Ikalawang Kabanata

13 3 0
                                    

"Kailan ba kayo magpapakasal ni Gustavo?" Nonchalant na tanong ng Lolo nito habang patuloy sa pagkain.

Muntik naman itong mabilaukan sa sinabi ng Lolo nito.

"Ano po?!"

"Halos isang dekada narin ng magpirmahan kami ng ama ni Gustavo tungkol sa kasalan ninyong dalawa. Binigay pa ngang bigay-kaya iyong sampung million ginamit mo para mapalago iyong ating mga negosyo."

"Lo, una sa lahat. Yung sampung million na binigay nila ay dahil yun sa pagbinta natin ng ibang shares sa kompanya. Isa pa, hindi ako magpapakasal." Sabi nito at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ano? Eh paano yung—"

"Ako na ang magsasabi kay Gustavo, maiintindihan niya naman ako eh." Positive na sagot naman nito. 

Hindi na nagsalita pa ang lolo nito at alam nito kung gaano ka tigas ang ulo ng apo niya. 

*Kinabukasan sa opisina ng mga Imperial.

Pumarada sa indoor parking lot ng Imperial Co. ang wine red Lamborghini nito at pumasok agad ng elevator patungo sa top floor kung saan naroon ang opisina ni Gustavo.

Nang makarating na sa itaas ay binati siya ng secretary nito.

"Oh! Good morning, Ms. Lindsey. Shall I—"

"No need." Pang-iinterupt niya rito at dali-daling tumungo sa opisina ni Gustavo at pumasok rito.

Ngumisi na lamang ang babaeng sekretarya, at buntong hiningang bumalik sa kaniyang trabaho.

***

Nakatayo't nakadungaw sa baba ng kaniyang 20-storey building si Gustavo ng may pumasok sa opisina nito. Nang marinig ni Gustavong bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina ay agad itong lumingon.

Halos mapatalon ito sa saya ng makitang ang kaniyang minamahal pala ang narito.

"Lindsey? Hi! You didn't tell me you were coming!" Galak na bati nito, "come in, come in, please. Have a seat." Saad nito at agad lumapit sa babae upang halikan ang pisngi nito ngunit itinaboy lang ito at agad umupo sa executive chair ng CEO, ni Gustavo.

"Champagne." Saad ni Lindsey ng maka-upo na ito at inilagay ang designer mini bag sa desk ng lalaki.

"Of course." Tangong saad nito at agad tumakbo upang kunin ang red champagne sa fridge ng opisina nito habang ang babae ay naka numero quatro naghihintay sa upuan ni Gustavo na tila ba siya ang may-ari ng kompanyang ito.

"Here you go, fresh from Europe." Abot tengang ani nito.

"Mmm... Good choice." Tanging sabi naman ng dalaga ng basahin niya ang ngalan ng champagne bottle, binuksan niya na ito at sinimot-simot ang alak bago nito ininom.

Nakatitig lang si Gustavo kay Lindsey at masayang minamasdang naiibigan ng nobya ang bagong biling champagne na ipinareserve niya mismo para rito. He knew that Lindsey loved this 20-million peso red champagne, kaya kahit pa halos manlumo siya ng malaman ang presyo nito ay binili niya parin ito. Ika nga niya sa isip ay 'If others have jewels, as their best friend. His girl definitely has red champagne as hers.'

"This is good." Saad ng babae.

"Thank you. Masaya akong nagustuhan mo... Umph... Is there someplace you want to go? Shopping? Sightseeing? Or anything? I can drive you anywhere. I can take the day off." Excited na sabi nito habang nakatayo lang sa harap ni Lindsey na tila ba ay sekretarya ito ng babae at naghihintay ng utos mula rito.

"No. I'm not in the mood for any of that. There's actually a serious reason why I'm here." Sabi nito at kinuha ang envelope na napatungan ng bag niya sa desk.

Inside Your Chest Is My TreasureWhere stories live. Discover now