CHAPTER 8 : My Beating Heart

884 16 1
                                    

The Day She Said Goodnight written by owwSic


Chapter 8 : My Beating Heart

How to court a girl?

Yan ang binabasa ko ngayong gabi dito sa laptop ko habang nakaupo sa kama. Hindi ko alam kung gaano nako katagal nag si-search online kung paano ba ang tamang panliligaw sa isang babae. Basta ang alam ko nalang, ang daming article na ang nabasa ko pero para bang wala ako makuhang ideya.

Damn it. Ganito pala kahirap mag-isip ng mga ways kung paano ang tamang panliligaw sa isang babae. Never ko talaga naisip na darating ako sa puntong ganito. Never ko inisip na manliligaw ako ng babae, 'no. Wala naman akong pakialam sa kahit na sino noon. I used to say screw them all. Sarili ko lang ang mahalaga para sa akin at wala nang iba.

Pero nang makilala ko si Aster, unti-unti na akong nagbabago. Aminado na ako doon dahil pakiramdam ko 'e unti-unti na akong nagiging tao. Nagkaroon na ako kahit papaano na pakialam sa paligid ko. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko na ang babaeng gusto kong ligawan.

Anyway, siguro kung may ganitong problema rin ang kasing-edad ko, maaari silang magtanong sa mga ama nila kung paano nito napasagot ang mga nanay nila. Pero hindi ko naman maaaring gawin iyon dahil unang-una, hindi kami close ng daddy ko. Besides, sa tuwing umuuwi sila, imbis na kumustahin nila ako sa tuwing wala sila, 'e nag-aaway pa kaming dalawa.

Nakaraan lang nagkasagutan na naman kami. Tinanong niya kasi ako kung ano ang plano ko after graduation. Sabi ko, hahanap ng trabaho at aalis sa puder nila. Nagalit siya. Bakit daw hahanap pa ako ng trabaho 'e may kumpanya naman daw kami. Hanggang sa kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi niya. Umawat lang si mommy kaya tumigil kaming dalawa.

Ganon palagi ang eksena naming dalawa. Wala ako matandaang memories na hindi kami nag-away o nakapag-usap kami ng seryoso ni daddy. Yung typical na father and son talk. Ewan ko ba pero parang ang init-init ng dugo namin sa isa't isa.

Ganoon siguro kapag magkamukha, 'no? Kasi kahit ayokong aminin, kamukhang-kamukha ko si daddy. Kung ano ang itchura ko ngayon 'e ganoon din ang itchura niya noong kabataan niya. Kaya siguro'y hindi kami magkasundo dalawa. We hated each other's guts.

Mabalik tayo sa binabasa kong article kung paano ba ligawan ang isang babae?

Sabi rito sa google 'e mayroong 9 ways to win a girl's heart.

Una, be consistent. Tapos respect her, be kind, be a gentleman, take things slow (slower still), make her laugh, communicate, learn her culture, and last, meet the parents.

Napaisip ako kung consistent ba ako. Kung ang sisimulan ko ba ay kaya kong tapusin. Naalala ko 'yung mga binu-bully ko noon, consistent ko naman silang binu-bully, hindi ba? Pero alam kong hindi iyon ang tinutukoy dito. I know that I am consistent. Alam kong kaya kong panindigan kay Aster 'yung mga katagang gusto ko siya once umamin na ako.

Malaki rin ang respeto ko kay Aster tapos alam ko rin naman na kahit papaano'y gentleman ako. Hindi ko rin mamadalian ang mga bagay-bagay dahil gusto kong paghirapan 'yung pagsagot niya sa akin. Napapatawa ko rin siya. Well, mas madalas nga lang siya mapatawa ni Jamir at Glen, but hey, alam ko sa sarili ko na napapatawa ko siya at masaya rin siya sa tuwing magkasama kami.

Nag ko-communicate rin kaming dalawa ni Aster. Marami kaming mga bagay na napag- uusapan at naisi-share sa isa't isa sa tuwing magkasama kaming dalawa. I also know her culture. Alam ko na kung anong klase ng pamilya meron siya and last, well nauna pa nga ito, meet the parents. Nakilala ko na ang mama niya pero 'yung papa niya na namayapa na 'e hindi pa ako nakakapagbigay galang.

Sinarado ko na ang laptop ko sabay nahiga na sa kama ko.

Wala naman ako nakuhang matinong sagot kung paano manligaw e. Ayoko rin naman magtanong kila Jamir at Glen dahil baka masira lang nila ang diskarte ko. Mas mabuting malaman nalang nila na sinagot na ako ni Aster at kaming dalawa na. Nang sa ganoon ay magulat sila, 'di ba?

The Day She Said Goodnight Where stories live. Discover now