CHAPTER 13 : Last Song

913 20 3
                                    

The Day She Said Goodnight written by owwsic

Chapter 13 : Last Song

"Rome, uuwi na ako."

Ayan agad ang ibinungad sa akin ni Aster nang pakabalik ko palang ng ospital room niya. It's already 1:00 in the morning. Madaling araw palang at ilang oras palang ang inilalagi niya rito. Lumabas lang ako saglit upang bumili ng makakain namin dahil hindi pa kami naghahapunan.

Nakaupo siya sa gilid ng kama niya na para para bang handa na siyang umalis. Agad ko siyang nilapitan pagkatapos kong bitawan 'yung pinamili ko sa fast food na malapit lamang dito sa ospital.

"Uuwi?" balik kong tanong "Hindi, Aster. You are sick. Kailangan mong mag stay dito."

She looked at me. Her eyes felt sorry. Humihingi ng sorry ang mga mata niya na hindi kayang sabihin ng kanyang bibig ngayon. She was saying sorry as if tanggap na niya ang kalagayan niya.

Sana nga ganoon ko lang din kayang tanggapin.

"Rome, wala na ko pag-asa, mahina ang boses niya "Wala kaming pera pampagamot. Yung nalaman ko last year ang sakit ko? Malala na siya. E, ano pa ngayon na isang taon na lumilipas? Tanggap ko na naman 'to, Rome. Hindi ba nga sabi ko sa'yo, napaghandaan ko na 'to?"

Kinuwento sa akin ni Aster kung paano niya nalaman na may sakit siya noong nakaraang taon.

Madalas daw ang pagdudugo ng ilong at gums niya. Madalas din daw siya kapusin ng paghinga at minsan naman daw ay mabilis siyang magkapasa. Akala niya lang nung una 'e wala lamang iyon hanggang sa mapagdesisyonan niya nang magpa-check up.

Later that, she finds out na may leukemia nga siya. Hindi raw niya ito madaling natanggap. Ilang araw at gabi raw siyang umiiyak dahil gusto niya pang mabuhay. Marami pa raw siyang gusto gawin. Maraming pangarap na gustong matupad para sa sarili at pamilya niya. Gusto niya pa raw makita sila Aaron at Aries na lumaki. Kaya sa tuwing naiisip niya raw na may malala siyang sakit, umiiyak siya at nagbabakasakaling panaginip lamang ang nangyari.

Gusto niyang magpagamot pero kakailanganin niya raw ng malaking pera para doon. Hindi biro ang sakit na leukemia dahil malaking halaga ang kailangan para sa operasyon at treatment. Kailangan din ng maintenance ng katawan niya. Wala raw siyang pera para doon.

Kaya tinanggap niya nalang daw sa sarili niya ang tadhana. Nag doble trabaho nalang daw siya upang makapag-ipon ng sapat na halaga na kakailanganin sa pagpapalibing niya. Ayaw niya raw kasing madagdagan pa ang utang nila. Kaya as much as possible raw, gusto niyang wala na iintindihin ang mama niya at hahagilap ng pera para sa lamay niya.

Hindi ko na naman maiwasan na hindi mapaiyak nang dahil sa sinabi ni Aster. Umiyak na naman ako nang umiyak. Hindi dapat ako maging mahina ngayon para kay Aster. Gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako para nang sa ganoon 'e hindi siya mawalan ng pag-asa. Gusto ko kasing magbago ang pananaw niya tungkol sa kalagayan niya.

Gusto kong maisip niya na may pag-asa pa. Na may pag-asa pa siyang gumaling. Pero paano ko magagawa iyon kung naiisip ko 'yung kalagayan ni Aster noon noong malaman niyang may malala siyang sakit. Hindi ko lubos maisip na nag-iisa siyang umiiyak. dati at walang kadamay sa trahedyang kinakaharap niya. Doon ako labis na nasasaktan.

Pagtingin ko kay Aster, lumuluha na rin siya.

"Rome, I'm so sorry," sabi niya "Kaya kahit na gusto kong tanggapin 'yung feelings mo, hindi ko magawa. Kasi alam ko na isang araw...isang araw 'e iiwan din kita. Ayokong maranasan mo ulit 'yung naranasan mo noong nawala ang lola mo, Rome. Ayokong masaktan kita. Ayoko."

Umiling-iling siya habang lumuluha. Nabasag ang puso ko nang dahil doon.

Yumuko ako sa harapan niya saka ko hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Aster.

The Day She Said Goodnight Where stories live. Discover now