO"
By:
TANGANGANG BITTER
(snowsummerriver)
YOU ARE READING
"ANG MGA NAISULAT KONG "TULA" PARA LAMANG SA'YO"
Poetry"Ikaw Ang Kayamanan Na Gusto Kong Ipagdamot Sa Ibang Pinapangarap Ka Kahit Wala Tayong Label..." . . . TANGANGANG BITTER (snowsummerriver)