"IKAW AT AKO (TAYONG DALAWA LANG)"
.
.
.
Napapatulalang pinagmamasdan ka sa malayo
Mga nakaw tingin ko'y
Sa'yo lamang ilalaan
(Sa'yo lamang, aking mahal)
Nais kong mapalapit
Sa bituin na pilit kong ninanais
(Pilit kong inaabot)
Ako'y isang alipin
Na lihim sa'yong nagmamahal
Gagawin ang lahat
Kahit pa'y suntok sa buwanLakas-loob akong lumapit sa'yo
Sabay abot ng kamay
Kamay ko'y iyong tinanggap
Pareho tayong natawa sa isa't-isa
Nang sabay din nating banggitin
Ang ating mga pangalan
Nakatatak na sa puso't-isip ko
Nang mga sandaling iyon
Ikaw at ako
Tayong dalawa langSabay nating uukitin sa punong mangga
Sa loob ng hugis-puso
Ang mga pangalan natin
Pareho tayong nakangiti
Kasama ang mga pangako natin para sa isa't-isa
Ikaw at ako
Tayong dalawa langKay sarap sanang isipin
Magkasama tayong tumanda
Magkahawak-kamay
Naglalakad sa gilid ng dalampasigan
Nakangiting pinagmamasdan ang dapit-hapon
Hanggang sa magtakipsilim
Magkayakap tayong dalawa
Ikaw at ako
Tayong dalawa langSabay nating iguguhit sa ating mga alaala
Ang ating pinagsamahan
Sa lungkot at ligaya
Sa hirap at ginhawa
Sabay tayong mangangarap
Mula umpisa hanggang sa dulo
Ikaw at ako
Tayong dalawa langSa iyong paglisan, aking mahal
Ako'y nag-iisa na lamang
Sa apat na sulok ng isang madilim na silid
Muling nangangarap na ika'y makasama ko
Kahit isang saglit
Hawak ang litrato nating dalawa
Litrato ng ating mga alaala
Sa mga alaala ko'y
Ikaw lamang ang tanging kasama
Sa'yo lamang ako, sa akin ka lang
Ikaw at ako
Tayong dalawa lang.
.
.
.
.
"ANG
MGA
NAISULAT KONG
"TULA"
PARA LAMANG
SA'YO"
By:
TANGANGANG BITTER
(snowsummerriver)
YOU ARE READING
"ANG MGA NAISULAT KONG "TULA" PARA LAMANG SA'YO"
Poetry"Ikaw Ang Kayamanan Na Gusto Kong Ipagdamot Sa Ibang Pinapangarap Ka Kahit Wala Tayong Label..." . . . TANGANGANG BITTER (snowsummerriver)