Nakakapagod maging sikat
lagi mong aalahanin ang mga kilos mo
ang mga sasabihin mo
dahil lhat ng gagawin mo, makakaapekto sa iyo
Sanay na kong mapalibutan ng maraming tao
pero hindi ako masaya
kasi pakiramdam ko lahat sila di totoo
kaya lang nila ko nilalapitan dahil sikat ako
Gusto ko sana meron talagang magpahalaga sken
di dahil ako si keiji na sikat dahil ako si keiji na ordinaryong tao
siguro naman kahit konti nakikilala nyo na ko
siguro iniisip nyo na masarap maging sikat
pero hindi talaga
pakiramdam mo kasi parang binabantayan ka nila
dahil nga sikat ka
Ako nga pala si Keiji Monteverde , sadyang binigyan ako ng sobrang2 regalo ng diyos
mayaman, gwapo, magaling sa academics maging sa non - academics
sabi nga nila swerte ako
pero di nila alam, di ako swerte sa pamilya
ang mama ko, isang japanese
ang tanging kasundo ko
si mama lang palagi ang nagmamahal saken
kaya lang di na kami magkasama
dahil nasa Japan na siya
si papa,
hindi, si Pres. Luis Monteverde
siya ang naging dahilan kung bket mag - isa na lang ako
dahil sa PRIDE nya
Naging boring ang buhay ko dahil sa mga ordinaryong araw
pa ulit - ulit na lang
wala bang bago?
hanggang sa isang araw
nagbago ang buhay ko dahil sa
kanya....
