AKING TULA 8

13 2 0
                                    

"MAHAL KITA, MAGPAKAILANMAN"

.

.

.

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Nagkakilala sa panahong hindi natin inaasahan
Napagtantong maaari palang magmahalan
Kahit sa mabagal at maikling sandaling inilaan
Para sa ating dalawa

'Di ko lubos akalain
Tayo'y may pagtingin sa isa't-isa
Pagtinging mauuwi lamang pala sa wala
Sa puso't-isip ko
Tayo'y pinag-isa
Ngunit hindi ako ang nakalaan para sa'yo
Sapagkat ako'y iyong magiging nakaraan
Pansamantala lamang pala ang lahat

Sadyang dumating ka lang
Para mahalin ng isang katulad ko
Pansamantalang itinadhana
Pansamantalang inilaan
Pansamantalang magpakailanman
Isisigaw na lang sa mundong
Ikaw at ako lamang ang para sa isa't-isa
Mahal kita, magpakailanman

Ikaw ang kayamanan
Na gusto kong ipagdamot
Sa ibang pinapangarap ka
Kahit hindi ako ang nararapat
Para sa isang katulad mo
'Di nakalaan sa'yo
'Di itinadhana ang tayo
Marahan akong lalayo
Susubukan kong muling buuin
Ang simpleng ako
Sa mundong wala nang ikaw at ako
Magpakailanman

Sinubukan kong kumapit pa pero masakit na
Sa mga alaala natin sa nakaraan
Sinubukan kong magpatawad pero hindi pa rin sapat
Susuko na lang ba ako?
Kahit na hindi naman dapat?
Magpapaubaya na lang
Iisipin kong ikaw ang alaalang
Kay sakit bitawan
Pakawalan
Tanggapin
'Pagkat tatanggapin na lang
Na wala ka na sa piling ko
Mamahalin ka na lang
Magpakailanman

Sa isang iglap lamang
Kasabay nang pagpikit ng aking mga mata
Kahit wala nang saysay
Patuloy akong umaasa
Na baka sakaling magkaroon pa rin ng tayo
Ikaw at ako lamang
Balang araw

.

.

.

.

.

"ANG

MGA

NAISULAT KONG

"TULA"

PARA LAMANG

SA'YO"

By:

TANGANGANG BITTER

(snowsummerriver)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"ANG MGA NAISULAT KONG "TULA" PARA LAMANG SA'YO"Where stories live. Discover now