02

5 0 0
                                        

Nakakapag-adjust na kami dito sa production pero nakatutok pa din samin ang mga coaches at ang QA, kaya alam niyo na yung nararamdan ko.

Naguusap kami ngayon ni Isa sa tools na pwedeng naming gamitin privately. May GC din kami dito with QA at nagaasaran na sila don.

Yung Baby Jess mo inaasar ako.

Chat saakin ni Isa privately, di ko agad siya mabuksan pero nag-pop up siya sa gilid ng monitor ko kaya nakikita ko pa din siya.

"Hoy ano yan?" natatawag tanong sakin ni Mari

"Yung ano?" maang-maagang tanong ko

"May nabasa ako, anong Baby Jess?" pangangasar niya sakin

"Wala yun" natatawa ding sabi ko

Ang daldal kasi ni Isa e, nakita tuloy yung chat niya. Natahimik nalang si Mari pero alam kitang kita yung ngisi niya, alam ko na agad na kakalat na may gusto ako kay QA Jess.

Lumapit saakin si Isa kasi magla-lunch na kami at agad ko siyang nabatukan, kaya tawa siya ng tawa.

"Hoy Isa, nabasa ko yun. Kayo ah, may tinatago pala kayo at Baby Jess pa nga" pangangasar ni Mari saamin.

"Wala yun Ate Mari, ikaw naman kasi bakit ka tumitingin sa monitor ng may monitor" pagbibiro ni Isa.

"Tinignan ko lang naman kung anong ginagawa niya saktong nakita ko chat mo" natatawang sabi niya pa.

"Manahimik na nga kayo, lunch na muna kami" kunwaring naiinis na sabi ko

Tumayo na agad ako at hinatak si Isa palabas ng production, baka matuluyan talaga ang inis ko dahil nakikita ko pa din yung ngisi sa mukha ni Mari.

"Bakit naman kasi nagchat ka pa doon" kompronta ko kay Isa paglabas namin

"Malay ko bang nakatingin siya sa monitor mo, inasar kasi ako ng Baby mo."

"Di ako nakakapagbasa sa gc ano bang meron?"

"Nagpapalibre kasi kami kapag nakapasa ngayong araw, gumagawa na kami paraan para makasabay natin siya sa lunch kasi di mo mahanap yung facebook diba"

"Malalaman ko din yun, wait ka lang"

Naglunch na kami sa malapit dito sa pantry, dahil bago-bago palang kami sa trabaho kailangan kong mag-tipid kaya nagbabaon ako ng lunch ko. Habang kumakain kami kausap ni Isa yung asawa niya, mas matanda siya saakin ng dalawang taon at may anak na siyang magiisang taon.

Natapos ang lunch at nagsibalikan na kami sa production, at inaasahan kong mananahimik na si Mari pero mukhang hindi.

"May nabalitaan kami" natatawang sabi ni Ate Nikki

"Ano po yung Ate?"

"May gusto ka sa QA?"

Agad na hinanap ng mga mata ko si Mari at agad ding sinamaan ng tingin, kitang kita ang pagtawa niya at ngisi pagtapos.

"Nako hindi po, kanino niyo nalaman yan?" maang-maangan kong tanong

"Kay Mari, may nabasa daw siya"

Mukhang malalaman na ng buong LOB namin ang pagkakagusto ko sa taong yun. Ngumiti nalang ako sakaniya at bumalik na sa upuan ko.

Dahil na-indorse na kami sa production ay ina-add na nila kami sa GC ng SWC - Cable sa facebook. Dahil dito nakita ko na yung mga facebook nila at alam niyo na agad kung sino ang una kong hinanap diba?

Jess Madrigal

Kaya pala hindi ko mahanap kasi 'Jess' lang ang nakalagay sa facebook niya. Agad ko siyang na-stalk, nakita ko na agad maging ang mga dati niyang mga pictures at posts. Alam kong hindi niyo alam pero magaling akong stalker. Nahanap ko maging ang twitter at instagram niya, pero di ko siya ina-add o maski follow. May hiya pa din naman ako.


Seasonally inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon