01

9 0 0
                                        

In the middle of our training — I didn't expect to be accepted sa call center. Imagine 'di naman ako magaling mag-english at lalong bobo ako pagdating sa grammar, tangina ang tanga ko nga gumawa ng sentence e.

Though hindi ito ang first work ko, I was a factory worker at Meycauayan and Novaliches Q.C. February natanggap ako sa isa sa mga call center dito sa Pilipinas, yun nga lang sa Ortigas pa ang office nila at taga Bulacan po ako. Imagine the everyday byahe? But no choice, kesa naman wala akong work mahirap na diba and sa lahat ng nag-interview saakin ito ang unang nagbigay saakin ng job offer, so I accepted the work na and here I am in the middle of our training.

May dadating daw na mag-didiscuss ng rules and regulation sa work namin like memos, RFZT (Red Flag, Zero Tolerance), yung mga mangyayari saamin if may nilabag kami sa procedures and processes. Oh, just a heads up ah di ako napunta sa nag-tatake ng calls, likely sa chat support ako napunta edi di maririnig ng customers yung maganda kung boses.

Habang hinihintay namin yung magdidiscuss, nagbasa muna kami ng mga transcript from tenured agents. Pinagaaralan namin kung paano sila mag-handle ng customers since next week ay mag-tatake na din kami ng chats, just 4 hours then review the chats afterwards.

"Jhade, ano kaya sa tingin mo dun yung nireply ng tenured doon sa customer?", tanong saakin ng katabi ko.

"Ma'am dapat nagtanong na siya agad ng budget ng customer diba?", malakas na tanong ko.

Magbebenta kami ng service like TV, broadband and landline. We'll help customers choose the right package based on their needs. Base sa nabasa namin sa transcript dapat nag-tanong na agad si agent ng budget since customer reluctance is the price.

"Yes, dapat nag-ask na agad siya ng budget. We'll ask mamaya kung ano ang dapat gawin with this scenario, okay?" sabi ni Ma'am Micay samin ang aming LS - Learning Specialist.

"Ang tagal naman ng magdidicuss satin", naiinip na sabi ni Isa.

"Magbasa pa tayo ng isa pa habang wala pa yung magdidiscuss ng RFZT niyo", ani ni Ma'am Micay.

Naghahanap pa ulit yung trainer namin ng panibagong scenario ng may biglang kumatok sa pinto at bumakas ito.

"Good afternoon", sabi nung baging dating.

Ang angas naman niya, yung tipong hindi nakakainis. Iba yung epekto sakin e, mukhang delikado.

"I'm Jess, one of the quality analysts for SWC Webchat. I'm also the one who audits your previous chats, so here I am to discuss the RFZT so you'll be aware of the consequences of your actions. Let's start..."

Nag-discuss na siya about RFZT, di ko alam kung naiintindihan ko ba yung sinasabi niya o tulala lang ako sakaniya. Natatawa nalang ako sa sarili ko.

"That's it! Any question about RFZT?", tanong niya saamin.

"Nothing it's all clear", sabi ni Daniel isa sa ka-wave ko.

"Okay, other concern?"

"QA, they've got some questions about the transcript that they read earlier.", biglang sabi Ma'am Micay.

"Sure, saan yung transcript na nabasa niyo kanina?"

Pinakita na ni Ma'am Micay yung binasa naming chat kanina.

"Guys do you have questions kanina diba about this chat?"

Binasa na muna namin siya with QA bago kami nagsabi ng mga katanungan namin, inumpisahan ni Daniel.

"Yes, that makes sense. However, some scenarios are not predictable, so you need to think outside the box, but you must still follow the process and be compliant, okay?", wika ni QA.

Seasonally inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon