CHAPTER 1 : Take No

2.1K 28 0
                                    


The Day She Said Goodnight
written by owwSic


Chapter 1 : Take No

Kung may mga tinaguriang demonyo sa gobyerno, ang paaralang pinapasukan ko ay may tinaguriang demonyo rin. The walking demon on earth ika nga nila.

Yan ang bansag sa akin ng mga kaeskwela ko. Hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno bumansag sa akin ng katagang iyon. Dahil kung alam ko lang, tiyak may kakalagyan siya. Papatunayan kong the walking demon ako. Ipaparanas ko sa kanya ang impyerno sa mundong pinapasukan niya. Hanggang sa mapilitan siyang mag drop-out at lisanin ang eskwelahang ito.

Napapaiwas ang mga tao habang dumadaan kami ng mga tropa kong si Jamir at Glen sa coreggidor ng engineering building. Tama 'yan. Dahil alam nilang kung sinong humarang ay magkakaroon ng impyernong buhay habang nag-aaral dito. Yung iba napapatingin sa akin. Pero karamihan napapayuko at dama ko ang takot sa kanila. Napangisi tuloy ako. Matakot talaga kayo sa akin.

"Gago, p're," paninimula ni Jamir sa pagsasalita "Nag drop out na si Felix kahapon."

"Sinong Felix?" kumunot ang noo ko.

Hindi ko kasi kilala 'yung tinutukoy niyang Felix.

Natawa si Glen. "P're, re, 'yung may-ari ng winasak mong motor," sagot niya "Iyung gumasgas sa kotse mo na bagong transfer dito sa school. Ayun ang nag drop-out."

"Ah. Siya ba." Ang tangi ko nalang na naisagot. Hindi kasi ako interesado at wala akong pakialam.

Nag drop-out na pala 'yung gagong 'yun. Mabuti naman dahil talagang ginawa kong miserable ang buhay niya rito sa school. Wala pang tatlong lingo na lumilipas ang new semester pero umalis na agad siya. Mahina pala e. Hindi niya alam ang kung sinong kinakalaban niya.

Nasa parking lot kasi ako nun nang magasgasan niya ang kotse ko gamit 'yung mumurahin niyang motor. Todo sorry si gago. Babayaran niya nalang daw yung gasgas sa sasakyan ko. E, nasaktuhang ang pangit ang gising ko ng umagang iyon. So, ang ginawa ko, kinuha ko 'yung baseball bat ko sa likuran ng sasakyan ko at pinaghahampas 'yung motor niyang mumurahin.

Sa sobrang gulat at galit niya marahil, akmang susuntukin niya ako. Pero sobrang bilis ng kamao ko dahil bago pa siya makasuntok, dumikit na ang kamao ko sa mukha niya. Napatumba siya at agad dumugo ang ilong. In Iniwan ko siya sa parking lot na tulala na nakatingin sa motor niyang bulok.

Noong sumunod na araw, alam kong sumugod ang mga magulang niya. Though, hindi naman ako pinatawag sa dean's office. Alam ko kasing si Dean na ang aasikaso nun. Mas lalo akong nagalit sa gagong 'yun. Kaya inalam ko kung saan ang classroom niya at binuhusan ko ng basura 'yung desk niya. Hindi lang 'yun. Sapilitan ko ring binuksan 'yung locker niya at binuhusan din ng basura.

Araw-araw ko 'yun ginawa hanggang sa nagsawa ako.

"Serves him right," tugon ko "Kala mo kung sinong malakas e. Sumbungero pala sa nanay."

Nagtawanan si Jamir at Glen sa sinabi ko. Tarantado raw talaga ako kahit kalian. "Boring nga e. Sarap ulit man-trip," muli kong pagsasalita. "Sana meron-"

Napatigil ako nang biglang may bumunggo sa akin. Napatingin ako sa harapan ko at bumungad sa mukha ko ang maliit na lalaki na may malaking salamin. Nakasuot siya ng weird na damit. Malaking tshirt at lumang pantalon. Halatang dukha rin ang isang tao.

"Tangina," napamura ako nang makita ko yung damit ko.

Natapunan ito ng orange juice na dala-dala ng lalaking bumunggo sa akin. Nanlilisik ang mga mata ko nang tignan siya. Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya

The Day She Said Goodnight Where stories live. Discover now