Chapter 3

25 2 3
                                    

Chapter 3

--

NAOMI's POV

"Huy. Jaspeng! Ano problema?"

"Naomi. May sasabihin ako sayo. Seryoso to ah. Pero tayo lang muna ang makakaalam." OMG! Anong sasabihin niya?

"Ano ba yun?" nangingiting tanong ko.

Gosh! Sasabihin niya bang crush niya ako? Magpapaalam na ba siyang manligaw sakin? Ito na ba talaga yung moment na yun? Ngayon na ba mismo?

"Itulay mo naman ako kay Lyra oh."

Tapos we will live happilly ever---

"Ha?!"

"Pwede ba Naomi? Kasi, matagal ko na siyang crush e. Kaso nahihiya akong lumapit."

"Kay Lyra? Itutulay kita?" Ahh. Kay Lyra ko siya itutulay?

"Oo. Sige na please. Bestfriends naman tayo e. Mas close kasi ako sayo kesa kay Elle e. Please."

Ang sakit naman sa parte ko nun. Ang ambisyosa ko naman kasi e. Amp! -_-

"Ano.. S-sige.. Hehe"

"Yes! Whoo! Thank you Naomi! Alabyu naa!" nagtatalon pa siya.

Pwede bang ako nalang? Alam ko namang yung "i love you" na yon ay nasabi niya lang dahil magkaibigan kami. Ah. Teka. Bestfriends pala. :(

"Kelan ka magsisimula Naomi? Nae-excite na kasi ako e" para siyang bading na kinikilig pa. Pero ang cute. :3

"Bukas nalang Jasper. Para naman makapag-ready muna ako." Well. It hurts you know. -.-

ELLE's POV

"Are you crazy or are you crazy!?" sigaw niya sakin.

"Wag mo nga akong ini-English diyan. Upakan kita makita mo."

"Don't you dare Elle. Dahil kung hindi.."

"Kung hindi.. Anong gagawin mo Mercado? May laban ka ba sakin? Favorite ako ng mommy mo. Well. Sige. Kung ayaw mo edi ise-send ko na 'to kela Tita." akma kong kinuha yung phone ko.

"Okay Fine! 3 months right? Deal. Okay. 3 months. Just 3 months."

Bibigay din pala e. Pakipot pa. Tss. Sa wakas napansin na din ako ni Zero.

"Okay. Magsisimula ka bukas. Kelangan naka-abang ka sa gate. Ha? KBye!" sabi ko saka tumakbo na paalis.

"Yes! Kami na." napabulong nalang ako sa sarili ko at nakangiti.

Bumalik naman ako sa classroom after lunch. Nag sandwich nalang ako para di ma-late. Naabutan ko si Naomi na nakaupo ang nakapangalumbaba.

"Anata wa daijobudesuka?" Japanese yan. Secret language namin ni Naomi. [Okay ka lang?]

Nabanggit ko ba'ng half Japanese si Naomi? Well kung hindi, now you know.

"Hai... Watashi wa omou?" [Oo. Sa tingin ko?]

Tingin ko meron siyang problema. -_-

"Oy. Anong problema mo?" tanong ko.

"Hayy. Alam mo ba may sinabi si Jasper sakin."

"Anong sabi?"

"Itulay ko daw siya kay Lyra. Kakatawa noh?"

Alam ko namang nahu-hurt siya pero ano magagawa ko? Alangan naman ipigil ko yung nararamdaman niya.

"Sows. Di bale. Mag be-break din yun." ti-nap ko balikat niya.

"Haha. Angsama mo naman." binatukan pa ako.

"Ay. Makabatok ka naman?" ngumiti nalang ako sakanya.

"E, ano nang plano mo?" Tanong ko uli.

NAOMI's POV

"E, ano nang plano mo?"

Plano ko? Ano nga bang plano ko? Anong gagawin ko? Ayaw ko kasing itulay si Jasper kay Lyra e. pero ayoko din namang malungkot si Jasper. Aish!

"Bakit kasi kay Lyra pa? Pwede namang sa iba nalang e. pwede namang sakin nalang" nagmamaktol na ako.

"Hay. Sinasabi ko sayo. Wag ming gagawin ang mga bagay na labag sa kalooban mo. Masasaktan ka lang. Pero kung gusto mo'ng maging tanga, edi go! Kaya mo yan." Tinapik nalang ni Elle ang balikat ko. That way kasi medyo kumakalma ako.

"Hoy! Nga pala! San ka nanggaling kanina? Pinuntahan mo siguro si Zero noh? Aba. Dumadamubs ka na ah." Turn ko naman na para asarin sya.

"Hoy! H-hindi ah.. Ano lang.. Nag-CR lang.. Psh!"

"E, bat nauutal ka dyan?"

"Wala. Pake mo. Hmp."

Alam kong may tinatago yan sakin. Just you wait Elle. Malalaman ko din yan at ipagkakalat ko. Mwahahahahaha! Ay. Parang evil naman. Haha. Pero syempre jokelang. Loves ko bestfriend ko noh.

"Goodmorning class!" Lahat kami napatayo dahil sa isang 'surprise entrance' ni Miss Chua sa classroom.

"Goodmorning ma'am!"

--

Vote! - Comment! - Follow! - Add to library! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and You, You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon